LIFE is cruel by nature.
It will test you, shake you, and it will twist you around.
We have no choice but to endure it dahil isa iyon sa mga painful truth na kailangang i-deal ng bawat isa sa atin. Natural na iyon, eh. Hardships are part of living. It allows us to learn, to become strong. Furthermore, it makes us decide on certain things for our own. Minsan nagkakamali tayo sa mga desisyon natin. Pero wala na tayong magagawa kundi ang panindigan iyon. Kasi nangyari na, eh. The damage has been done.
Ang buhay natin ay isang mahabang paglalakbay sa tila isang walang hanggan na kalye. Minsan sementado ang daan kaya matulin tayong nakakapaglakad. Pero kadalasa'y lubak-lubak ang daan. Kung mamalasin ka pa, may daang matarik at maraming bubog na pwedeng tumusok sa'yo. Darating sa punto na mapapagod ka... at madadapa ka. Desisyon mo na kung uupo ka na lang at ititigil na ang paglalakabay. O kaya'y taas-noo kang tatayong muli at ipagpapatuloy ang paglalakad.
Sa buhay ng bawat isa sa atin, may isang taong darating upang makasabay natin sa paglalakad. Siya ang magiging kaagapay natin. Makikipagtulungan tayo sa kanya. Siya ang magmamahal sa atin ng buo. Siya ang magpapasaya sa atin. But due to unfortunate circumstances, may ibang iiwan ang kasabay nila. Nagpapatuloy sila sa paglalakad nang iniiwan ito sa likuran nila. Pilit sila nitong hahabulin pero bibilisan nila ang paglalakad hanggang sa makalayo sila rito.
Pero hindi magtatagal ay mare-realize nila ang pagkakamaling ginawa nila. Titigil sa paglalakad at mapapaisip kung tama nga ba 'yong ginawa nila. Kung iyon nga ba ang makakabuti para sa kanilang dalawa. Magsisisi sila. Pero paglingon nila sa kanilang likuran, doon lang nila mapagpagtanto na masyado na palang malayo ang nalakad nila palayo rito. To the point na hindi na nila makita ito mula sa kinatatayuan nila.
Gustuhin man nilang bumalik, hindi na pupwede.
Dahil ang buhay ay hindi isang ordinaryong paglalakbay.
You can't go back to where you came from in case you missed something or someone. You have no choice but to go on with your jounrney. No matter how much you try to move your feet backwards, there will always be a force that will prevent it from doing so.
Dahil ang buhay ay hindi isang trial and error. 'Pag nagkamali ka, hindi ka na pwede pang bumalik sa square one. Hindi ito parang isang shooting ng pelikula na may "cut!". Hindi rin ito parang isang pelikulang pinapanood sa DVD na kapag may na-miss kang eksena kasi inutusan ka ng nanay mo, pwede mo pang i-rewind.
Walang take two.
"No! Hindi 'to totoo!" umiiyak at malakas na sigaw ni Christine pagkabasa sa isang papel na iniabot ng nanay niya. Naibato niya ito sa isang sulok ng kwarto niya.
"Anak..." Tila hindi alam ng nanay niya kung ano ang sasabihin upang mapakalma siya. Sa halip ay niyakap na lang siya nito habang siya nama'y napaupo na lang sa kama niya dulot ng panghihina ng tuhod niya.
"'Ma... sabihin n'yo sa'king hindi 'to totoo!"
Ang dumi-dumi na nga ng tingin niya sa sarili niya mula nang ma-gang rape siya ng mga walang hiyang lalaking iyon, nadagdagan pa ang rason niya upang kamuhian ang kanyang buhay.