***CHAPTER THIRTEEN (SEASON FINALE)***

77 1 0
                                    

MINSAN sa buhay natin, darating 'yong pagkakataong masayang-masaya na tayo. 'Yong parang napaka-magical at napaka-perpekto ng lahat. 'Yong tipong kontinto na tayo. Minsan natatanong natin sa Diyos kung anong napakabuting bagay ba ang nagawa natin para bigyan tayo ng ganoong klase ng kasiyahan na parang hindi natin deserve. Minsan pa nga'y para na iyong isang magandang panaginip.

Ang hindi natin inisip, habang patuloy tayong nabubuhay, magkakaroo't magkakaroon pa rin ng twist na magbabago sa lahat. May darating na pangyayaring sisira sa sayang nararanasan natin. Kasi habang umiikot ang mundo, hindi maaaring palagi na lang tayong nasa 'taas. Minsa'y kailangan nating bumagsak upang matutong bumangon at mas tumatag.

Kaya nga lang iba ang nangyari kina Christine at Chance. Masyado silang pinaglaruan ng tadhana. Masyadong malakas ang pagkakabagsak na dinanas nila.

"O, ngumit ka naman diyan," wika ng mama ni Christine at hinawakan ang baba niya. "Graduation day mo ngayon, hindi lamay. Dapat ay masaya ka."

Hindi niya alam kung dapat ba siyang maging masaya. Hindi niya alam kung kaya pa niyang ngumiti o kaya'y magawa pa niya 'yon sa susunod na mga araw at taon.

Kasalukuyang nakapila ang mga fellow graduates niya habang hinihintay ang pagsisimula ng graduation ceremony nila. Dapat nga sana'y masaya siya. Tapos na rin siya sa pag-aaral. Nagtagumpay siya. Pero pakiramdam niya'y tinalikuran na siya ng buong mundo. Napaka-miserable ng pakiramdam niya. Para siyang pinaglalarua't iniisahan ng tadhana.

Bakit ako pa? Bakit?

Sa loob ng halos limang buwan ay naging matamlay na siya. Nagtaka nga si Chance sa biglang pagbabago niya. She was not her usual self anymore. Iniiwasan pa niya ito. Pero kahit kaila'y hindi ito sumuko sa kanya. Patuloy pa rin siya nitong nilalapitan at sinusuyo. Kung hindi lang mahirap ay matagal na niyang hiningi dito na lumayo na ito sa kanya. Ayaw na niyang maging sila pa. Ayaw na niyang patuloy pa siya nitong mahalin. Hindi na pwede.

"Christine."

Sabay silang napalingon ng mama niya sa kanilang likod nang marinig ang boses na iyon na tumawag sa kanya.

"Euvelyn?" Mula nang makalabas ito sa ospital ay hindi na sila nagka-usap pang muli. Nahihiya siya sa masamang ginawa niya dito. Ito nama'y hindi na nakialam pa sa kanila ni Chance. Mag-bestfriend pa rin naman ang mga ito pero batid niyang may nag-iba sa pagtrato ni Chance dito.

"Can we talk?"

Natigilan siya. Hindi niya alam kung kaya na niya o kung handa na siya. Pero kailan pa ba niya ito kakausapin? Pagkatapos ng graduation ay tuluyan na siyang lalayo sa mga ito kaya mas mabuti ng ayusin na niya ang dapat niyang ayusin ngayon.

"Sige na anak. Matagal pa naman bago magsisimula ang ceremony, eh."

Tinanguan niya si Euvelyn at nauna siyang lumakad. Humantong sila sa school garden kung saan walang tao.

"Ano'ng pag-uusapan natin?"

"I'm sorry."

"No, I should be the one saying that. Sinaktan kita at muntik ka ng mamatay nang dahil sa kagagawan ko. I'm sorry."

"I deserve it naman, eh. Naging selfish ako. Sorry. Nabulagan ako sa love ko para kay Chance."

"Sorry pa rin."

Tumango ito. "Aaminin ko, I still love him. I don't even know if I can unlove him pretty soon. Pero ang kaibahan lang ngayon, tanggap ko na na ikaw ang mahal niya. May hihilingin lang sana ako sa'yong isang bagay. Sana mapagbigyan mo ako."

"A-ano 'yon?"

"Alagaan mo si Chance, mahalin mo siya at 'wag na 'wag mo siyang sasaktan. Sa tagal naming mag-bestfriend, kilalang-kilala ko na siya. At nasisiguro kong mahal na mahal ka niya. Iba kasi siyang magmahal, eh. 'Yong tipong iikot na ang mundo niya d'on sa babaeng mahal niya. Kulang na lang ay hindi siya magtira para sa sarili niya. At sa nakikita ko, parang baliw na baliw sa'yo 'yon."

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon