***CHAPTER FIFTEEN***

69 2 0
  • Dedicated kay Euvelyn Tan Samson
                                    

 

"ANO ba kasi'ng pumasok diyan sa kukote mo at naisipan mong magpakita sa kanya?" sermon ni Leah kay Christine. Ito kaagad ang tinawagan niya nang makauwi sa tinitirhang condo unit. Gulong-gulo ang kanyang isip at pati na rin ang emosyon niya sa naging pagkikita nilang muli ni Chance. Hindi niya naman kasi iyon inasahan, eh. Ang buong akala niya'y hindi ito darating sa meeting dahil iyon din ang sinabi ni Shiela. Masyado raw kasi itong subsob sa trabaho para dumalo sa meeting. Baka nga raw hindi ito dumalo sa mismong reunion.

"Hindi ko naman kasi alam na pupunta siya, eh." Tinungga niya ang bote ng alak na nakalapag sa mesang kaharap nila ng matalik na kaibigan. Niyaya niya itong mag-inuman sa sala.

"Maski na. The fact na mga batchmates natin ang ka-meet mo, malaking-malaki ang posibilidad na magtatagpo ang landas ninyo. Lukaret ka rin, eh!" Ito naman ang tumungga sa bote ng alak. Oo, bote talaga. Hindi uso sa kanila ang baso dahil misyon talaga nila ay lunurin ang mga sarili nila sa alak at magpakalasing.

"Hay, ewan ko ba. Oo na, aamin na ako. Tanga na kung tanga pero may isang part ng pagkatao ko ang umaasang magkikita kami sa restaurant. At nagkita nga kami." Napansin niyang tumulo na ang luha niya at tuluyan na siyang humagulgol. "Gurl, bakit gano'n?"

"Anong bakit gano'n?" Inabot nito ang chicharon na nagsisilbing pulutan nila. Isinawsaw nito iyon sa suka bago nilantakan. "'Explain mo nga."

"Bakit mas gumwapo siya?" Mas lalo tuloy akong nagsisisi na iniwan ko siya. "Kung n'ong highschool, makalaglag-panty lang siya, ngayon pati napkin at panty liner ko, malalaglag na."

"Gaga!" Humahalakhak na binatukan siya nito. "Ang laswa mo, gurl. Rated SPG masyado 'yang mga pinagsasasabi mo."

"Totoo naman, eh." Humalumbaba siya sa mesa habang sumisinghut-singhot. Nakakailang bote na rin siya kaya malamang ay sinasapian na siya ng espirito ng alak.  "Bakit ba kasi nangyari pa 'yon? Bakit ba kasi kinailangan ko pa siyang iwanan?"

"Tanga! Ginusto mo 'yon kaya harapin mo ang consequence ng naging desisyon mo noon. Kaya ikaw, itigil mo na 'yang pagdadrama diyan kung ayaw mong masapak kita."

 

Pasado alas dose na nang umuwi si Leah. Lasing na lasing na siya pero hindi pa siya inaantok. Ewan. Ang gulo na talaga niya. Kaya humantong siya sa terrace ng condo unit niya na nasa 10th floor pa naman ng matayog na gusaling iyon. Sinalubong siya ng malamig na hangin at ng mabituing kalangitan.

 

Tinungga niya ang laman ng bote ng alak na dinala niya hanggang sa terrace. May takot siya sa hang over pero gusto pa rin niyang magpakalasing nang gabing iyon. Sabi ng iba, 'pag may problema ka raw, 'wag mong idadaan sa paglalasing. Hindi raw nakakatulong ang alak. Pero hindi rin naman nakakatulong ang tubig, juice at gatas, di'ba?

 

Ah, kung anu-ano na ang iniisip ko. Christine, tumigil ka na nga. Para kang sira!

 

"Ahhhhh!!!" Sumigaw siya nang pagkalakas-lakas sa pagbabaka-sakaling maisaayos niyon ang gulo sa isip niya. Paulit-ulit lang siyang sumigaw hanggang sa hinahabol na niya ang sariling hininga. Pero wala ring naitulong iyon.

 

Bakit kasi kailangan pa nilang magkitang muli? Gusto na sana niyang kalimutan ang nakaraan. Ang buong akala nga niya'y nagawa na niya iyong ibaon sa limot. Pati ang nararamdaman niya para kay Chance, akala niya'y naitapon na niya sa Bermuda Triangle. Pero bakit nang magkita sila kanina ay parang kahapon lang n'ong huli silang nagkasama? Bakit mas lalo pang tumindi ang epekto nito sa kanya? Peste, ang hirap ng sitwasyon niya!

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon