"SYEEEETTT!" Alas-dos na ng hating gabi pero hindi pa rin magawang matulog ni Christine. Kanina pa siyang pagulung-gulong sa kama dahil sa kilig. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kani-kanina lang. 'Yung sinabi ni Chance na nagpaloka sa kanya to the nth level. Ang tagal niyang pinangarap na sabihin nito iyon. And he just said it in the most unexpected way.
"I like you."
Mahigpit pa rin ang pagkakayakap nito sa kanya mula sa likuran. Grabe 'yung tibok ng puso niya. Sobrang bilis na parang nakikipagkarera. Subalit wala na siyang pake. Mas gusto niyang i-feel ang moment dahil baka panaginip lang ang lahat. Nanamnamin na lang muna niya ito bago siya magising.
"Christine, I said I like you." Iniharap siya nito dito at hinawakan ang magkabila niyang balikat while staring at her. Ano ba 'yan, para siyang matutunaw.
"Ahhh... ehhh... o-oo... n-narinig ko." Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito.
"Gusto kong ayusin ang lahat sa atin. Will you date me?"
Pakshet! Hihimatayin 'ata siya ng wala sa oras nang dahil dito. He's asking her kung pwede silang mag-date. Aba naman, hindi na siya aarte. Magkakamatayan muna bago niya iyon tanggihan.
"Yes," nakangiti niyang wika habang tumatango.
"Juskooooo!" bigla'y sigaw niya at kinagat ang kanina pa niyang yakap-yakap na unan.
"Ate, ano na naman bang klaseng pambubulabog 'to? Natutulog 'yung tao, eh. Istorbo ka."
Hindi na lang niya pinansin ang reklamo ng kapatid. Masyado siyang masaya't kinikilig para pagtuunan pa ito ng pansin.
Bukas ay magdi-date sila ni Chance pagkatapos ng klase. Ito na ang matagal na niyang inaasam at hinihintay. Magsisimula ng umusad ang love story nila ng mahal niya. Finally. Kaya naman excited na excited siya kinabukasan. Bloomong na blooming siya na dumating sa school bagay na ikinabigla ni Leah.
"Aba, aba, maganda 'ata ang mood ng bruha, ah." Nakaupo na sila sa classroom habang hinihintay ang pagdating ng guro nila sa first subject.
"Syempre naman noh. Ayoko ng maging malungkot at bitter. Life is beautiful!" nakangiti niyang sagot dito.
"Kompirmado, may something sa'yo."
"Huh? Anong something?"
Inisod nito ang kinauupuang arm chair para mas mapalapit pa sa kanya.
"Mag-kwento ka, best. Anong nangyari no'ng umuwi ako kagabi? 'Wag kang selfish, share mo!"
"Ay naku, chismosa ka. Wala, hinatid lang ako pauwi ni Chance."
Nginitian siya nito nang makahulugan. Kilalang-kilala na siya nito kaya alam nitong hindi basta-bastang paghatid lang ang nangyari. Kabisado na ng bestfriend niya ang laman ng utak at puso niya.
"Hay, sige na nga," pagsuko niya. "He said he likes me."
"Talaga?!" Napakalakas ng boses nito't tumayo pa, grabbing the attention of their classmates. Agad naman niya itong sinaway at pinaupo.
"Ano ka ba, hinaan mo nga 'yang boses mo. Eskandalosa ka."
"Sorry naman noh. Eh, nakaka-shock naman talaga 'yung chika mo, eh. Sure kang totoo na 'yan, ha? Hindi na talaga 'yan panaginip o ilusyon o imagination o kung ano pa mang ka-ek ekan mo?"
"Hindi na, hindi na talaga. Totoong-totoo na 'to, best! Tumalab na rin ang beauty ko sa pihikan niyang puso. Oh, ha? Ganda ko!"
"Oh, 'tapos? Ano pa'ng ganap?"