"PAHINGI pang piso!" wika ni Christine at inilahad ang palad sa harap ng kapatid niyang si April na two years younger lang sa kanya.
"Ano? Ayoko na noh! Aba, ubos nang pera ko nang dahil d'yan sa kalokohan mo. Sige ka, isusumbong na talaga kita kay mama 'pag uwi natin."
"Sumbongera ka talaga kahit kailan. Sige na, last na talaga."
"Ay naku, hindi mo na ako malilinlang d'yan sa mga last-last mong ya'n. Kanina mo pa kaya ya'n sinasabi pero hingi ka pa rin nang hingi. Kita mo 'to?" Binuksan nito ang wallet at ipinakita sa kanya. "Desyerto na, oh. Pati pamasahe ko, wala na. Maski pang-ice water nga wala na ako."
Nasa wishing well sila ngayon ng town plaza. Dumiretso sila roon pagkatapos na pagkatapos ng klase. Ihihiling na naman niya na sana'y magustuhan na siya ni Chance. Pero may bago siyang wish ngayon kaya todo ang paghuhulog niya ng barya. Wish niya na sana'y hindi tuluyang na-turn off si Chance sa kanya kahapon.
"Are you okay?" tanong ni Chance sa kanya habang tinitingnan siya in a very shameful and awkward situation.
"H-huh? Y-yeah," nauutal-utal niyang sagot at tumayo.
"Para kasing hindi, eh."
"Okay lang talaga ako."
"Ahh.. pumapadyak-padyak ka kasi kanina tsaka para kang maiiyak."
"Naalala ko lang kasi bigla yu'ng pinanood kong movie. Yu'ng Starting Over Again. Watch ka, maganda yu'n! Sige, bye!" Mabilis siyang nag-wave habang nakangiti at tumakbo palayo dito.
She bit her lip while running away. Sobra-sobra na ang tinamo niyang kahihiyan. Wala na nga yata siyang mukhang maihaharap dito.
"Basta. Kailangan mo pa akong bigyan ng isa pang piso. Last na last na last na talaga 'to."
"Ang tigas ng bungo mo, ate! Sabi ngang wala na, di'ba? Ubos na nga, eh!"
"Alam ko may tinatago ka pa d'yan sa bulsa mo."
"How I wish 'meron pero wala na."
Bagsak ang balikat na napaupo siya sa wishing well. Paano niya maisasakatuparan ang kahilingan niya kung wala na pala siyang maipanghuhulog na barya? Hindi sapat ang mga naihulog na niya kanina. Malaking bagay ang hinihiling niya kaya kailangan ng sangkaterbang barya. Lecheng buhay naman 'to, oh! Tsk!
Pero kung suswertehin ka nga naman. Bigla siyang may nakitang isang piso sa mismong paanan niya. Parang nagkislapan yu'ng mga mata niya. Isang barya lang yu'n pero animo'y Yamashita Treasure ang natagpuan niya.
Mabilis siyang kumilos para damputin iyon pero may isang kamay rin na kumuha n'on.
"Ate, ipaubaya mo na sa'kin 'to," ani April sa tila nagmamakaawang tono.
"Hindi!"
"Sige na, please." Nag-puppy eyes pa ito.
"Yaks! Hindi bagay sa'yo!"
"Ah, basta. Akin 'to."
So, ang nangyari'y nag-agawan sila sa baryang iyon. Hila here, hila there. Walang gustong magpatalo.
"Hoy April, bumitiw ka nga! Akin 'to, eh!"
"Utang na loob, uhaw na uhaw na ako. Pang-ice water man lang noh! Wa'g mo nang ipagdamot!"
"Wala akong pakialam kahit ma-dehydrate ka pa. Kailangan ko 'to for my dreams. Kaya be a supportive sister at ibigay mo nalang 'to sa'kin."
"Hindi! Hindi! Pagod na akong magpaka-supportive! Akin 'to!"