***CHAPTER FOURTEEN***

75 2 0
                                    

HUMINGA nang malalim si Chance pagkababa niya ng kanyang kotse. Nasa harapan siya ng isang fine-dining restaurant nang gabing iyon. Magkakaroon kasi ng meeting ang batch nila para sa darating na grand homecoming ng kanilang eskwelahan. Magiging malaking selebrasyon iyon dahil isasabay na rin ang selebrasyon sa 50th founding anniversary ng paaralan nila.

Nang pumasok siya roon ay nakita niya ang mga ito na nakapwesto na sa isang parihabang mesa. Puno na iyon ng mga pagkain at mukhang kanina pang nagtatawanan ang mga ito. Ang ingay-ingay nga roon, eh. Karamihan sa mga organizers ay mga kaklase niya. Iilan lang ang nagmula sa ibang section.

Binati siya ng mga ito nang lumapit siya. Naupo siya sa dulo.

"Kumusta na ang architect natin dito?" tanong ni Jassen.

"Oo nga. Ilang palasyo na ba ang naitayo mo, 'brad?" pabiro namang tanong ni Ricky.

"Bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Magkakaroon tayo ng maraming mga anak,'" masayang wika niya habang magkayakap sila ni Christine sa open field. Naging tambayan na nila iyon.

"Hindi naman kayo ako mangayayat diyan sa plano mo?" tumatawang tanong nito.

"Okay lang, mamahalin pa rin kita. Tsaka ayos lang na magkaroon tayo ng maraming anak kasi magiging architect naman ako, eh. I'll build a castle for you and our children."

"Talaga?" Tiningnan siya nito sa mga mata at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"That's my dream," nakangiti niyang sagot dito at unti-unti'y naglapit ang mga labi nilang dalawa. They closed their eyes habang niraramdam ang napakasayang emosyong idinudulot ng halak na iyon sa kanila.

Ipinilig niya ang ulo. Ito na naman siya sa pag-iisip ng nakaraan. Past is past na nga, di'ba? Kailangan na niyang kalimutan si Christine. Matagal na silang hindi nagkikita.

"Hoy, nasa earth ka pa ba?" pabirong tanong ni Shiela at nag-snap pa sa harapan niya na ikinagulat niya.

"H-huh? A-ah, oo. Kayo talaga. Wala pa akong nagawang palasyo, 'no. Wala rin akong plano. Nakakatamad gawin 'yon, eh."

"Aba, parang noon lang ay paulit-ulit mong sinasabi sa amin na dream mong magtayo ng palasyo para sa inyo ni Chris---" Hindi na naituloy ni Delfin ang sasabihin dahil nilagyan ni Giselle ng malaking tinapay ang bibig nito.

"Kumain ka na nga lang diyan. Ang daldal mo."

Nagtawanan naman ang lahat sa ginawa ni Giselle. Nakitawa na rin siya sa pagbabaka-sakaling matanggal niyon sa isip niya ang nakaraan. Ilang saglit pa'y nagsimula na silang maghapunan. Kasabay ng pagkain ay pinag-usapan na rin nila ang tungkol sa homecoming. Sa susunod na buwan na iyon gaganapin.

"Excused me, ha." Iniwan muna niya saglit ang mga ito at lumabas ng restaurant. May tumatawag kasing client niya, eh. Ito ang isa sa hassle na parte ng propesyon niya. Kahit kailan ay pwede siyang istorbohin ng mga clients niya na wala na yatang ibang alam kundi magreklamo at ipa-revise ang mga gawa niya. Pero wala siyang magagawa dahil trabaho niyang i-satisfy ang mga ito, eh. His work is his bread and butter. For the past years, it provided him a comfortable and a bit luxurious kind of life. Bagaman mahirap at kung minsa'y hindi na siya nakakatulog nang maayos, hindi siya nagrereklamo. Marami nga diyan ang walang trabaho at namumulubi, eh. Kaya ano'ng karapatan niyang magreklamo 'gayong binibiyayaan siya ng Panginoon?

Makalipas ang halos sampung minutong pakikipag-usap rito ay ibinaba na niya ang cellphone at ibinulsa iyon. Babalik na sana siya sa loob nang may makita siyang isang babaeng nakatalikod sa kanya. Naglalakad ito palayo at mukhang galing ito sa restaurant. Medyo chubby ang pangangatawan nito, an inches smaller than him at may mahaba't malambot na buhok.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon