NAGISING si Christine nang bandang alas siyete ng gabi. Kaagad siyang bumangon at pinaandar ang ilaw. Wala na si Chance sa loob ng kwarto. Baka bumaba ito saglit. Masyado yatang napasarap ang tulog niya at nakalimutan niyang may trabaho pa pala siyang kailangang tapusin. Kailangan na nilang ma-check ang resort nang makauwi na sila.
Humarap siya sa salamin at nagsuklay saka nag-ayos ng sarili. Nang masigurong presentable na siyang tingnan ay saka lang siya nakapagdesisyong bumaba na. Baka naroon lang si Chance. Pero aabutin na sana niya ang door knob nang biglang namatay ang ilaw.
"Ahhhh!" Takot na takot pa naman siya sa madilim. Kaya mabilis niyang binuksan ang pintuan upang makalabas niya. Ngunit nang buksan niya iyon ay bumangga siya sa isang matigas na bagay. Sakto namang kumulog ng malakas na lalong nagpasigaw sa kanya. Para siyang bata pagdating sa mga ganoong bagay. Takot siya sa dilim at sa kulog mula pagkabata at hindi na niya iyon nagawang i-overcome hanggang sa kanyang paglaki. She started sobbing out of fear. Pero naramdaman niya ang isang palad na masuyong humahagod sa kanyang likod. Naghahatid iyon ng kakaibang init sa katawan niya. Strangely, it was just a simple act of comfort, but it was effective. Her fears were all washed away in an instant.
"Shhh, tahan na."
Para siyang binato ng dinamita nang marinig ang boses na iyon.
What the heck?! Si Chance ang kayakap ko?!
There it is, she realized that it was really him. There's no doubt because of the effect he had on her. His spicy male scent that passes through her nostrils. Ang bangooo! How silly of her at nagagawa pa niyang lumandi sa ganoong sitwasyon.
She gathered back her senses at parang nakarinig ng warning bells na lumayo siya kaagad rito. Napayuko na lang siya habang inaayos ang sarili.
"S-sorry, nabigla lang ako," hinging-paumanhin niya rito.
"No, it's okay."
"Bakit naman nag-brown out? Kainis naman, 'o."
"Oo nga, eh. Siguro nama'y itinuturn-on na nila ang generator ngayon. Mayamaya lang ay may electricity na uli."
"Yeah." Shit, nau-awkward na naman siya.
"Ah, by the way, bukas na lang natin i-check ang resort kasi hindi pa tayo makakauwi ngayon."
"Ha? Bakit naman?"
"Hindi tayo nanood o nakinig ng balita. Naging bagyo na pala 'yong namumuong low pressure area. Kaya delikado na kung bibiyahe pa tayo. Tsaka sa lakas ng ulan at hampas ng hangin, zero visibility na raw ang daan. Baka mapa'no pa tayo 'pag umuwi tayo."
Pahamak na bagyo 'yan! Nahihirapan na nga siya sa sitwasyon nila. So, mags-spend sila ng magdamag nang magkasama?
"Bumalik lang ako dito sa kwarto para yayain ka sanang mag-dinner. Itr's past seven already at wala pang laman 'yang tyan mo."
"Ah, oo nga, medyo nagugutom na nga ako."
Napagdesisyunan nilang bumaba. Doon sila dumiretso sa restaurant doon. Maraming tao sa loob; mabuti na lang at nakahanap sila kaagad ng mapupwestuhan. Nabigla na lang siya nang ilapag ng waiter sa table nila ang mga in-order ni Chance.