"CHRISTINE, will you be my girl?" nakangiting tanong ni Chance sa kanya. Lumuhod ito habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Graduation day nila iyon at pagkatapos na pagkatapos ng ceremony ay iyon mismo ang ginawa nito.
Pinagtitinginan na sila ng mga kapwa nila graduates. Subalit parang hindi naman ito naiilang sa atensyong nakukuha nila nang mga oras na iyon. She felt so magical. Parang gustong sumabog ng puso niya sa sobrang tuwa. Ito ang matagal niyang pinapangarap. Ang bagay na noon pa niyang hinihiling at ngayo'y narito na rin. Abot-kamay na niya.
But for some unexplainable reason, she can't meet his gaze. She felt his heart crunching apart as her tears started to fell. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya subalit hindi niya alam kung bakit. Walang rason para makaramdam siya nang ganito 'gayung pareho na sila ng nararamdaman ng lalaking mahal niya.
"I'm sorry... I'm so sorry..." she muttered in a shaky voice and ran as fast as she could.
"HOY, GISING!"
Naalimpungatan si Christine at napaupo nang maayos nang maramdaman ang kamay ng bestfriend niyang si Leah na marahas siyang tinatapik. Nakatulog na pala siya sa arm chair ng kanilang classroom. Wala kasing guro ang pumasok sa maghapon kaya minabuti nalang niyang ipikit ang mga mata niyang gustung-gusto ng bumagsak.
Pero pinagsisisihan niyang natulog siya. Nanaginip pa tuloy siya nang masama. No, hindi lang basta masama. Napaka-imposible niyon. Kasi kung totoong mangyayari iyon, hinding-hindi niya ire-reject si Chance. Baka nga pakasalan pa niya ito agad-agad.
In speaking of Chance...
"'Teh, yu'ng basketball match nina Chance sa kabilang school!" nagpa-panic niyang sigaw. Napansin kong desserted na yu'ng classroom namin. Wala ng tao.
"Kaya nga kanina pa kitang ginigising, eh. Tulog-mantika ka naman. Nando'n na ang lahat sa school auditorium at magsisimula na ang game."
Sinabutan niya ang gaga.
"Ba't hindi mo agad sinabi?" inis na inis niyang tanong.
"Loka-loka! Kanina pa nga kitang ginigising, di'ba? Oh s'ya, halikana't baka mas lalo pa tayong mahuli." Tumayo ito't isinukbit ang shoulder bag.
"Wait lang!" Binuksan niya ang sariling bag at kinuha ang nakatiklop na puting cartolina doon. Nainis pa siya dahil ang pangit na niyong tingnan. She silently cursed herself for folding it but she has no choice at this point. "Pahiram ng pentel pen."
"Huh? Aanhin mo?"
"Ang dami mo pang tanong, eh. Pahiram na, bilis!"
Hinalungkat nito ang bag hanggang sa nakita nito ang hinihiram niya. Nang iabot nito iyon ay mabilis niyang inilapag ang cartolina sa teacher's table. Sinubukan niyang remedyuhan iyon para hindi naman gaanong malukot. Nang makumbinsi na siya kahit papaano sa hitsura niyon ay saka lang niya sinulatan iyon.
I LOVE YOU CHANCE! GO FOR THE GOLD!
She wrote those words clearly and all caps. Kailangang mabasa nito iyon at pati na rin ng lahat ng estudyanteng naroon sa auditorium. Dapat ay malaman ng lahat na in love siya kay Chance at kanyang-kanya lang ito. Na handa siyang i-guest sa S.O.C.O. ang sinumang mangangahas na landiin ito dahil personal property niya si Chance.
"Aya'n, perfect!" She closed the pentel pen and clapped her hands. "Gora na!"
Kinuha niya ang kanyang bag at ang cartolina tsaka hinila ang bestfriend palabas ng classroom. Napakabilis ng bawat kilos niya. Lakad, takbo ang nangyari makarating lang nang mabilis sa auditorium. Malayo pa lang sila roo'y naririnig na nila ang malalakas na sigawan ng mga tao kaya mas lalo siyang na-excite. Subalit nang makarating sila roo'y okupado na ang lahat ng bleachers kaya no choice sila kundi ang tumayo.