***CHAPTER TWELVE***

92 3 5
                                    

TULUYAN na ngang gumuho ang depensa ni Christine. Muli na naman niyang hinayaang makapasok sa buhay niya si Chance. 'Ewan. Nababaliw na nga siguro siya. Pero masaya siya na binigyan niya ito ng pagkakataon na patunayan ang sarili nito. So far, maayos naman ang lahat sa kanila. Kinaiinggitan nga siya ng maraming kababaihan na nahuhumaling rin kay Chance tulad niya. Prinsesa siya kung ituring nito. Araw-ara siya nito kung haranahin. Sa classroom, sa canteen, sa covered court at maging sa library. Walang pinipiling lugar ang mokong para pakiligin siya. Minsan nga'y naiisip niyang para siyang nakakulong sa loob ng isang fairytale book. Parang gusto niyang sampa-sampalin at kurutin ang sarili upang masigurong totoo ang lahat ng nangyayari.

Sabay sila palaging mag-recess at mag-lunch. Naging kaibigan na rin nga niya ang ilan sa mga kaklase niya. Ilan sa mga naka-close niya ay sina Shiela Mae, Delfin, Jassen, Darylle at Brial. Naging magbabarkada nga sila, eh. Kasali rin sa grupo nila, syempre, ang bestfriend niyang si Leah. Sila ang laging magkakasama sa iisang table sa canteen. Isa rin iyon sa rason kung bakit kinaiinggitan siya. Kasama niya ang mga sikat sa paaralan: student body president, varsity players, school journalist tsaka campus hearthrobs. O, saan ka pa? Ang saya ng highschool life niya, di'ba?

"Okay, class, settle down," wika ng P.E. teacher nila. Nasa covered court sila ngayon kung saan pinagsama ang section nila at ang pilot section. Hindi niya alam kung ano ang mayroon dahil ngayon lang iyon nangyari. Ang mga kaklase naman niya'y tinutuksu-tukso siya kay Chance na kanina pang nakatingin at nakangiti sa kanya. Nagba-blush tuloy siya kaya hindi niya magawang tumingi dito. Nakakahiya!

"Ang haba talaga ng hair mo, gurl. Makikita mo, mayamaya lang, kukuha ako ng gunting at kakalbuhin kita. For sure, isang minuto lang ang lilipas, hahaba ulit ang buhok mo," pabirong wika ni Leah. Naka-indian seat silang lahat sa sahig kaharap an teacher nila na nasa stage at may hawak na microphone.

"Hay naku, tigilan mo nga ako diyan sa mga kalokohan mo. Lukaret ka talaga kahit kailan!"

"If I know, namamatay ka na sa kilig diyan."

"Makinig kayong lahat, class." Itinuon na lang nila ang atensyon sa teacher nila. "Sa susunod na linggo ay magkakaroon tayo ng isang dance competition. Lalahok lahat ng mga estudyanteng under ko sa P.E. Ang sayaw na paglalabanan ay interpretative dance. Magkakaroon kayo ng ka-partner at pipili kayo ng kahit anong kantang ii-interpret ninyo through dance." May inilabas itong isang fish bowl. May laman iyong mga naka-rolyong papel. "Kung sinuman ang makakakuha ng parehong number ay silang magiging magka-partner, okay?"

 Ilang saglit pa ay pinagpasa-pasahan na ang fish bowl at bumubunot na sila ng tig-iisang papel doon. Nang makabunot na ang lahat ay saka lang sila in-allow na buksan iyon.

"Ano'ng number 'yong nabunot mo, gurl?" tanong ni Leah.

"Number 16. Sige ha, hahanapin ko lang 'yong partner ko." Tinalikuran na muna niya ito at naglakad sabay sigaw. "Guys, sino 'yong number 16?!"

Sigaw lang siya nang sigaw at nagpaikut-ikot doon sa covered court habang itinataas ang kanang kamay na may hawak ng papel. Ilang saglit lang ay narinig rin niya ang boses ni Chance na kausap si Delfin.

"Sige na, palit na tayo ng number."

"Bakit ba kasi magpapalit pa? Parehas lang namang number 'yan, eh."

"Basta, basta. Favorite number ko 'yang 16 kaya palit na tayo. Sige na."

Nagkamot sa batok si Delfin. "Para ka namang bata, eh."

"Sige na, 'brad. Lilibre kita ng cotton candy mamaya."

"Ako naman ngayon ang ginagawa mong bata. Tss! O, 'eto na." Nagpalit sila ng number pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo si Chance patungo sa direksyon niya. Mukhang hindi nito alam na alam na niyang nakipagpalit ito ng number kay Delfin. Medyo kinilig nama siya sa effort nitong magpaka-sweet. Siya na ang wagas magpa-kilig! Siya na! Bigyan ng hopia!

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon