***CHAPTER TEN***

76 1 0
                                    

BUONG araw ay hindi mapakali si Christine. Birthday niya at napakaraming tao ang nagsidatingan sa kanila. Ilan sa mga iyon ay mga kaibigan ng mama't papa niya, mga kaklase ni April at syempre mga kaibigan rin niya. Malaki ang naging handaan dahil mukhang tinopak ang mga magulang niya't naisipang maghanda ng malaki-laking salu-salo.

Dapat siyang matuwa, hindi ba? Minsan lang ito mangyari. Pero hindi niya iyon magawa, eh. Pinipilit niyang estemahin nang maayos ang mga bisita. Pinipilit niyang ngumiti kahit mahirap. Hanggang sa gumabi na ay aligaga pa rin siya.  Dumating kaya si Chance? May pag-asa pa kayang maayos ang lahat sa kanila? Maitutuloy pa kaya niya ang nararamdaman para dito?

Unti-unting nilamon ng dilim ang liwanag habang nagsisipag-uwian na rin ang mga bisita. Pinilit na naman niyang ngumiti habang kinakawayan ang mga papauwing bisita. Bandang alas otso ng gabi ay tuluyan ng naging tahimik ang kaninang maingay nilang bakuran. Nagliligpit na ang pamilya niya sa mga mesa, upuan at mga gamit sa kusina. Siya nama'y mag-isang nakaupo sa gitna ng hagdan habang hindi inaalis ang tingin sa gate. Dumating ka, please. Kahit saglit lang.

Pero hindi ito sumulpot. Maski anino nito ay hindi niya nakita. Makalipas ang ilang oras ay pinapasok na siya ng kanyang ina sa loob bagay na sinunod naman niya. May pasok pa siya bukas kaya kailangan na niyang magpahinga. Kakalimutan na lang muna niya ang alalahanin.

"Hoy, okay ka lang?" tanong ni April sa kanya habang naghahanda na ito para matulog. Nagsusuklay ito sa harap ng salamin habang siya nama'y nakahilig lang sa head board ng kama.

"Oo, okay lang ako," pagkakaila niya.

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling? O pa'no ba 'yan, dumating na 'yong sign para tumigil ka na diyan sa kahibangan mo."

Nginitian niya ito nang matamlay. Nasasaktan siya kasi parang hindi niya kaya. Hindi naman kasi ganoon kadali iyon, di'ba?

Nahiga na ang kapatid niya at natulog na samantalang siya'y nanatiling gising. Ilang beses niyang tinangkang matulog subalit bigo siya. Pabaling-baling lang siya sa kama. Aaminin niyang patuloy pa rin siyang umaasa na darating si Chance. Hindi pa naman tapos ang birthday niya, di'ba? May pag-asa pa. Baka bigla itong batukan ng guardian angel nito at hilahin papunta sa bahay nila.

11:59 ay lumabas siya ng kwarto at tumakbo patungo sa gate nila. Iginala niya ang paningin sa labas. Wala ng tao roon, tahimik na. Walang Chance na dumating.

Huminga siya nang malalim at hinayaang maglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Siguro nga ay kailangan na niya itong pakawalan at ipaubaya kay Euvelyn. Siguro nga'y hindi siya ang babaeng dapat para dito. Napahigpit ang hawak niya sa gate habang humihikbi. Pagkatapos ng sampung segundo ay bibitiwan na niya ito.

One...

Two...

Three...

Naaalala pa niya 'yong mga panahong tinitingnan lang niya ito mula sa malayo. Wala siyang magawa para mapansin nito. Sino nga lang naman siya, di'ba? She's a nobody habang ito'y kilalang campus hearthrob. Tinitilian ng marami.

Four...

Five...

Six...

Dahil sa angking kapal ng mukha't lakas ng loob ay nagawa niyang magtapat dito at gumawa ng mga da moves na bumenta naman kahit nakakahiya para sa isang babae. Mula sa simpleng pagtanaw dito mula sa malayo ay naging magkaibigan sila. Close na magkaibigan.

Seven...

Eight...

Naging napakabilis ng panahon habang nagiging malapit sila. Parang kailan lang ay sinabi nitong gusto siya nito. Parang kailan lang ay niyaya siya nitong mag-date. Parang kailan lang ay halos mamatay na siya sa kilig sa pag-asang may katuparan naman pala ang mga ilusyon niya. Pero ngayo'y heto siya, kailangan ng sampalin ang sarili para magising sa isang maganda ngunit masakit na panaginip. Kailangan na niyang idilat ang mga mata upang makita at mayakap ang katotohanan.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon