***CHAPTER SEVEN***

81 1 0
                                    

NAKAKABINGI ang ingay sa loob ng City Auditorium kung saan ginaganap ang pageant.  Mula kanina nang magsimula iyon ay walang humpay na sa pagsigaw ang mga manunood.  Parang mababasag na yata ang eardrum niya. Siya lang naman 'ata ang hindi nage-enjoy roon, eh. Kj na kung kj pero masyado siyang bitter para makihiyaw sa mga ito. Ang galing nina Chance at Euvelyn. Sila ang crowd favorite dahil sa husay nilang rumampa at magdala ng suot nila. Ang ganda rin ng sagot nila sa question & answer portion. Mga chukchakera, eh. Kung siya siguro ang tinanong nang ganoon ay baka hindi niya masagot. Nganga lang siya the whole time siguro.

Hindi talaga kami bagay ni Chance kahit pagbali-baliktarin ko ang universe.

Nakaupo lang siya sa isang sulok habang ina-announce ang pagkapanalo nila. Grabe ang sigawan at pagwa-wild ng mga classmates at schoolmates niya. Nagbubunyi sila habang parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari roon. Hawak-hawak lang niya ang kanyang notebook kung saan nakasulat ang questionaire para sa gagawin niyang interview mamaya sa dalawa. Si Leah na ang nagboluntaryong kumuha ng pictures kasi napansin nitong wala talaga siya sa mood.

"Best, ready ka na?" untag ni Leah sa kanya. Parang kahit kailan ay hindi siya mare-ready na harapin at kausapin ang mga ito. Pero no choice siya. Hindi naman pupwedeng pabayaan niya si Leah na mag-conduct ng interview kasi magiging unfair iyon dito. Kung tutuusi'y siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit sila naparusahan. Siya ang sumigaw sa library at nadamay lang ang kawawang bestfriend niya.

"Ahhh... o-oo," napipilitang sagot niya't tumayo na. Gawin na natin 'to at nang matapos na!

Parang napakabigat ng mga paa niya habang ihinahakbang niya iyon. Handa na nga ba siyang harapin ang mga ito? Baka mas lalong maudlot ang operation move on niya. Ah, bahala na nga lang ang Justice League sa magiging kapalaran ng puso niya. She'll go with the flow.

"Hello, guys! Congrats!" bati ni Leah kina Chance at Euvelyn nang makapasok sila sa backstage. Nakaupo ang mga ito sa harap ng salamin at nag-uusap.

"Oy, kayo pala. Salamat!" wika ni Chance. Ngumiti naman si Euvelyn sa amin.

"Pwede ba namin kayong ma-interview? Kailangan lang for the school paper. Kung okay lang naman sa inyo."

"Yeah, sure thing. Pero nagugutom na kami, eh. Natunaw yata lahat ng kinain namin sa dinner nang dahil sa tensyon. Can we conduct the interview over a late night dinner? Jollibee tayo, treat ko," ani Euvelyn.

"Ay naku, hindi kami marunong tumanggi sa grasya." Gusto na niyang sapakin si Leah. Bakit over dinner pa? Ang gusto pa naman niya'y mapabilis ang interview at nang makalayo na siya sa mga ito. Pero kung kakain pa sila, 'edi ibig-sabihi'y mas matagal pa silang magkakasama.

'Nak ng! 'Pag mamalasin ka nga naman, o.

Pero wala siyang choice kundi ang sumama. Baka mahalata ng mga ito na umiiwas siya. Ayaw niyang magmukhang bitter sa harap ng dalawa kahit na iyon pa ang totoo. Kahit pride man lang niya ay magawa niyang isalba, noh.

Nang makarating sila roon ay doon sila pumwesto sa second floor since punuan. 'Yung mga nanood kasi sa pageant kanina ay kumain rin doon. Sina Euvelyn at Chance ang nag-order habang sila naman ni Leah nama'y pinauna na ng mga ito sa taas para maghanap ng pwesto. Napili nila 'yung malapit sa glass window.

"Best, ano ba 'tong napasukan ko? Sana nagpa-detention na lang tayo," kinakabahan kong wika nang maupo kami nang magkatabi.

"Ano ka, hilo? Nunkang pumayag akong ma-detention, noh. Mamu-murder ako ng nanay ko 'pag nagkataon noh. Tsaka ikaw, siguradong masasabunutan ka ng mama mo. Papasok ka sa eskwelahan nang kalbo. It will save both of us from the harm kung gagawin natin ito.  Interview lang 'to."

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon