***CHAPTER EIGHTEEN***

79 2 0
                                    

MAHIGPIT ang hawak ni Christine sa kanyang payong habang nakatayo sa labas ng restaurant kung saan sila unang nag-dinner meeting ni Chance. Linggo na n'on, at bagaman ala una pa ng hapon ay makulimlim ang paligid. Mula kaninang umaga ay walang patid na sa pagbuhos ang ulan. Itinext na niya si Chance kung tuloy pa ba sila sa pagpunta doon sa resort at ang sabi nito'y tuloy raw. Wala na raw itong iba pang time. Pumayag na rin siya upang hindi na maantala pa ang preparations. May sinusunod rin naman kasi silang time table.

Ngunit sa kamalas-malasan, nasira pa ang makina ng kotse niya. Paalis na sana siya nang malamang ayaw mag-start niyon at lumilikha ng isang kakaibang ingay. Tinawagan kaagad niya ang kakilalang mekaniko at nang suriin nito iyon ay ang sabi nito'y hindi daw basta-bastang maaayos ang kotse niya. Kailangan pa raw nito ng mga ilang araw bago maisaayos iyon. So, she called Chance and informed him about her situation. She even asked him to just cancel their schedule, but he said na makisabay na lang daw siya rito sa kotse nito. She didn't found the idea a good one, pero ayaw naman niyang pag-isipan siya nito ng kung anu-ano 'pag tinanggihan niya ito.

Kaya narito siya ngayon sa labas ng restaurant at hinihintay ang pagdating nito. Hindi pa naman siya gaanong matagal na naghihintay rito. Pagkaraan ng mga tatlong minuto ay nakita na niyang huminto ang itim nitong kotse sa harapan niya. Pinagbuksan lang siya nito ng pinto mula sa loob.

"Let's go," malamig na tugon nito na nasa harap nakatingin.

"Ah okay, thanks." Pumasok na siya at naupo sa passenger's seat. Inilagay na lang niya sa likod ang bag at payong niya. Nang masigurong maayos at komportable na siya'y saka lang nito pinaandar muli ang kotse.

Nakakabingi ang namuong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Gusto niyang kausapin ito pero wala naman siyang maisip na topic. Tsaka iniisip rin niya na baka may maungkat na namang mga bagay na hindi na dapat pang ungkatin. So, she chose to shut her mouth to avoid getting herself into a big trouble like the last time they met.

 Inabot niya ang car stereo para magpatugtog. Nakakabingi na kasi ang katahimikan sa loob ng kotse. Tanging ang pagbagsak na lang ng ulan sa lupa ang naririnig niya.

Wrong move.

Iyon rin pala ang gagawin nito. Kaya ang nangyari'y sabay silang napahawak sa car stereo. Nagtagpo ang mga kamay nila roon. Ang simpleng pagdadaiti ng mga kamay nila ay parang naghatid ng libu-libong boltahe sa katawan niya. Para siyang napapaso roon pero hindi niya naman maialis ang kanyang kamay.

Nilingon niya ito pero iyon din ang ginawa nito. Nagsalubong ang mga mata nila. Thousands of emotions suddenly emerged. Right at that instance, she wanted to hug him and kiss him. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano niya ito na-miss. Gusto niyang malaman nito na hindi niya ginustong iwan ito at mahal na mahal pa rin niya ito. Na nahihirapan din siya kasi huli na ang lahat para sa kanya. Dahil may bago na itong girlfriend. Na nasasaktan siya, pero alam niyang dapat lang siyang masaktan kasi siya naman ang may kasalanan, 'di ba?

But she resisited the urge.

Hindi tama. Hindi tamang balik-balikan pa niya ang nakaraan. Hindi tamang patuloy pa niya itong mahalin. Ayaw niyang traydurin si Euvelyn. Naging mabuti ito sa kanya. N'ong hiningi nito si Chance sa kanya, hindi niya ito pinagbigyan. Subalit nang iwan niya si Chance, ito naman ang sumaklolo sa lalaking mahal niya. They deserved each other. Siya ang tunay na panggulo.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon