***CHAPTER FOUR***

91 2 0
                                    

EPIC FAIL. Ya'n lang ang masasabi ni Christine sa kinahantungan ng marriage booth plan niya. Yu'n na yu'n, eh. Chance na niya yu'n kay Chance, eh. Pero dahil sa mga pesteng naglalaro ng volleyball ay walang nangyari. Ah, hindi pala, may nangyari sa kanya-masama nga lang.

Lumanding lang naman sa napakaganda niyang mukha ang bola na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lupa at pagkahimatay niya.

And to top it all, hindi na niya nagawang enjoyin ang student's day dahil buong araw siyang nanatili sa school clinic para magpahinga.

Anak ng tokwa naman oh! Wala na ba akong mas imamalas pa? Nakakayamot na buhay 'to!

Lalo pa siyang nainis dahil sa lakas ng boses ng mga tao sa labas ng clinic. Para silang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses nila. Kulang nalang ay isigaw ng mga ito na: "Oy, Christine, ang saya-saya ng student's day. Kawawa ka naman, nasa clinic ka habang kami enjoy na enjoy!"

Ngali-ngaling labasin niya ang mga ito para pagtatadyakan nang isa-isa.

"Ano ba, ang iingay n'yo!" malakas niyang sigaw. Alam niyang sapat na ang lakas ng boses niyang iyon para marinig ng mga ito. "May nagpapahinga dito! Manahimik nga kayo! Pakamatay na kayo, mga ulol!"

'Pag ganitong wala siya sa mood ay ayaw na ayaw niya'ng naiistorbo siya. Pero biglang bumukas ang pintuan at nakita niya ang napakaraming estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng clinic.

Oh, anyare? May booth rin ba dito sa clinic?

"Shocks!" Nagulat nalang siya nang pumasok sa loob yu'ng pari kunwari sa marriage booth kanina kasama si Chance na nakangiti sa kanya. Kulang nalang ay muli siyang himatayin pero syempre, kinontrol niya ang sarili. Hindi pwedeng mabulilyaso na naman 'to.

 "Ahhh... ehhh... bakit?" tanong niya.

Umupo ito sa bed katabi niya.

'"Kasi hindi natuloy yu;ng kasal kanina dahil sa nangyari sa'yo. Eh alam kong gustung-gusto mo talagang matuloy yu'n kaya 'eto, dinala na namin ang marriage booth dito sa clinic," nakangiti pa ring paliwanag nito.

Holy shit! Anong kabutihan ba ang nagawa ko't pinagpala ako nang ganito ka-bongga?

 "T-talaga?"

"Oo."

"'Edi ano pa'ng hinihintay natin? Gorabels na!" Mabilis niyang hinaklit ang braso nito at humarap sa pari 'kuno'. "Oh padre, dali na. Baka magbago pa'ng isip niya. Simulan na natin 'to."

"H-huh? Okay, sige. Simulan na natin ang seremonyas."

"I do!"

"Ha?"

"I do!"

"Pero Christine, wala pa akong tinatanong."

"Eh ang kupad-kupad mo kasi, eh. Para kang pagong."

"Ito na nga, eh. Magsisimula na nga, di'ba?"

"Bilis-bilisan mo."

"Hindi ka naman masyadong excited noh?"

"Ay hindi, noh. 'Kaw talaga. Hindi kaya ako excited."

Exicited na excited na excited na excited siya to the maximum level!

~xxx~xxx~xxx~

HINIGPITAN niya ang pagkakahawak sa gitara habang inaayos ang microphone na nakalagay sa isang mic stand sa harapan niya mismo. She cleared her throat habang iniinda ang atensiyong nakukuha niya sa mga kapwa estudyante.

Nakatayo siya sa stage kaharap ng oval kung saan nagkalat ang mga tao na pinagtitinginan siya.

"Hoy lukaret, anong ka-gagahan na naman 'to?" Nilapitan siya ni Leah.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon