***CHAPTER SIX***

81 1 0
                                    

LALONG sumakit ang loob ni Christine nang mag-transfer si Euvelyn sa eskwelahan nila. Dahil matalino ang bruha, naging kaklase nito ang Chance my labs niya sa star section. Habang siya'y walang magawa kundi ang mainis na lang. Bakit kasi hindi ako nagmana kay Tito Albert Einstein ko?

Instant kasikatan ang tinamo ni Euvelyn sa pag-transfer nito. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil maganda ito, pang-beauty queen na pang-beauty queen ang dating tsaka matalino pa. Sino nga ba naman ang hindi hahanga dito? Plus points pa na mabait ito. Samantalang siya? Ayu'n, walang nagbago't isang hamak na nobody pa rin siya sa campus. Buti pa 'yung bagong salta, hinahangaan na agad-agad. Habang siyang nag-aaral na doon since first year ay wala man lang tinamong kasikatan kahit na kaunti.

"Wala na, wala na talaga akong pag-asa kay Chance!" himutok niya habang nakaupo silang dalawa ni Leah sa isang bench sa ilalim ng puno ng nangka. Kaharap lang nila ang basketball court kung saan nagpa-practice si Chance. Unlike before, hindi na siya ang naghihintay dito't nagdadala ng face towel at tubig. Si Euvelyn na ang gumagawa no'n. Ito naman kasi talaga ang mas may karaparang gawin iyon dahil hindi naman siya ang bestfriend ni Chance. Sinisiksik lang niya ang kanyang sarili dito.

"Paano mo naman 'yan nasabi?"

"Kita mo naman, oh. Ang layu-layo ko kay Euvelyn. Mga ganya'n pala ang tipo ni Chance."

"Oo, halata nga. Tsaka iba 'yung ngiti ni Chance 'pag magkasama sila."

Wala sa loob na nasabunutan niya ang kaibigan.

"Aray! Leche ka best, ah!" alma nito't lumayo sa kanya.

"Huwag mo na kasing dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Oo na, alam ko na, sila na ang bagay. Sila na ang may happily ever after. Ako na ang hopia, ako na ang nganga."

"Perfect!" Pumalakpak pa ito. "Aya'n, 'yan ang dapat mong gawin. Tanggapin mo. Sabi nga nila, feel the pain until it hurts no more."

"Alam mo, best, wala kang ka-support-support sa akin. Maano ba namang bolahin mo 'ko na may lamang naman ako kahit papaano kay Euvelyn, di'ba?"

"Ah, so, magsisinungaling ako, ganu'n?"

Naka-pout na tumayo siya't hinarap ito.

"Sabihin mo nga..." Umikut-ikot pa siya. "Pangit ba ako?"

"Ganito kasi 'yun," anito't pinaupo siya habang inaakbayan. "Hindi ka naman pangit, eh. Walang taong pangit. Sabi ko naman kasi sa'yo best, eh. Hindi ka tao."

Awtomatikong binatukan niya ito. Walangyang bestfriend na 'to. Laitin ba naman ang ganda ko.

"Aba, bastos to ah!" Lumayo siya rito at iningusan ito. "Nakakainis ka naman, eh. 'Embis na pagaanin mo 'yung loob ko'y mas lalo mong pinapabigat."

"Ito naman, hindi na mabiro. Sige ka, tatanda ka nang maaga niyan, best. Hayaan mo nalang kasi 'yang fafa Chance mo na sumaya sa bestfriend niya. Kung sila, sila. Kung kayo, kayo. Ganu'n lang ka-simple 'yan. Ikaw, pinapa-komplikado mo ang mga bagay-bagay, eh. Tutubuan ka ng wrinkles d'yan. Masyado kang nag-iisip, masyado kang nagpapa-stress. 'Wag kang feelingera, highschool student ka pa lang pero kung umarte ka'y daig mo pang pasan ang problema sa ekonomiya ng bansa. Hindi 'to teleserye, okay?"

"Tse! Madali para sa'yong sabihin 'yan. Hindi ikaw ang inlababo sa isang poging nilalang na may bestfriend na mala-dyosa ang kagandahan. You don't know how it feels like. Nakaka-timang!"

"Oo, alam ko, alam kong mahirap 'yang pinagdaraanan mo. Pero best," iniabot nito sa kanya ang isang notebook. "Mas mahirap ang assignment natin sa math. Kaya ba't 'di mo muna kaya pagkaabalahang i-solve ang pesteng problem na 'to nang makakopya ako bago ka lumandi d'yan? Aral muna bago harot."

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon