After one year...
"CONGRATULATIONS, Christine! That was a successful event!" bati sa kanya ng isang american friend. Kakatapos lang ng isang wedding na in-organize niya sa isang resort. Malaki ang kasalang iyon dahil anak ng isang senador ang bride habang ang groom naman ay business tycoon. Dahil nga sa tagumpay niya sa kanyang larangan ay siya ang napili ng couple na mag-organize ng wedding. Ayaw nga sana niyang gawin iyon sa umpisa dahil ayaw niyang may maalala na naman siya, pero naging mapilit ang mga ito. They even offered her a big amount pumayag lang siya. Kaya kalaunan ay napapayag rin siya ng mga ito.
"Thank you." Nang masigurong wala namang aberya ay mag-isa siyang naglakad sa may garden habang may dalang baso ng wine. Papalubog na ang araw n'on nang maupo siya sa isang bench roon. She inhaled some fresh air before sipping a wine.
"Hi."
Lumingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. And she was shocked to see Euvelyn. She was smiling at her.
"E-Euvs...?"
"Kumusta?" Umupo ito sa gilid niya.
"Okay lang naman. Ikaw?"
Hinimas nito ang tiyan. "Two months pregnant."
Nakangiting tumango siya. Nakita niya ang wedding ring sa kamay nito na kasalukuyang naghihimas ng tiyan. Mukhang biniyayaan na nga sila ni Chance. Hindi siya magpapaka-plastik. Aminado siyang nasasaktan siya. Kahit kasi lumipas na ang isang taon ay patuloy pa rin niyang minamahal si Chance. Ang kulit ng puso niya. Ayaw makalimot.
"Congrats!" napipilitang sabi niya rito. "So, tatay na pala si Chance..."
Bigla itong tumawa nang napakalakas. Napatitig siya rito nang nagtataka. Nakaka-abnormal ba ang pagbubuntis? Ba't siya tumatawa?
"Ahhh... he... he... he... ano'ng nakakatawa?"
"Nakakatawa ka. So, hindi mo pa pala nabalitaan?"
"Ha? Ang alin?"
"You really have no idea, obviously."
"Yeah, wala nga." Mula nang umalis siya ng Pilipinas ay hindi na siya nakibalita roon. Ni hindi na nga siya halos nagbubukas ng facebook account niya, eh. Parte iyon ng pag-mo-move on niya.
"Hindi kami nagkatuluyan ni Chance," kaswal lang na sabi nito.
Namilog ang mga mata niya. "Ano'ng sabi mo?"
"Hindi kami nagkatuluyan. Hindi siya ang pinakasalan and he's not the father of this little one here in my tummy."
"Pero, bakit?"
"When I came back from States, he told me na muli kayong nagkita dahil ikaw nga raw 'yong nag-organize ng wedding ng grandparents niya, but nag-back out ka lang. I knew already that something was wrong with our relationship when he saw you again. Oo, sa nakalipas na mga taon na naging kami, we were happy with each other. Naramdaman kong mahal niya ako. Hindi 'yong pagmamahal na pilit lang; totoo talaga. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit may hinahanap pa ako sa love niya para sa'kin na hindi ko ma-pinpoint kung ano. And when he told me that you've been with him for a while, tsaka ko lang nalaman kung ano ang kulang. Yeah, he loves me... so much. But he can never love me the way he loves you. Alam kong pareho niya tayong mahal. Pero iba ang klase ng pagmahahal niya para sa'yo. At ikaw lang ang nagmamay-ari ng ganoong klase ng pagmamahal niya. Walang makakaagaw n'on mula sa'yo."