***CHAPTER SEVENTEEN***

52 2 0
                                    

KABADUNG-kabado si Christine sa unexpected nilang pagkikita ni Chance. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit hindi ko man lang itinanong kung sino ang makaka-dinner meeting ko? sermon niya sa kanyang sarili. Mabuti na lang talaga at nagawa naman niyang umakto nang pormal at naaayon sa harap nito. Pero ang pinuproblema niya ay kung paano niya ito pakikitunguhan sa loob ng isang buwan na isasaayos nila ang wedding ng grandparents nito. Sigurado siyang hindi maiiwasang maungkat nila ang past-bagay na ayaw niyang mangyari. As much as possible ay gusto na lang niyang kalimutan ang masakit nilang nakaraan. Pati na rin 'yong mga masasayang araw nila.

Natapos ang meeting nila sa loob lang ng ilang oras. Kahit papaano'y nasimulan na rin nila ang pagpaplano. Na-settle na rin nila ang mga schedule nila. Medyo nahirapan sila sa bahaging iyon dahil busyng tao si Chance. Naremedyuhan naman nila iyon. Sa darating na linggo ay magtutungo sila sa resort na i-si-nuggest niya na pagganapan ng kasal. Pag-aari iyon ng isang kaibigan niya sa New York na nakapag-asawa ng amerikanong businessman. Nagpatayo ang mga ito ng resort sa bansa kamakailan lang at unti-unti na rin iyong lumilikha ng pangalan. Napaka-ganda naman kasi ng lugar na maaari mo nang maihalintulad sa Boracay. Three-hours away lang iyon sa city at napaka-presko ng hangin. Sa tingin niya'y magugustuhan iyon ng lola ni Chance. Kaya naman i-che-check nila ang lugar at 'pag nagustuhan iyon ni Chance ay itatanong na nila ang presyo kasabay na rin ng pagpapa-reserve.

Bandang alas otso y medya ay lumabas na sila ng restaurant para umuwi. Nagkataong magkatabi lang ang kotse nila sa parking area. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang biglang magsalita si Chance. Nilingon niya ito at napag-alamang hindi pa pala ito natitinag sa kinatatayuan. Nasa likuran pa rin niya ito.

"Yes?" aniya rito. Kinakabahan siya sa maaaring sabihin nito.

"Bakit ka umalis?"

"H-ha?" Ito na nga ba ang kinatatakutan niya, eh. Hindi pa man sila nag-uumpisa sa preparations ng kasal ay nauungkat na ang nakaraan. Ngayon, paano niya ito lulusutan? "Chance..."

"Bakit mo ako iniwan nang walang rason? 'Di ba ang sabi mo sa'kin n'on, mahal mo ako? Ano'ng nangyari sa pagmamahal na 'yon? Ano, bigla na lang bang nawala after a few days?"

"No, it wasn't like that."

"Then, what?!" pasigaw nitong tanong. Mabuti na lang wala masyadong tao sa paligid kaya hindi sila nakakuha ng atensyon mula sa iba.

"Chance, please..." Hindi na niya alam kung paano ito sasagutin. Hindi niya alam kung paano siya tatakas sa conversation na iyon. Dahil pinag-uusapan nila ang isang bagay na matagal na niyang kinatatakutang pag-usapan.

"Bakit ayaw mo akong sagutin? Christine, you're unfair! Pinaniwala mo akong mahal mo ako pagkatapos ay iniwan mo ako nang basta-basta na lang. Ano 'yon, gagohan? Sabihin mo nga sa'kin, gag show ba 'yon? Drama mo lang ba ang lahat ng 'yon?"

"Hindi, Chance, hindi. Totoo lahat 'yon."

"Then why did you left? Bakit mo ako sinaktan? 'Tapos ngayong maayos na ang lahat sa'kin, susulpot ka na naman? Gina-gago mo ba talaga ako, ha?"

Ganoon ba ang tingin nito sa kanya? Isang malaking panggulo ngayong matiwasay na ang buhay nito? Eh, paano naman siya? Akala ba nito'y ito lang ang naghirap? Naghirap din naman siya sa loob ng limang taon, ah. At hanggang ngayo'y nahihirapan pa rin siya. Hindi nga niya alam kung hanggang kailan pa siya maghihirap, eh.

Pero she deserved the pain. Afterall, she was the one who chose to left him. She was the one who made him miserable kahit pa sobra rin naman siyang nasaktan.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon