***CHAPTER THREE***

84 1 0
                                    

"AANHIN ko naman 'tong five pesos na 'to, ha?" takang-takang tanong ni Leah sa kanya habang nakaupo sila sa bench.

"Ibigay mo d'on sa C.A.T. Officer," nakangiti at excited niyang sagot.

"Oh, tapos? Nanlilimos ba siya?"

Sa inis ay nabatukan niya tuloy ito.

"Gaga! Ipapa-marriage booth mo kami."

"Ano?! Nahihibang ka na ba? Desperation Level 100 na ya'n, ah. Wala ka na bang kahihiyan? At talagang ikaw pa talaga ang gumagawa ng paraan, ah."

"Hindi naman nila malalaman, eh. Kasi nga di'ba, ikaw ang magbabayad. So, aakalain nila na ikaw naman talaga ang may pakana nito. Tsaka hindi rin ako magpapa-obvious. Aayaw-ayaw naman ako kunwari, eh. Drama-drama lang nang konti."

Nagkamot ito sa ulo.

"Ay naku, isa kang malaking sakit ng ulo! You're impossible!"

"Sige na, please," naka-pout niyang pakiusap. "Para saan pang naging bestfriend kita, di'ba? Support-support din 'pag may time."

"Wala akong time."

"Eeeehhh!" Pumadyak-padyak pa siya at nagkunwang nagtatampo na. "Nakakainis ka naman, eh! Ang dali-dali lang ng pinapagawa ko hindi mo pa ako mapagbigyan. Hayst, 'ewan ko sa'yo!"

"Oh siya, sige na, sige na. Para matapos na ya'ng kahibangan mong ya'n." She rolled her eyes at hinablot ang limang piso niya sabay tayo at lakad patungo sa kaklase nilang officer. Lihim siyang napangiti. Kahit kailan talaga'y bentang-benta ang akting ko. Mag-artista na kaya ako?

Masaya na siya dahil finally ay makukuha na rin niya ang gusto niya. Sigurado siyang mapapansin na talaga siya nito nang bonggang-bongga this time. Simple lang naman ang gagawin niya, eh. Magpapa-cute lang siya dito. This is my moment!

Natigil lang siya sa pagmumuni-muni nang bigla niyang naramdaman ang isang matigas na kamay na humawak sa kanang braso niya. Nang lingunin niya ito'y nakita niya ang nakangiting mukha ng kaklaseng si Ricky na nakasuot ng kanyang C.A.T. uniform.

Dios mio! Ito na! Ito naaaaa! Waaaaahhh!

"Pasensya na, Christine, ah. Trabaho lang."

"H-huh? What do you mean?" patay-malisyang tanong niya.

"Sumama ka nalang nang mahinahon."

Kung makapagsalita nama ito'y para siyang kriminal na dadakpin para ikulong. Ikulong sa puso ni Chance! Ay, bet! Pinatayo siya nito habang hawak-hawak pa rin ang braso niya. Iginiya siya nito sa paglalakad habang kunwari'y nagmamatigas pa siya.

"Enebe! Bitiwan mo nga 'ko!"

"Sumama ka nalang. Magugustuhan mo 'to."

"H-huh? Kinakaladkad mo 'ko to somewhere I don't know tapos magugustuhan ko? Let me go!"

"Basta, basta. Malalaman mo rin mamaya. Sorpresa 'to sa'yo ng bestfriend mo."

"Ito talagang si Leah. Kung anu-anong pakulo ang nalalaman."

"Matutuwa ka dito, pramis."

"Sabi mo ya'n, ah."

"Oo nga, eh."

Ilang saglit pa'y nakarating na sila sa open field ng school. Napakalawak niyon at napakaraming tao. Naroon kasi ang iba't-ibang booth and stalls. Sa isang banda nama'y may naglalaro pa ng volleyball. Pero pinakasentro ng atraksyon ang marriage booth na nasa pinakagitna ng field. May mini-altar doon kung saan nakatayo ang kunwaring pari. Habang may isa namang mahabang aisle na lalakaran ng bride.

A Step BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon