MAAGANG nagising si Chance nang araw na iyon. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw nang lumabas siya ng kanyang kwarto at dumiretso siya sa garden na nasa likod ng bahay nila. Naabutan niya ang kanyang Lola Guada doon na nagbabasa ng libro tungkol sa gardenning. Mahilig kasi talaga ito sa mga tanim. May green thumb ang lola niya at grabe ang pagmamahal nito sa mga halaman nito na ilang taon na rin nitong inaalagaan.
"Apo, you're up early. Yaya, dalhan mo ng breakfast si Chance," utos nito sa katulong. Siya nama'y umupo kaharap nito. "Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Yes, 'la." Tumango siya. Hindi naman maaaring sabihin niya dito na halos hindi niya nagawang matulog kaiisip kay Christine. Natitiyak niyang iintrigahin siya nito. Kilala ng buong pamilya nila si Christine at alam ng mga ito kung paano niya ito minahal. Ang hindi lang alam ng mga ito na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya. He chose to keep it to himself.
"By the way, may hihilingin nga pala ako sa'yo, apo. I hope this won't interfere with your work. Pero kasi, gusto ko talagang ikaw ang gumawa nito."
"Ano po ba 'yon?"
"Well, you see, magpapakasal kami ng lolo mo. Gusto ko sana na ikaw ang mag-ayos ng lahat. May wedding organizer naman, pero gusto kong ikaw ang mag-supervise ng lahat. Ikaw ang paborito kong apo kaya alam mo ang taste ko. I want it to be settled in a month. Sa edad ko, sa tingin ko'y hindi ko na kakayanin pang sumagupa sa isang drastic wedding preparation."
"Eh, kasal na po kayo ni lolo, 'di ba?"
"60th wedding anniversary namin. Gusto naming maging special iyon, so we will renew our vows by marrying again."
Napalingu-lingo na lang siya. Kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok sa isip ni lola, aniya sa isip. Tiyak niyang pinagbibigyan lang ito ng lolo niya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Hindi naman niya matatanggihan ang abuela, eh. Ayaw niyang ma-disappoint ito sa kanya. He's a lola's boy. Mula pagkabata ay close na close na sila. Kahit na busy siya sa kanyang trabaho'y isisingit pa rin niya sa hectic niyang schedule ang pag-aasikaso sa kasal nito. Isasantabi na lang muna niya ang leisure time niya.
"Okay po, 'la."
"Salamat apo. By the way," may kinuha itong papel na nakaipit sa librong binabasa. Iniabot nito iyon sa kanya. "May meeting kayo ng wedding organizer tonight, ha. She is Miss Renelene Valdezamo, she's one of the best on her field. Inirekomenda siya ng kaibigan ko."
"Sige po."
Naging busy siya sa trabaho ng araw na iyon. Ang dami kasing reklamo ng client niya na kailangan niyag i-entertain at ayusin. Medyo pressured na siya, pero sanay na siya. Ilang taon na rin siyang nakikipag-deal sa lagpas-ulong pressure na idinudulot ng propesyon niya sa kanya. Tumawag rin sa Euvelyn sa kanya during his lunch break. Dalawang buwan na itong nasa Florida. Nagsimula iyon nang magkasakit ang lola nito at namatay kamakailan lang. Nailibing na rin ito and in a few weeks ay babalik na ito sa bansa. Nag-leave ito sa trabaho ng two months. Isa na itong hotel chef ngayon.
"Okay ka lang ba diyan?" aniya rito.
"Medyo okay na. Kahit papaano'y natatanggap ko na ang death ni lola. Si mommy ang inaalala ko, she's so depressed up until now. Hindi ko na nga alam kung ano pang comforting words ang sasabihin ko mapakalma lang siya, eh. Nag-aalala na ako sa kanya."
"Don't worry, magiging maayos rin si tita. Natural lang ang nagiging reaction niya ngayon. Just let her grieve for now."
"Yeah, you're right. Eh, ikaw? Kumusta ka naman diyan? Baka nambababae ka na diyan habang wala ako, ah. Naku, mapepektosan talaga kita!"