PART 21

322 3 0
                                    

CHLOE's POV

Nang makarating ako sa bahay ay nakita kung nakaupo si Mommy sa Garden. Kaya lumapit ako sakanya.

" Oh my hindi ka pumasok? Hindi karin umattend sa birthday ng mommy ni Selena " wika ko.

" Masakit ang ulo ko anak " wika niya.

" Oh uminom napu ba kayo? YAYA!!! " Wika ko.

" Bakit po maam? " Tanung ng yaya.

" Kumuha ka ng gamot may sakit ang mommy " wika ko.

" Opo maam " sagot niya at umalis na siya. 

" Tara na sa kwarto my aalalayan na kita, akk na bahala sa office mo itatawag konarin kay daddy na may sakit ka " wika ko.

" Salamat anak " wika niya. At inalalayan kuna nga siyang pumunta sa kwarto. Pagkapasok sa kwarto niya ay nagsalita siya.

" Iha yung lalaki kanina? Kaibigan mo ba talaga yun? " Tanung niya.

" Manliligaw ko po siya my, Yung kabussiness partner niyo Inaanak nila si Trinx, and totoo po isa sa pinakamayang pamilya ang pamilya niya " wika ko.

" Hindi kaba linoloko non? "  Tanung niya.

" Diko alam, kaya nga ipupunta ko siya lina lola sa sabado my sila ang mangtotoo ng leksyon sakanya para makita nga kung mahal niya ako " wika ko.

" Mas mabuti yun, sige iha magpapahinga na ako " wika niya sabay halik sa noo ko. Matapos yun ay pumasok na rin ako sa kwarto ko para tawagan si Daddy pagkatawag ay Natulog na muna ako.

TRINX POV

Nagising ako at 4:30 p.m pagkagising ko ay naligo ulit ako. Pagkatapos maligo ay tintext ko mga barkada ko.

" Bro Basketball namiss ko maglaro eh tagal tagal ng hindi tayo nag babasketball " text ko sa kanilang apat. Nagbihis na ako ng basketball attire. Naka under armor ako ng sapatos Idol ko kasi si Stephen Curry at nag Jersey ako ng White na may number na #7 lahay ng jersey ko #7 kasi favorite number ko at birthday ko kasi OCTOBER 7. Hindi ko ginamit ang kotse ko. Ginamit ko ang kotse ni dad na Ferrari na red type ko kasing gamitin ngayon eh. Nagdrive na ako papuntang Coart na pinupuntahan namin nung nagbabasketball kami. Malapit lang yun sa tambayan namin. Mga 5minutes lang abwat bale 20minutes pag drinive yun. Ng makarating ako wala padin mga kasama ko kaya nag warm up muna ako mag isa. Makalipas ng 5minutes nag sisidatingan na sila. Pagkadating ay bumaba na sila.

" Kanina kapa? " Tanung ni Luis.

" 5minutes palang nag warm up lang ako eh " wika ko.

" Tara na so panu datig team? 2 vs 3 kami ni Trinx mag kasama " wika ni Luis. Hindi niyo alam sa school palagi kaming nag aagawan ni Luis ng MVP dati nung High School  pa kami, pero ngayong college na kami hindi na kami sumasali sa Varsity. Kaya sinimulan na namin ang laro. Habang nag lalaro nag uusap kami.

" So busy ka ata masiyado trinx ah, hindi kana nagiging  fucboi " wika ni Harry habang nag dridrible. Pag kasagot ko ay inagaw ko ang bola at shinoot pagka shoot.

" Ulol eh kelangang mapasagot ng I lOVE YOU eh para sa kasiyahan " wika ko.

" Baka mamaya mafall ka nean " tanung ni Luis. Habang gwinagwardihan si Liam.

" Haha si TRINX NATIVIDAD mafafall? Himala ata pag ganun bro " wika ko. At nashoot ni liam ang bola.

" Kayo musta panliligaw? " Tanung ko. Ako na nagdridrible. Hindi nila ako napansin na N1 sila nashoot ko na bola stephen curry kaya to.

" Ok naman pero dimu alam kahit nanliligaw nakaka date parin kami ng ibang girls " wika ni Luis.

" Eh panu pare palagi kaming may lakad eh, mamayang gabi labas tayo " wika ko.

" Sige sige " sagot nila at tuloy na kaming nagbasketball. Tambak ang laro siyempre puro 3points ginagawa ko. Ng matapos ang laro.

" Sige kitakits nalang mamayang gabib" wika ko at pumasok na sasasakyan. Nagdrive na ako pauwi. Pagkauwi ay naligo na naman ako siyempre puno ako ng pawis. Ayuko maging mabaho. Nang matapos akung maligo naabutan ko sila mommy, daddy at ate sa sala. Kaya sinamahan ko sila family bonding muna ngayon.

" Oh san kananaman galing? " Tanung ni Daddy.

" Nagbasketball dad " sagot ko.

" Mabuti naman hindi sa bar " singit ng kapatid ko kaya binato ko ng unan.

" Mabuti naman at alam mupang mag basketball " wika ni Dad.

" Siyempre dad MVP kaya to " wika ko.

" Saan kapaba magmamana? " Tanung ni dad.

" Edi sayo " sabay apir kaminat tumawa

" Talaga kayong mag ama " wika ni mommy. Close kasi kami ni dad lalo na sa usapang basketball MVP rin kasi siya dati nung pagka highschool niya. At doon niya nakilala si Mommy sa pagbabasketball niya. Nagfamily bonding kami until 6:00p.m puro kwentuhan tawanan at puro throw back ang kwentuhan. Nang matapos ang bonding namin. Nagtext si Chloe.

" Dinner raw at 8;30 sabi nila mommy gusto ka nilang makilala " text niya. Puta nagulat ako sa text niya siya lang kasi ang kauna unahang babae na pupuntahan ang parents niya. Pagkabasa ko sa text ay nag ring na ang phone ko dahil sa tawag ni Luis. Kaya sinagot ko na ito.

" Oh bakit? " Tanung ko.

" Club na 8:30 " wika niya.

" Gago pupunta ako kina Chloe kikilalanin ko raw mga magulang niya " wika ko.

" Hahaha sabi na nga ba eh, pero bro sigurado ka? Baka mauutal kapa nean first time a " wika niya.

" Oo nga eh bahala na " wika ko.

" Good luck nalang hahaha " wika niya. Sabay baba sa cellphone niya. Hindi na ako mapakali dahil sa kaiisip kung anung sasabihin ko mamaya pero bahala na si batman. Nagready nalang ako ng damit kung pang formal attire para mamayang gabi at pinalinis ko ang sasakyan ko. Matapos ay pumunta muna ako sa kwarto ko para maglaro ng Mobile Legend sa Ipod ko. Nabobored ako kahihintay sa 8:30 eh. Hindi na ako kakain kasi kakain na ako doon dinnee eh. Best pic ko sa Mobile Legend si Eudora magaling ata ako sa Mage.

Mahirap Maging FuccboiWhere stories live. Discover now