PART 24

273 4 0
                                    

TRINX POV

Nagising ako dahil sa maingay na sumisigaw akala ko may nasusunog.

" Huy sigising na " Idinilat ko ang mata ko at nagulat ako ng makita mukga ng lola ni Chloe.

" Bumangon kana diyan at mag igib kana ng tubig " wika niya. Kaya bumangon naman ako. Akala ko gagamit ng hose o drum hindi pala kundi ikaw mismo ang magbubumba ng tubig at gagamitin mo yung parang paglalagyan ng taho yung left and right na may timba sa dulo ganun ang ginamit ko sa pag iigib ng tubig. Naka limang balik ako sa pag iigib ng tubig dahil palaging natatapon. Pinagtatawanan nila ako. Pero hindi ko naramdaman ang galit. Para bang ang gaan gaan ng loob ko kahit nahihirapan na ako. Natapos kunarin ang pag iigib. Nagpahinga muna ako ng matapos akung magpahinga ay lumapit ang lolo sakin ni Chloe.

" Anu pa ginagawa mo diyan tayo na mag aararo ka doon sa palayan " wika ng lolo niya.

" Ho? " Gulat kung tanung.

" Lo hindi niya po alam " wika ni Chloe.

" Ah hindi gagawin kopo tayo napu " wika ko at sumunod ako sa lolo ni Chloe. At sinimulan kunang pag aararu naka tatlo akung higa sa putikan.

" Anu suko kanaba sa apo ko? " Tanung ng lolo niya.

" Hindi po kaya papu " wika ko at tumayo na ulit ako para mag araru. Nagabihan na ako ng matapos ko ito. Naligo muna ako at saktung matapos maligo at kaininan na. Habang kumakain.

" Hindi lang yang ang mararanasan mo dito hanggang hindi namin napapatunayan na kaya mo siyang buhayin hindi ka namin titigilan " wika ng lola ni chloe.

" Lola tinatakot niyo na siya " wika ni Chloe.

" Ah ok lang po naiintindihan ko po gagawin ko po lahat " wika ko. Matapos ang kaininan nasa labas kami ng kubo at nakaupo sa upuan na nakatingin sa mga bituin.

" Ganito pala dito, lahay ba ng ginagawa ko ginawa murin? " Tanung ko.

" Ah oo lahat lahat yan minsan nga napapalo ako kasi hindi ko matapos tapos ang pag aararu pero dahil naman sa pagsisikap na abot ko ang pangarap ko at dahil din sakanila kung bakit andito pa ako " rinig kung wika niya. At napamangha ako sa sinabi niya.

" Ang tibay mo rin pala eh kababae mung tao, bilib na ako sayo Idol na kita, pero alam mo ngayon kulang lahat naranasan to, pero hindi ko ito mararanasan kundi dahil sayo " wika ko.

" Hehehe anu kaba naman wagka... " Hindi natuloy pag uusap namin ng sumigaw nanaman ang lola ni Chloe.

" Gabi na matulog na " kaya napatawa nalang kami. Kaya pumasok na kami at natulog.

Mahirap Maging FuccboiWhere stories live. Discover now