Chapter 1

13.2K 268 11
                                    

Accidentally Heard It

Era's Pov

"Good Morning World!" I said after opening my eyes. The sun rays coming through the glass window make me narrowed my eyes.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo, pagka tapos ay nagbihis na rin ako bago bumaba para mag agahan.

"Good Morning 'nak!" Bati sa akin nila Mommy and Daddy na ngayon ay naka upo na at ako na lang ang hinihintay.

"Good morning Dad, morning Mom." I greeted back before taking my own seat so I can start eating. Hindi pa man ako nangangalahati ay bigla naman na nag ring ang cellphone ko.

"Hello? Era Madrigal speaking."

"Hello ma'am! Emergency po! May pasyenteng kakasugod lang dito sa ospital cannot be reach po kasi si Dra. Evangelista."

"Makakapag hintay po ba yung pasyente?" tanong ko dito.

"Anak naman!" bulyaw ni mommy na nagpatawa naman kay daddy.

"Joke lang mi! Ikaw naman di ka mabiro!" inend ko na yung call at nag madaling pumunta sa garahe.

Ini-start ko na yung engine ng kotse pero ayaw gumana. Anong problema nito?

Lumabas na lang ako ng bahay at nag abang ng masasakyan.

"Ku-kuya!" tawag ko pero nilagpasan lang ako ng driver.

Ts! Ang arte naman 'non!

Kanina pa ako nag aabang ng taxi pero walang ng dumaraan.

Kringgg...kringgg

"Hello? Ace?" tinawagan ko si Ace at nagbabakasakaling pumayag siyang ihatid ako.

"Hello? Oh Era! napatawag ka?"

"Ah Ace sorry kung nagising kita, KASO MAY EMERGENCY SA OSPITAL TAPOS NASIRAAN AKO KOTSE AT WALANG MAHANAP NA TAXI!"

"Pffft! Oh chill lang sige on the way na ako."

On the way? Alam ba niyang masisiraan ako ng kotse? Humayghad!

Siguro plano niya talagang sirain yung sasakyan ko para ma-late ako sa trabaho. Hindi kaya gustong patayin ni Ace yung pasyente na may emergency ngayon?

Ano namang kasalanan sa kanya 'non? Tsk tsk tsk.

"Ma'am!" tawag sa akin ng nurse na mukhang kanina pa ako hinihintay.

Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa emergency room.

"Anong lagay ng pasyente?" tanong ko sa nurse na nasa gilid ko. Sinuot ko ang coat at mask na kanina ko pa dala at naglagay din ng gloves.
"Critical ma'am. Dalawang tama ng bala malapit sa puso at isa sa binti. Meron din itong saksak ng kutsilyo sa may bandang tiyan." sagot nito sa akin kasabay ng pagbukas ko sa pintuan ng ER.

Ingay ang maririnig mo ng matapos namin ng maayos ang operasyon.

Syempre masaya din ako at nailigtas namin yung pasyente kahit medyo natagalan ito at maraming oras ang lumipas.

Ang pinagtataka ko lang, wala man lang siyang kamag-anak na naghihintay sa labas ng ER. Inilipat na siya sa private room at hinihintay na lang gumising.

"Ace!" tawag ko dito ng makita ko ito sa lobby ng ospital. "Success?" tanong nito sa akin at tumango naman ako at ngumiti ng napaka tamis.

"Ano ginagawa mo dito? Hinintay mo pa ako?" tanong ko sa kanya. "Yeah, let's eat?" tanong nito at sumang-ayon naman ako.

Kringgg...kringgg

"Era, just wait me here."
pagpapaalam ni Ace at lumayo ito para sagutin ang tawag.

Si Ace Millegas nga pala ang bestfriend ko, naging magkaibigan kami nung first year college dahil parehas kami ng kursong kinuha at pati ngayon ay parehas kami ng ospital na pinapasukan, day off niya lang kasi ngayo-

"Hold-up to!" anak ng holdaper. "H-huh?" tanong ko. "Bigay mo sakin pera mo!" singhal pa nito sa akin.

"Kuya tigilan mo ko ah bad mood ako ang sama ng araw ko ngayon alam mo bang hindi pa ako nag aagahan dahil may tumawag na emergency nasiraan pa ko ng kotse buti nalang andyan si Ace tapos ngayon hoholdup-in mo ko? Tsk! tsk! tsk! Dont me kuya dont me!"angal ko sa kanya at bigla niya akong tinutukan ng kutsilyo.

Hala! huhuhu! Ace!

"Kuya! Wala akong pera! Kahit anong gawin mo wala kang makikitang pera sa bulsa ko. Gaano ba kalaking pera ang kailangan mo at ginagawa mo yan?" tanong ko.

Triggered na ako.

"Wala kang pake! Baket matutulungan mo ba ako sa operasyon ng anak ko?" galit na tanong niya.

Yun lang naman pala eh! Madali akong kausap.

"O sige tutulungan kita!"
sambit ko dito.

"Talaga? Tutulungan mo ko mang hold-up? Ok ka naman pala e sige tara na." masayang sabi niya.

Eh?

"Loko ka pala e! Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo, doktor ako! Doktor!" sigaw ko sa kanya.

Mandadamay pa tong si kuya. Pigilan niyo ko bibigwasan ko na to.

"Ah doktora pasensya na hindi naman talaga ako masamang tao nagawa ko lang to kasi may sakit ang anak ko buena mano ka nga ikaw ang first target ko hihihi, sorry po talaga!" paghingi ng umanhin sa akin nito.

Mahirap mag-opera ng dalawang sabay lalo na kapag pagod ka. Pero kawawa naman kasi yung bata.

Kinuwento ko na rin ang nangyare kay Ace at tawang tawa yung baliw.

"Oh tara! Kain na tayo! San mo gusto?" tanong ni Ace sakin.

"McDo!"masayang sabi ko.

Pagkatapos namin kumain ay siya ring pagbalik namin sa ospital.

"May schedule ka pa ngayon tanghali diba?" tanong ni Ace sa akin.

"Yup!" tipid na sagot ko.

"So, pwede na kitang iwan dito? Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka." sabi nito at binigyan ako ng matamis niyang ngiti.

"Sige thank you nga pala, ingat ka ha!" pag papaalam ko sakanya

Pumasok na ako sa loob ng ospital ng hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Ace.

Puro bati ang sumalubong sa akin pagkapasok sa loob, ngiti na lang ang isinukli ko dito.

Hinintay ko pang matapos ang schedule ko para makauwi na.

Pag pasok ko sa bahay ay wala akong nakitang tao. Siguro di pa nakakauwi sila mommy galing trabaho. Nang mapadaan ako sa kwarto nila mommy ay may hindi ako inaasahang marinig.

"Hindi pwede yang sinasabi mo Fred! Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Mag papakasal siya sa lalaking di niya kilala at lalo na ang hindi niya mahal!" bulyaw ni mommy kay daddy.

"Mariel wala tayong ibang paraan para maisalba ang kompanya natin, yun lang ang tanging paraan hindi tayo pwedeng umasa sa trabaho ng anak natin. Paano naman ang kompanya? Kailangang maisalba to!" sabi ni daddy.

Humayghad! What to do? Tumakas kaya ako? Tama! Kaso saan ako pupunta? Hala! Ang hirap pa naman magdala ng gamit tsaka baka matagalan din ako. Saan ako matutulog?

Wahhhh!

My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon