Chapter 21

3.7K 117 7
                                    

Era's Pov

"Good morning, hubby ko!" Bati ko kay Neon habang papasok siya sa kusina.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako bago halikan sa noo.

"Good morning, wife..." Sabi nito sa akin at hindi pa rin inaalis ang yakap. "Hubby, anong balak natin? Malapit na anniversary natin hehe." Paalala ko dito. Mamaya anniversary naman namin yung makalimutan niya, okay na pangalan ko na lang, huwag lang anniversary namin.

"Punta tayo France? Canada? Saan mo gusto?" Tanong nito sa akin bago paglapatin ang mga noo namin.

Bakit kailangan ibang bansa pa? Pwede naman na 'dyan na lang kami sa kanto, tamang kain lang ng kwek-kwek. Ang gastos talaga ni Neon. Pero paano kung gusto niya mag ibang bansa? Tapos ayaw ko, baka magalit siya tapos itapon niya ako kanto. Sige na nga!

"Uhm France?" Patanong na sagot ko dito. "Sure..." Sabi nito at muli akong hinalikan sa noo, pababa sa ilong at sa labi.

"Eew porn!" Rinig kong sigaw sa may living room.

Anong porn? Kapatid ba 'yon ng mais?

Tumingin ako kay Neon at nakapikit ito, naka kunot ang noo at mukhang naiinis.

"Clement Ramirez..." Bulong nito bago dumiretso sa living room.

"Yow bro! What's up?" Bati ni Clement dito. Nakita ko naman sila Dustin sa labas na kabababa pa lang kotse. Bakit ba sila nandito? Napansin ko lang, panay na ang tambay nila dito, kaya laging ubos pagkain namin eh.

"Kace tulong!" Sigaw ni Clement na ngayon ay hinahabol ni Neon.

Napailing na lang si Darius bago umupo sa tabi ni Ryker at binuksan ang television.

"Hi Ate!" Tawag sa akin ni Ciane pagkapasok niya ng bahay. Kumaway ako dito bago lumapit para mayakap siya.

"Nagluluto ka? Tulong ako!" Sabi nito at hindi na hinintay ang sagot ko. Dumiretso na ito sa kusina para tumulong.

"Nasaan si Porsha?" Tanong ko kay Ciane na ngayon ay inihahanda ang mga kubyertos. "Nasa university, gusto niya sumama, kaso ang daming gagawin. Sayang nga eh..." Malungkot na sagot nito at napa buntong hininga.

Kaya pala panay ang check ni Ashton sa cellphone niya, hindi siya mapakali kasi hindi niya kasama si Porsha.

Pagkatapos namin magluto ay tinawag na namin sila para kumain.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" Tanong naman ni Neon sa kanila. "Wala, makikikain lang hehe." Sagot ni Kace.

"Oo nga pala, aalis kami ni Neon. Sama kayo?" Tanong ko sa kanila. Biglang inubo si Neon at para bang nabulunan sa kinakain kaya binigyan ko ito agad ng tubig.

"Wife, no! Hindi sila sasama, tayo lang aalis. That's our anniversary..." Sabi naman ni Neon at uminom muli ng tubig.

"Madamot!" Saad ni Kace habang naka nguso. "Sama kami!" Pagpupumilit naman ni Clement.

Tumigil lang ang mga ito ng tignan sila ng masama ni Neon.

"J-joke lang hehe, may alis din pala kami ng bebe Dustin ko. Diba babe?" Sabi naman ni Clement kay Dustin. Natatawa naman itong tumango at nagpatuloy muli sa pagkain.

"Kailan alis niyo?" Tanong naman ni Ashton. "Mamaya." Sagot ni Neon.

"Huh? Mamaya agad?" Gulat na tanong ko. "Yeah..."

Lah? Parang kanina lang namin pinag usapan ah. Tapos mamaya na agad? Sabagay, tatlong araw na lang ay anniversary na namin.

Pagkatapos namin kumain ay nagpasama si Neon kina Darius, may pupuntahan lang daw sila. Nagpaiwan naman sila Ryker at Ciane na ngayon ay nag-aaway na naman. Si Dustin naman ay naka tulog sa couch habang si Clement ay nanonood ng t.v.

My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon