Chapter 13

4.4K 105 6
                                    

Era's Pov

Nakita kong umaakyat na si Azra at pinaupo ito sa tabi ko, nasa gilid ko rin si Porsha na katabi si Ashton.

"Excuse me." Sabi ko dito bago lumapit sa lamesa na may pagkain.

Nagugutom na kasi ako. Hindi 'man lang ako pinakain ni Neon bago kami pumunta dito.

Kukuha na sana ako ng pagkain kaso pinigilan ako ni Azra.

"Ate Era its dangerous." sabi niya at ibinaba ang kamay ko na nakaawang para kumuha ng pagkain.

Anong kakainin ko? Gutom na ako. Anong silbi ng pagkain dito? Design?

"Oh, So hello ladies." sabi ni Kace sabay kindat kay Azra.

Hay nako! Malandi din pala tong lalaking to.

Kita ko naman ang paglapit sa akin ni Neon bago ito tumabi sa akin.

"Hubby!" Pabulong kong tawag sa kanya.

"Yes?" Sabi niya sabay harap sa akin.

"Gutom na ako." kunwaring malungkot na sabi ko.

"You can't eat here, baka mamatay ka pa." wika niya.

Kapag hindi naman ako kumain, mamatay 'din naman ako. Bakit hindi pa ngayon diba? At least mabubusog ako. Namatay akong busog.

"Nasaan si kuya Dustin?" Tanong ni Azra kay Porsha na abala sa pagmamasid sa paligid.

"Wala pa darling." Sagot naman nito bago siya bigyan ng ngiti.

Maraming nasa ibaba na nagsasaya. Ang iba ay bumabaling sa amin at ngumingiti ang iba naman ay masama kung tumingin.

May nakapalibot sa amin na mga armadong tauhan nila Neon.

Hindi kaya sila nangangalay?

Naghintay lang kami hanggang sumapit ang alas dose.

Ang tagal nga eh. Hindi ba nila alam na gutom na ako? Hindi ba nila alam na nangangalay na sila Kuya?

Akmang tatayo na si Azra nang bumukas ang pintuan sa likuran namin.

"11:59." sabi ng lalaki na pumasok habang may hawak na dalaga.

Hindi ako makagalaw sa kina ko ng makita ko kung sino ang lalaking may bitbit na dalaga.

"Cy-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magpaputok ang mga lalaking naka puti.

"IT'S KILLING TIME!" Sigaw pa nito kasabay ng pagtunog ng malaking orasan.

Nakita ko na naalarma na ang lahat ng tao sa paligid at kanya kanya na silang labas ng baril.

Napalingon ako agad kay Neon at ngumiti lang ito sa akin.

"Let start," Sabi niya bago kami tumayo. Hinapit ako nito sa beywang bago halikan sa noo. "Shoot all the men in white." Bulong nito bago ako pakawalan.

Nagsimula na siyang ikasa ang baril at ganoon din ako. Lumingon sa amin ang mga tauhan ni Neon na ngayon ay naka palibot sa amin.

"Now!" Mariin na sabi ni Neon. Kasabay noon ang pagkalat ng mga men in black sa paligid.

Hindi ko alam pero bakit parang ang daming gusto akong barilin. Halos lahat na sa akin na tapos lumingon ako kay kuya na naka black. Isa lang sa kanya hindi niya pa matamaan.

Tapos 'yung sa akin hindi ko mabilang.

Lumingon ako kay Neon. Seryoso itong nakikipag barilan sa kalaban ng may lalaki na lumapit sa likod niya at may hawak na baril.

My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon