Chapter 4

7.7K 196 8
                                    

Ace meet's Neon

Era's Pov

Inayos ko na ang pinag-higaan ko at lumabas na ng kwarto.

Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin ni Neon.

Syempre kailangan natin maging good wife para maging maayos kami.

May narinig ako tungkol sa pagkakaroon ng asawa eh. Kailangan mo daw pag silbihan yung asawa mo, alagaan siya tapos syempre kailangan ko rin maglinis ng bahay at maglaba ng mga damit at kapag may anak na kami mas lalong rarami ang problema at trabaho ko sa bahay. Dadami din ang hugasing plato, labahan at lalong dudumi ang bahay.

Ang hirap pala! Pwede kayang mag back out nalang?

"Hey! Bat ang aga mo magising?" tanong ni Neon habang nagluluto.

"Ah magluluto kasi ako ng breakfast namin ni Neo-

Humayghad!
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hindi pa pala ako nag t-toothbrush.

Umakyat ako uli para mag t-toothbrush. Syempre nakakahiya naman noh! Bad breath ako. Mamaya siya yung mag back out dahil hindi niya kinaya yung hininga ko tapos siraan niya pa ako sa harap ng madaming tao edi mahirap na mamaya wala ng makipag usap sa akin.

Nang matapos akong mag toothbrush ay bumaba na ako para magluto na ng agahan dahil malapit na rin sumikat ang araw.

Habang pababa ako ng hagdan may naamoy pagkain, ang sarap. Wahhhh!

Nakita ko si Neon-- na nagluluto? Ano bayan! Gising na pala siya, dapat ako magluluto e. Siguro kala niya siya yung wife kaya siya ang nagluto ng agahan baka mamaya siya na rin ang maghugas at maglaba ng damit. Sa bagay pwede na rin iyon para mabawasan ang trabaho ko, kaya lang paano kung malaman niya na husband pala siya at ako ang wife, mapag bintangan pa akong traydor tsk!

"Saan ka galing?" tanong niya sa akin at naglapag ng pagkain sa lamesa. "Nag toothbrush." walang ganang sagot ko. "Bad morning?" tanong niya uli.

"Oo!" sagot ko sabay upo sa harap ng dining table. "Why?" tanong niya at tinanggal ang apron na suot.

"Kasi nagising ako ng maaga para magluto sana ng breakfast natin kaso nakalimutan kong mag toothbrush kaya bumalik ako. Kaya lang pag balik ko gising ka na pala." pagpapaliwanag ko

Next time nga hindi na ako mag t-toothbrush uli kapag nakalimutan ko. Nakakasira ng araw eh.

Neon's Pov

"Kasi nagising ako ng maaga para magluto sana ng breakfast natin kaso nakalimutan kong mag toothbrush kaya bumalik ako. Kaya lang pag balik ko gising ka na pala." she said with a sad face, Oh fuck.

She's too cute, can't help it. Kinausap na niya ako kanina tapos ngayon lang niya ako napansin? Aish!

"Oo nga pala, meron pala akong trabaho ngayon. Pwede mo akong ihatid?" She asked.

Oh yeah, she's a doctor. I wonder how many mistakes she build's up there every day. She's so clumsy and always acting like a child and that's making him more cute and and attractive-

What!? Did I just say she's cute and attractive- Aish!

Tumango na lang ako at nagsimula na kaming kumain.

I need a check-up, I think im sick.

Era's Pov

Nang matapos na kaming kumain ni Neon ay naligo na ako at naghanda para sa trabaho ko.

Sabi kasi ni Neon siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan namin kaya lalo akong nabahala, masyado na niyang pinaninindigan ang pagiging wife. Inaagawan na niya ako, mamaya baka gusto niya rin maging doktor tulad ko?

Sayang naman yung company nila kung mangyayari 'yon, palagi din siyang mamapagod dahil mayroon din siyang sariling kompanya na pinamamahalaan niya.

Humayghad!  Baka ako na yung ipalit doon! Wala pa naman akong alam tungkol doon, may ino-operahan din kaya sila sa kompanya?

Nang mag p-park na kami ay nakita ko si Ace na nag-aabang sa may entrance ng Hospital.

Hala! Di ko pa pala siya nababalitaan tungkol sa arrange marriage na naganap.

Pinag-buksan ako ng pinto ni Neon at naglakad na kami papunta kung saan ang kinaroroonan ni Ace na ngayon ay naka tingin na sa gawi namin.

"Hi Ace!" bati ko sa kanya.

"Hi!" bati niya sabay nag palipat-lipat ng takhang tingin sa akin at kay Neon na nasa likuran ko.

Ano kayang sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoo na asawa ko si Neon o hindi?

Kapag sinabi kong oo mamaya sabihin niya ang landi ko at wala pa akong nagiging boyfriend e asawa na agad. Kapag sinabi ko namang hindi baka sikmuraan ako ni Neon at ipatapon sa tabing ilog.

"Ace si Neon nga pala asawa ko." pagpapakilala ko kay Neon.

Tinignan ko kung ano magiging reaksyon niya. Bakit parang malungkot siya? Hindi kaya na realize niya kung bakit kinaibigan niya pa ako? Kailangan kong mag paliwanag mamaya isipin nga niya na malandi ako! Lagot na.

"Ace Millegas." sabi nito at nag abot ng kamay kay Neon na nag-aalinlangan pa kung tatanggapin ba ang kamay nito, pero sa huli ay nag-pakilala din ito at nakipag-kamay.

Tinignan ko kung ano magiging reaksyon niya. Bakit parang malungkot siya? Hindi kaya na realize niya kung bakit kinaibigan niya pa ako? Kailangan kong mag paliwanag mamaya isipin nga niya na malandi ako! Lagot na.

"Ahhm Era, mauna na muna ako, I need to do something. Bye!" sabi ni Ace at nagsimula ng maglakad palayo sa amin.

"Eh? S-sige bye bye!" tanging paalam ko habang tinitignan ang bulto nito.

Anong nangyari doon? Loko yun ah! May trabaho pa kami tapos tumatakas! Saan kaya siya pupunta?

Humayghad! Sumbong ko ba siya o huwag na? Huwag na kaya? Para makabawi ako sa kanya, siguro kala talaga niya malandi ako. Sumama na lang kaya ako? Tama-

"He's jealous." sabi ni Neon habang tinitignan ang papalayong si Ace.

Huh? Kakasabi ko pa nga lang ng pangalan ni Ace eh.

"Naku! he's Ace not Jealous. Makakalimutin ka na din pala Neon noh? Sino ba si Jealous? Pakilala mo ako sa kanya ah!" pag papa alala ko.

Nakalimutan na rin kaya niya ang pangalan ko? Mamaya gagawa ako ng name tag para hindi niya ako makalimutan.

Gagawan ko na rin si Ace para hindi siya mapagkamalang si Jealous. Sino kaya iyon? Boyfriend ni Neon? Psh! Lande.

"Aish!" bulong niya at napa pikit ng mariin.

My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon