Chapter 20

3.2K 83 19
                                    

Era's Pov

"Wife, umayos ka na nga..." Sabi sa akin ni Neon na ngayon ay nakaupo sa harap ko.

Kasi naman eh! Pwede naman sabihin na hindi ako makapagsalita para wala ng practice pa na nalalaman!

"Huwag kang mag alala, hubby. Kaya ko naman eh." Kumbinsi ko sa kanya. "No, hindi mo kaya..." Balik naman na sagot nito sa akin.

Aba't! Hmp! Watch and learn! Tukmol ka!

Paano kung hindi na ako hanapin ni Cyruz, kasi nga tinakasan ko siya, tapos naisip niya na huwag na akong pakialamanan tapos naisip niya na lalaki na lang mamahalin niya. Wahhhhhh! Tapos ako din yung nagustuhan niyang lalaki! Humayghad!

"Wife, you are spacing out..." Sita sa akin ni Neon.

Katatawag sa akin ni Neon ng 'wife' hindi na niya alam pangalan ko, mukha bang spacing out pangalan ko? Tatlong letra na nga lang pangalan ko kinalimutan pa niya. Kawawa naman 'tong si Neon, malilimutin na.

Pinag patuloy namin ni Neon ang pag eensayo, lalo na yung boses ko, pero tawa naman siya ng tawa kaya hindi kami matapos, baliw na ata 'to. Tinuro niya rin sa akin kung paano ang lakad ng isang lalaki. Ang hirap naman!

"Huwag mo ngang i-kembot ang puwet mo!" Sabi sa akin at nagsimula na namang tumawa. Naka tingin sa kanya sila Clement at nagtatakha.

"Hindi naman siya ganyan dati..." Sabi ni Kace. "Yeah, ngayon ko nga lang ata nakitang tumawa 'yan." Dagdag naman ni Ashton. "Bahala kayo, kapag nabaliw 'yan wala ako dyan ah." Sabi ni Dustin at tumigil naman sa pagtawa si Neon. Binigyan niya ng masamang tingin ang anim.

"Parang gusto ko kumain ng bato." Sabi Clement at umiwas ng tingin. "Ako, gusto ko maging bato, para kainin mo ako yieeeee!" Asar ni Kace at nagsimula na naman maghabulan ang dalawa.

Pagkatapos namin ay pinag-ayos na ako ni Neon at ganon din naman ang ginawa nila.

Bumaba na ako pagkatapos ko magbihis at mag-ayos. Mukha naman akong lalaki dahil sa suot at lakad ko, siguro naman okay na 'to. Pagkababa ko ay umalis na din kami dahil ako na lang ang hinihintay.

"Just act like a man, and remember all the thing we practiced." Paalala sa akin ni Neon. "Got it." Sagot ko sa kanya gamit ang panlalaking boses at ginagaya ang tono niya.

"Hahahhahaha!" Nagsimulang magsitawa sila Ashton sa gilid namin. "Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanila.

"Nothing..." Sagot nito pero nagpipigil pa rin ng tawa.

"Oo nga pala, hubby. Kailangan ko din ba na magsabi ng 'what the fuck!' kapag nagugulat ako o kaya naman nagagalit?"

"HAHAHAHHAHAHHAH!"

"Wife, do not curse." Banta sa akin ni Neon.

Bakit sila? Pinagloloko ata ako ng mga ito eh. Ano kayang sasabihin ko? Hakdog? What the hakdog? Pwede na 'yon hehe.

What the hakdog!

"Let's go inside..." Sabi ni Neon kaya naman sumunod na kami.

Kace's Pov

"Kace..." Rinig kong tawang sa akin ni Neon.

"Pre, huwag ka ngang ganyan, kung tawagin mo ako eh parang huling paalam mo na." Sabi ko dito at binigyan na naman ako ng masamang tingin.

Feeling ko hanggang mamaya ako babarilin nito eh.

"Tsk! Ako na ang bahala kay Jones, pati na rin sa mga tauhan niya. Keep your eyes on Era, kapag may nangyaring masama sa kanya, tutuluyan kita." Pagbabanta nito.

"Teka, parang ang haba ng tagalog mo ah! Ang galing!" Namamangha na sabi ni Clement.

Bakit pa kami pinapunta dito? Siya na pala tatapos sa lahat, pinagod lang ako ni Neon eh. Inayos ko pa naman yung baril ko. Si Clement na lang babarilin ko, training na din 'yon. Ang galing ko talaga!

"Go! Huwag na kayo mang-chicks..." Sabi nito bago tuluyang umalis.

'Yon na nga lang pwede naming gawin pinagbabawalan pa kami.

"May sisiw dito?" Bulong ni Era sa amin. "Oo marami!" Natatawang sagot ni Dustin habang papunta kami sa isang table.

"May pa-underground transaction pang nalalaman, poultry lang naman pala." Bulong pa ni Era.

Hahhahahahh!

Era's Pov

Sana sinabi na lang sa akin ni Neon na sisiw ang pupuntahan namin dito. Siguro dadalawin niya si inang manok. Hala! Gusto ko din 'yon makita!

"Pre! Chicks!" Rinig kong bulong ni Dustin kay Clement kaya naman napatingin ako sa tinitignan nila.

Hindi naman sisiw pero mukhang sisiw...

Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at umupo sa magkabilang hita ko, nakaharap ito sa akin at sobrang lapit ng dib dib niya sa mukha ko.

Wahhhhhhh! Siniko ko si Ashton para tulungan ko.

"Just go with the flow..." Bulong nito sa akin.

Bakit? May naagos ba? Nasaan ang flow?! Bakit ako sasama sa flow?! Wahhhhhh!

Pilit pa na ibinaba ng babae ang damit niya at sinusubukan akong akitin.

Meron din ako nyan! Pakita ko pa sayo eh! Hmp!

"Ang liit naman..." Sabi ko na lang dito para mainis. Natigil ito at akmang sasampalin ako pero pinigilan siya ni Ryker na katabi ko.

"Tsk! No no no!" Sabi ni Ashton dito at inalis ang babae sa harap ko.

Naging komportable na ako dahil wala ng lumalapit sa akin na babae, buti naman! Ang hirap kaya mag boses lalaki!

Nasa harap ko naman ngayo si Clement na may kalandian.

"Punta ka sa bahay mamaya, para matikman mo 'yung gawa ng parents ko..." Bulong nito sa babae. "Huh? Ano bang ginawa ng parents mo?" Takhang tanong nito.

"Ako..." Sagot nito at humagikhik naman ang babae.

Si Ashton at Ryker naman na nasa tabi ko ay tawa ng tawa habang tinitignan ni Clement. Si Darius naman ay walang pakialam at naka-tingin lang sa cellphone niya.

"Tignan mo 'yung kalbo na 'yon, paano malalaman kung bagong ligo siya?" Tanong ni Ryker kay Dustin habang naka tingin ito sa isang lalaki.

Napatingin naman ako kay Darius dahil tumunog ang cellphone nito. Agad niya itong sinagot habang nakatingin sa amin. Natigil ang lahat ng ginagawa namin at hinihintay ang sasabihin ni Darius. Kahit si Clement ay pinaalis muna ang kalandian niya.

"Two minutes left, let's go!" Sabi niya kaya naman nagsitayuan na kami.

Habang palabas na kami ay humarang ang malalaking lalaki sa amin na nagbabantay ng daan palabas sa lugar na ito.

"Bawal lumabas hanggat hindi pa tapos ang transaction-

Hindi na pinatapos ni Kace ang lalaki at agad na niya itong binaril. Naalarma ang mga tao sa paligid at nagsimula ng magputukan ng baril. Agad akong kinuha at pinrotektahan ni Clement. Nakapalibot sa amin sila Ashton na patuloy pa rin na nakikipag barilan hanggang sa makalabas kami.

May tama ng bala si Kace sa braso, dumudugo din ang binti ni Darius, hawak hawak naman ni Ryker ang balikat niya.

Pagkalabas namin ay dumiretso agad kami sa sasakyan at nandoon na si Neon.

Wahhhhhh! Hubby ko! Kala ko hihintayin niya pa mangitlog yung inahing manok!

My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon