Chapter 22

3.8K 111 9
                                    

Era's Pov

Umaga na ng makarating kami kahapon dito ni Neon at buong araw kami nagpahinga. Nandito kami sa Paris ngayon at pupunta kami ng Disneyland! Yehey! Sapat na yung pahinga namin kahapon kaya magpapagod ulit kami ngayon. Bukas naman ay anniversary na namin at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Ako kasi ang nagdesisyon ng pupuntahan namin ngayon tapos sabi ni Neon may alam na siya na pupuntahan namin para bukas. Okay na din 'yon. Hindi ako mahihirapan mag-isip kung saan kami pupunta.

Nag-aayos na ako habang hinihintay si Neon na matapos maligo. Inilagay ko sa loob ng bag ko ang polaroid camera na regalo sa akin Ace. Nagdala rin ako ng extra t-shirt namin.

I'm wearing white jeans and green chiffon blouse.

"Let's go?" Napalingon ako kay Neon na ngayon ay bihis na. Ang bilis naman nito. Parang kanina eh naliligo lang to. Humayghad!

Sabi ko na nga ba at may super powers si Neon eh! Gusto ko din 'non. Hmp.

"Tara na, mamaya san na naman makarating 'yang isip mo..." Sabi nito bago ako hawakan sa kamay at kuhanin ang bag na dala ko.

Naalis ba 'yung isip ko? Bakit hindi ko alam? Bakit 'di niya ako sinasama!

Pagkadating namin ni Neon sa Disneyland ay agad kaming sumakay sa big thunder mountain. Para lang din itong roller coaster. Nang makababa kami ng ride ay may nakita ako na nagtitinda ng ice cream kaya naman agad akong lumapit ito. Bumili ako at iniabot ko kay Neon ang isa.

Naghanap kami ng bench na pwedeng upuan para makain namin ng maayos ang ice cream.

Inilabas ko ang dala kong polaroid camera at tinawag si Neon para magpicture kami.

"Smile!" Sabi ko bago pindutin ang button ng camera. "Ang cute hehe." Sabi ko habang tinitignan ang picture. Tinago ko ito sa bag. Bibili nga ako photo album, doon ko iipunin lahat ng pictures namin ni Neon. Para kung ipagpalit man niya ako Kace, at least may pictures kami hehe.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay niyaya ko si Neon na magpicture ulit kami. Dinamihan ko na para mapuno agad yung photo album!

Sinulit namin ang araw at nagpatuloy kami sa pagsakay sa mga rides. Na-meet ko din si mickey mouse! Tapos kanina muntik pa na makipag-away si Neon sa lalaki na lumapit sa akin. Tinanong lang naman pangalan ko eh. Siya nga eh, baka nakalimutan na niya pangalan ko! Hmp!

Nang maghapon na ay nagpasya kami na bumalik muna sa hotel. Aalis ulit kami mamayang gabi para mag dinner sa restaurant na pinili ni Neon.

Anniversary na namin bukas! Saan kaya ako dadalhin ni Neon? Bakit ayaw niya sabihin? Hindi kaya... Iiwan na niya ako dito?! Kaya pala ayaw niya sabihin! Iiwan niya ako dito para makapagsama sila ng maayos ni Kace! Humayghad Neon! Ang landi talaga!

Dustin's Pov

Naandito ako sa bahay ngayon at balak 'kong pumunta sa headquarters para ipakilala sa kanila si Brielle. Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako ng bahay at inihanda ang kotse, hinihintay ko na lang siya.

Tumunog ang cell phone ko at kaagad ko naman itong sinagot.

"Hello, mom?"

"Hi anak! Kumusta na kayo ni Brielle?" Her tone is so lively and sweet, I can imagine her lovely face.

"We're fine, mom. Actually, we're going to the headquarters. I will introduce her to them..."

"Oh that's good! Take care of her, anak huh! Ikaw na ang bahala sa kanya 'dyan..." Sabi nito at nagsimula ng magpaalala at magsermon. She also said sorry dahil nag desisyon sila na hindi ko alam. But that's okay. Sisirain ko na lang yung desisyon nila.

"Bye, mom." I said before ending the call.

"Is that, tita?" Brielle asked. She's wearing ripped jeans, white v-neck shirt and red stilettos.

"Yeah..." Sagot ko at lumapit dito para mapagbuksan siya ng pinto ng kotse.

I can freaking smell her sweet perfume...

"Kumusta daw sila?" Muling tanong niya at pinaandar ko na ang kotse. "They're good..." Sagot ko dito at hindi na niya sinundan pa ang tanong niya.

I can still remember our first meeting.

Nang sinabi ko sa kanya na isa akong mafia boss ay hindi man lang siya nag-abala na layuan ako, kaya nasira ang plano ko na pigilan ang arranged marriage namin. Na kwento niya sa akin na may kaibigan siyang nagtatrabaho sa isang mafia boss, kaya siguro parang hindi na bago sa kanya ang ganito.

"So you're my fiancée?" Tanong ko sa babae na kadarating lang at umupo sa harapan ko. "I think so. I'm Brielle Collins." Pagpapakilala nito.

I didn't bother to know anything about her ng sinabi mga magulang ko na naka arranged marriage ako. I don't want this, kaya naman sinabi ko sa kanya kung ano ako.

"Dustin Smith, mafia boss..." I said before looking into her eyes, I did not find any fear or anger. Nagulat lang siya pero agad din nawala. Tangina! Kala tatakbo na siya sa takot, ni hindi man lang siya gumalaw sa kinauupuan niya.

"Okay. Please, don't use that mafia thingy, I'm not scared. We both know that we don't want this arrangement, but we can't do anything. Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan mo eh..." Sabi nito sa akin bago sumimsim ng kape na nasa harap niya.

So, wala pala talaga siyang interes sa akin? Well, ako din naman. And she's not scared huh? Hindi ba niya alam na ako ang pinakagwapong nilalang na naandito sa pilipinas at halos lahat ng chikababes ay kilala ako? Ang swerte kaya niya! Tapos... tapos... Aish!

"Where's your house? Pwede ba na magpahinga muna ako?" Sabi nito bago tumayo. "Tsk. L-let's go..."

"Hey Dustin! Let's go..." Natigil ang pag-iisip ko ng tawagin niya ako. Nakababa na ito ng sasakyan at hinihintay na lang ako.

Tsk! Bakit ba hindi ako hinihintay ng babaeng 'to. Bumaba na ako at dumiretso sa headquarters. Pagkapasok namin ay nakita ko na sila Kace na nagkukulitan.

"YOWWWW- teka lang. May chicks siyang kasama..." Sabi ni Kace kaya naman napalingon lahat sa amin. Itinigil si Ryker ang paghabol kay Clement na ngayon ay tawa ng tawa. Si Ashton naman ay naglilinis ng baril, habang si Darius ay nanonood ng t.v.

"Nagbagong buhay na ata..." Dugtong naman ni Darius.

"Clement! Pinagpalit ka na! Break na ba kayo?" Tangina Kace! Bakit ngayon pa.

"Kung ako 'yan, hindi ako papayag!" Pagpapatuloy naman ni Ashton. Aba't! Sumasabat na din 'to!

Binigyan ko sila ng masamang tingin pero wala silang pakialam. Talagang gusto nila akong pinagtitripan. Dumako ang tingin ko kay Clement na may mapanlarong ngiti sa labi.

For fucks sake! Please, not now Clement!

"BABE!" Sigaw nito bago patalon-talon pa na lumapit sa akin.

Putangina talaga!

My Mafia Boss HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon