Darius Pov
Naandito ako sa kwarto ko at inaayos ang mga papeles sa kompanya. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa maingay na babae na nasa kabilang kwarto. Kaagad akong tumayo at pumunta sa kwarto niya.
"Bakit ba— Ayos ka lang?" Tanong ko kay Carlaile habang pinapanood siyang gumulong gulong sa kama.
"Mukha bang ayos lang ako— aray!" Muling daing pa nito.
She's still on her fucking period at nasakit daw ang puson niya.
Anong gagawin ko? Wala naman akong alam tungkol dyan! Pero mukha ngang masakit.
"May matutulong ba ako?" Tanong ko dito. "Wala, okay lang. Huwag ka na lang maingay..." Sabi nito sa akin?
The fuck? Maingay ba ako?Kringggg...kringggg
"Excuse me..." Sabi ko bago lumabas ng kwarto niya para sagutin ang tawag.
Si Isiah. Clement's secretary.
"Hello?"
"Uhm, Sir,alam niyo po ba kung na saan Sir Clement?"
"Wala sa company niya?" Tanong ko dito. Saan na naman kaya nambabae si Ramirez.
"Wala po..."
"Na saan ka?" Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang susi ng kotse bago bumaba at lumabas ng bahay.
"Sa tapat po ng bahay niya."
Sinabi kong pupuntahan ko siya para tingnan kung nasa bahay ba si Clement. Tinawagan ko si Ryker para tulungan ako.
"Oy ano?" Sagot nito sa cellphone.
"Punta ka sa bahay ni Clement." Sabi ko bago ibaba ang tawag.
Nang makarating ako dito ay nakita ko si Isiah at nandoon na din si Ryker.
"Wala siya sa loob..." Sabi sa akin ni Ryker pagkababa ko ng sasakyan. Pinakita sa akin nito ang laptop niya na ngayon ay may access na sa mga cctv ni Clement sa loob at labas ng bahay niya.
"Eh nasaan 'yon?" Tanong ko naman. "Tangina! Baka pinapatay na ni Dustin dahil sa nangyari kahapon! Haahahhaah!" Sabi ni Ryker.
Pwede rin. Hahhahahaha!
Tinawagan ni Ryker si Dustin para alamin kung kasama niya ba si Clement. Pero wala din itong alam.
Kailangan namin siya makita dahil sabi ni Isiah ay may kailangan pa itong pirmahan na mga papeles na ipapasa ngayon. Ang tibay din ni Clement, mukhang wala siyang pakialam sa kompanya niya pero isa 'to sa mga may pinakamalaking kinikitang kompanya sa asya.
Maya-maya lang ay nakita ko ang sasakyan ni Ashton at tumigil ito sa harap namin.
Bumaba mula sa driver's seat si Ashton at binuksan ang pinto sa likod, inalalayan nitong bumaba si Clement. Lasing ito at mukhang nakipag-away pa. Bukas ang tatlong butones ng suot na damit nito at magulo ang buhok
"Anong nangyari?" Tanong ko bago kuhanin sa bulsa ni Clement ang susi ng bahay niya. Tinulungan naman ni Ryker si Ashton sa pagalalay dito.
Pagkapasok namin ng living room ay pinaupo muna nila si Clement sa sofa. Nakangiti pa ito habang naka pikit ang mga mata. Tsk! Baliw talaga.
"May tumawag sa akin. Tinanong kung ako ba daw ang tatay ni Clement, sunduin ko na daw yung anak ko kasi lasing na at nakikipag away. Like what the fuck? Paano ako naging tatay nyan? Tangina." Paliwanag sa amin ni Ashton, Naka kunot ang noo nito at halatang naiinis. Pinipigilan kong tumawa pero si Ryker hindi niya kinaya.
Kinuha ang cell phone ni Clement para tignan ang contacts nito.
"Baby Neon...Ryker Pogi...Kace mah Bebe... Dustin Papansin... Darius Sungit..." Basa ko sa mga pangalan namin na nasa contacts niya, siraulo talaga. "Ano yung sa akin?" Tanong naman ni Ashton.
Tangina Hahahahhaha! Inabot ko sa kanya ang cell phone ni Clement para siya ang magbasa.
"Fafa Ashton." Basa nito at nagsimula na naman kaming tumawa. May ginawa muna ito sa cell phone bago ibalik sa akin. Pinalitan niya yung pangalan niya.
Hinayaan na muna namin magpahinga si Clement. Si Isiah na ang nagasikaso sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay ng kotse.
Pumunta muna ako sa convenience store para bilhan ng pagkain 'yung babaeng may dalaw. Mamaya ako pa ang pagtripan 'non.
Era's Pov
"Hubby... tara na!" Tawag ko kay Neon na nasa loob ng walk-in closet.
Kanina ay pumunta kami sa Louvre Museum at ngayon naman ay pupunta kami sa Eiffel Tower! Pagkatapos ay didiretso kami sa Dinner Cruise.
Tinitingnan ko ang mga pictures namin ni Neon, madami na din ito at parang mapupuno agad ang photo album. Pero wala pa akong nabibili, siguro pagkauwi na lang namin sa Pilipinas. Tinago ko na ito at dadalhin ko ulit 'yung camera ngayon syempre para madagdagan ko pa yung pictures namin! Hehe.
I'm wearing a red dress and black stilettos. Sabi kasi ni Neon ito ang suotin ko eh, at dahil masunurin ako, edi sinuot ko! Mamaya iwan niya ako dito kapag hindi ko 'to sinuot. Hindi pa naman ako marunong umuwi.
"Happy anniversary!" Bati ko kay Neon ng makalabas ito. Tumawa ito bago lumapit sa akin at halikan ako sa noo.
"Happy anniversary, wife..." Sabi nito bago ako yakapin.
Siguro ika-sampung bati ko na 'yon kay Neon sa araw na 'to. Pero bumabati naman siya pabalik, kaya okay lang. Babatiin ko pa ulit siya mamaya at hindi ako magsasawa! Hehehe.
"Let's go." Sabi nito kaya naman lumabas na kami ng hotel.
Malamig ang hangin na dumadampi sa aking balat. Ang magagandang ilaw na bumubuhay sa gabi ay pagkatingkad. Masaya ako dahil siya ang kasama ko at makakasama ko sa lahat ng pagsubok dito sa mundo.
Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko pagkababa namin ng sasakyan.
"Hubby? Okay ka lang?" Tanong ko dito. Para kasing hindi siya mapakali at panay pa ang lingon niya na para bang may hinahanap. "Yeah..." Sagot naman nito sa akin bago tignan ay relo niya.
"Let's go..." Sabi nito bago ako dalhin sa harap ng Eiffel Tower kasabay nito ang pagsisimula ng fireworks. Napadako ang tingin ng lahat ng tao dito, ang iba ay kinuhanan pa ito ng litrato. Lalong nagpaganda sa malamig na gabi ang tanawin na ito.
Bumalik ang tingin ko kay Neon na ngayon ay nakaluhod na sa harap ko!
"Hubby! Tumayo ka nga dyan..." Sabi ko dito. Aalalayan ko na sana siyang tumayo pero pinigilan niya ako. May kinuha siya sa bulsa niya at tinanong ako.
"Wife, will you marry me? Again..." Tumulo ang luha ko dahil sa nakikita ko ngayon. Tunay ang mga ngiti niya sa labi, kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya. Kami na ang sentro ng atensyon ngayon, kami na rin ang kinukuhanan ng litrato ng mga tao.
"Yes..." Sagot ko kay Neon at isinuot sa akin ang sing-sing. Agad itong tumayo para halikan ako at yakapin. Ang saya ng araw na 'to at lalo pang sasaya ang araw-araw ko dahil siya ang kasama ko.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband
ActionNeon Pendleton, the king of mafia organization. Kaya niyang pumatay ng tao ng hindi nagdadalawang isip. May sarili din siyang grupo, The Castellum, binubuo ng pitong lalaki na may pinaka mataas na ranggo sa mundo ng mafia. Paano kung mapangasawa niy...