Era's Pov
Bigla akong bumaba sa lababo dahil hindi ko talaga ito maabot, agad kong inayos ang suot ko na damit at itinuon ang pansin ko sa dala kong bag. Kunwari ay may hinahanap ako sa bag ko ng makita ko na sumilip si Cyruz sa pinto.
Pasimple kong tinignan ang bintana at nakita na may harang na ulit ito, at wala na si Neon.
Baka nagalit na akin yon! Wahhhhhh! Nagsisisi siya na ako yung asawa niya kasi hindi ko abot yung bintana!
Nagdesisyon ako na lumabas na ng bayo. Nandoon pa din siya sa tabi ng pinto kaya kunwari ay nagulat ako at tinanong siya.
"Anong ginagawa mo 'dyan?" Takhang tanong ko. Ngumiti lang ito bago lumapit sa akin.
Pagkatapos ko nga dito mag a-apply na akong artista. Panigurado matatanggap agad ako, ang galling ko umarte eh. Isasama ko din sila Neon, para naman magkaroon sila ng ginagawa, nitong mga nakaraang araw kasi lagi na lang tambay sa bahay kasama yung anim, kala mo walang mga kompanya na pinapatakbo eh.
"Nothing, let's go?" Sabi nito at sumunod na ako sa kanya.
Sinabi ko sa kanya na gusto ko maglakad lakad sa labas,bawat madadaanan mo kasi may mga nagtitinda kaya magugustuhan mo talaga na tumingin tingin at mamili ng kung ano-ano. Hindi kalayuan sa amin ay ang park, maraming tao dito at mga batang naglalaro, meron din nagtitinda ng cotton candy! Bibili nga ako mamaya.
Habang naglalakad kami ay naramdaman ko ang kamay ni Cyruz sa baywang ko kasabay 'non ay ang sigaw ni Clement na narinig ko sa earpiece. Anong nangyari? Hindi ko naman sila maintindihan dahil ang ingay nilang lahat.
Ryker's Pov
"Where is she?" Tanong ko kay Neon ng makabalik siya sa van.
"Still inside, the window is too fucking high, she can't reach it." Paliwanag nito sa amin bago umupo sa driver's seat.
Maya-maya ay nakita na namin sila na lumabas at naglakad-lakad.
"Ang sweet naman nila!" Asar ni Kace kay Neon na masama na ang tingin sa dalawang tao na pinapanood namin.
Natulala na lang kaming lahat ng makita namin ang kamay ni Cyruz na dahan-dahan pumunta sa baywang ni Era.
Tangina!
Tumingin ako kay Neon at nakita ang nanlilisik na mga mata nito. Agad niyang binuksan ang engine ng sasakyan at mabilis na pinaandar kaya naman nataranta kami lahat.
"Neon, dahan-dahan!" Sigaw ni Dustin habang mahigpit na naka kapit sa seat belt niya. "Putangina gusto ko pa mabuhay!" Sigaw ni Clement habang tinatakpan ang mata niya.
"Neon! Baka mapansin tayo ng mga tauhan ni Cyruz." Wika ni Darius na nagpa kalma dito. Unti-onti bumagal ang galaw ng van kaya nakahinga kami ng maluwag.
"Tangina!" I hissed while catching my breathe.
"Putangina talaga!" Bulong naman ni Clement na nasa tabi ko. "Kala ko mamamatay na ako, mas nakakatakot pa 'yon kaysa makipag barilan."
Hindi kami pinapansin ni Neon. Kinuha niya lang ang speaker kay Kace para kausapin si Era.
"Wife, see that crowded area? Go there, pasimple ka na humiwalay kay Cyruz." Matiim na sabi nito.
Ginawa naman ni Era ang sabi ng asawa t pumunta sa sila park kung saan maraming tao.
Era's Pov
Dahan dahan ako na humiwalay kay Cyruz. Narinig ko pa na tinawag niya ako, hindi niya ako maabutan dahil maraming tao at nakakabanggaan niya ang mga ito. Kunwari ay tumitingin tingin ako sa mga paninda dito para hindi niya mahalata na tumatakas ako.
"Now,run!"
Rinig ko na sabi ni Neon kaya agad-agad akong tumakbo.Diniretso ko lang ang daan at hindi ko alam kung saan ito papunta.
Siguro naman ay nakalayo na ako kay Cyruz! Ang bilis ko kaya tumakbo!
May tumigil na van sa harap ko at bumukas ito.
"Hello!" Bati ko ng makita ko sila Ashton sa loob.
"Wife, hurry up." Sabi ni Neon na nasa driver's seat.
Agad-agad akong pumasok sa loob at umalis na kami.
Si Kace ang nasa naka upo sa harap kasama si Neon. Sa kanan ko ay si Darius, sa kabila naman ay si Dustin. Sa likod naman namin ay si Clement at Ryker.
Pagkadating namin sa bahay ay agad na ginamot ni Neon ang sugat ko. Habang tumatakbo kasi ako kanina ay nadapa ako, pero okay lang, mabilis naman ako tumakbo. Pero ang hapdi ng sugat ko.
"Aray!" Daing ko habang pinupunasan ni Neon yung sugat ko. "Sorry..." Sabi nito at nagpatuloy.
Nakita ko naman na nagsipasukan na sila Ryker kasama si Ciane. Nagsimula na sila mag ingay at mangulit.
Ashton's Pov
"Let's go?" Tanong ko kay Porsha.
"Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila Neon. Balak sana namin sa sorpresahin sila dahil matagal din kaming hindi nagkita. Pagkatapos ng human auction ay sinamahan ko muna si Porsha sa Royal University, marami kaming tinapos at inayos doon. Kasama din namin si Brix at Azra ngayon.
"Long time no see!" Bati ni Clement sa akin pagkapasok namin sa loob. Sunod sunod na din silang lumapit sa amin para kumustahin.
Nandito din kami para sabihin kay Neon ang magaganap na underground transaction at kasama doon si Mr. Richard Jones. Isa sa mga taong may malaking utang kay Neon.
Nagpaalam si Porsha na magluluto na muna sila ng lunch at sumunod naman sa kanya si Era.
"Anong nangyare kay Era?" Tanong ko kay Neon. "Clumsiness..." Sagot nito.
Nagsimula na kaming pagusapan ang plano tungkol sa underground transaction na magaganap.
Era's Pov
Tinawag ko na sila Neon para makakain na kami. Mukhang seryoso yung pinag uusapan nila ah, naka kunot lahat ng noo nila eh.
Habang kumakain kami ay pinaguusapan pa din nila 'yon.
"About 'don sa underground transaction. Kami na ang bahala ni Porsha sa mga tauhan niya. Ikaw na ang bahala kay Jones." Sabi ni Ashton kay Neon.
"Wife..."
Nandito pa din kami sa kusina. Hindi ko na lang sila pinapansin. Kasi naman nakain na nga eh ang ingay ingay pa nila. Edi sana tapusin muna nila yung pagkain bago sila mag daldalan.
"Wife."
Nakain na ako ng dessert, pero sila nakain pa din ng kanin! Paano sila matatapos eh ang bagal nila, ang daldal pa.
Tsk! Bahala kayo mag hugas ng plato!
"Wife!"
"Ano ba problem among pogi ka?" Tanong ko dito. Natawa pa ito bago mag salita.
"You're coming with me." Sabi nito na may ngisi sa labi.
Eh?
"Bakit hubby? Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Underground transaction." Seryosong sagot naman nito.
Humayghad!
"Paano kung nandoon si Cyruz?" Muling tanong ko dito.
Mahirap kasi tumakas eh! Ang hirap din um-acting. Wala naman talaga akong balak mag artista! Kaya ayaw ko na.
"That's why you have to disguise yourself as a man."
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband
ActionNeon Pendleton, the king of mafia organization. Kaya niyang pumatay ng tao ng hindi nagdadalawang isip. May sarili din siyang grupo, The Castellum, binubuo ng pitong lalaki na may pinaka mataas na ranggo sa mundo ng mafia. Paano kung mapangasawa niy...