Pusa Gang
Era's Pov
Andito ako ngayon sa ospital at hinihintay na lang na matapos ang schedule ko.
Habang naghihintay ako naisipan kong maglakad lakad muna. Oo nga pala hindi ko pa rin nakikita si Ace hanggang ngayon.
Naghahanap na kaya siya ng bagong kaibigan? Paano naman ako? Palitan ko din kaya siya? Kaso sinong ipapalit ko? Yung pusa sa kanto at ang kanyang mga kaibigan kaya?
May nakita akong isang matandang babae na nagbubuhat ng mga box at iba pa'ng gamit papunta sa isang kwarto kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Hello po! Tulungan ko na po kayo dyan." pag presinta ko dito.
"Naku ma'am! Wag na po, nakakahiya sa inyo." pagtanggi nito sa akin na may kasama pa'ng pag-iling.
Madali naman akong kausap kaya nga lang makulit din ako kaya naman-
"Sige na po, tulungan ko na kayo! Nasaan po ba yung iba?" tanong ko at luminga-linga sa paligid upang hanapin ang pinag-kukuhanan niya nito.
Hindi na siya nakipagtalo pa sa akin kaya naman tinuro niya yung gilid na may nakatambak na mga box at iba pa'ng mga kagamitan.
Lumapit ako doon at tinignan ito isa-isa. Ano kayang laman nito?
Humayghad! Hindi naman siguro! Mukha naman mabait yun matanda eh. Hindi na ako nag-isip ng kung ano-ano at tumulong na lang.
Bubuhatin ko na sana yung isang box ng may nabasa ako kaya bigla ko itong nabitawan at bumagsakAno ba naman yan! Paghahanapin pa ako nitong box na 'to. Paano kung nagmamadali na pala si yung matanda tapos hindi pa siya makapaghanap? Masyado ng nang aabuso itong box na ito! Pambihira!
Habang naghahanap ako may nakita akong magandang babae na naglalakad at mukhang may hinahanap.
Baka siya na nga yon!
"Ahm miss ikaw ba si Care?" tanong ko sa kanya na lumingon pa siya sa paligid at nagtatakha kung siya ba ang kinaka-usap ko.
"Ah hinde e." sagot niya sa akin. "Eh? Pero kilala mo siya?" tanong kong muli. "Hindi rin eh." muling sagot niya
Aish!
"Ano ba yan. Paano ko kaya mabubuhat yung mga box?" takhang tanong ko. Maghahanap nalang ako ng may pangalan ni Neon para madali. Aalis na sana ako ng magsalita ulit siya.
"Bakit? Mabigat ba? Kung gusto mo tulungan kita." pag p-presinta niya at lumapit sa akin.
"Ah hindi naman po mabigat kaso sabi, handle with Care daw." sabi ko at tumawa siya.
Eh? Baliw ata ito eh, kaya siguro siya nandito sa ospital.
"Pffft! I can help you naman kung gusto mo, saan mo ba dadalhin iya-
Natigil ito sa pag-sasalita ng biglang tumunog ang hawak nitong cellphone at sinagot naman niya ito.
"Sorry miss, I need to go! It is nice meeting you. Hope to see you around! Bye!" sabi nito at umalis na.
Sabi niya tutulungan niya ako? Bakit siya aalis?
"Ma'am, maraming salamat po talaga." sabi ng matanda at inilapag ko ang pinakahuling kahon sa loob ng kwarto. "Walang anuman po." tugon ko dito.
Humayghad! Ang sakit pala sa balakang 'non. Habang naglalakad ako para kuhanin na ang gamit at makauwi na may naka salubong akong lalaki.
Taga dito ba siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita?
"Hello! Dito ka nag-t-trabaho?" agaw ko ng atensyon dito. "Uhm intern po ako." sagot nito sa akin. "Intern!? Wahhh hello! Ako nga pala si Era, doktor ako dito." pakilala ko at nakipag-kamay sa kanya.
"H-hello, ako po si Alex." sabay ngiti nito sa akin.
Bihira lang kasi magkaroon ng intern dito kaya tuwang-tuwa ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero madalang talaga silang mag assign na ospital na ito. "Hindi ka pa uuwi?" tanong ko dito. "Hindi pa po eh, mamaya pa po ako."
"Ganon ba? Sige una na ako, bye bye Alex!" paalam ko dito. "Sige po! Ingat!"
Gusto ko pa sanang makipag usap sa kanya pero kailangan ko ng umuwi! Gutom na ako tsaka ba'ka hinahanap na ako ni Neon.
Bumaba na ako ng kotse at kinuha ang susi ng gate para buksan ito pero napatigil ako ng makita na wala ng kandado ang gate at nakabukas na.
"Eh? Bakit bukas 'to?" takhang tanong ko sa sarili. Hala! Hindi kaya nakapasok na dito ang pusa at ang kanyang mga kaibigan?
Humayghad! Kailangan ko ng tawagan si Batman! Kaso ang layo niya. Ako na nga lang!
Pumasok na lang ako at ni-lock ang gate. Habang naglalakad ako palapit sa pintuan ng bahay ay may naririnig akong ingay.
"Hoy! Akin na nga yan! Ako naman!" sigaw ng isang boses ng lalaki. Nagsasalita yung pusa!?
"Wait! Just wait! Mananalo na ako e!" sigaw naman nung isa. "Akin na sabi eh!" sigaw uli ng lalaki.
Binuksan ko na yung pintuan at pumasok ako sa loob para lang makita ang limang lalaki ng nagkukulitan sa sala. "Eh? Sino kayo?" tanong ko sa kanila.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong sala. Magulo ito, kalat dito, kalat doon. Tinignan ko yung limang lalake na naka tulala lang sa aki-
Humayghad! Agad-agad akong umakyat at pumunta sa kwarto ni Neon.
"Neon!" sigaw ko ng makapasok ako sa kwarto niya. "Hey! What's wrong?" alalang tanong niya sa akin.
"Ah hehe! K-kala ko kasi na rape ka na eh." sabi ko sa kanya at napa kamot sa ulo. "Huh?" tanong nito at binigyan ako ng takhang tingin.
"Meron kasing limang lalaki sa baba pagkapasok ko ng bahay, ang kukulit nga nila eh!" pagpapaliwanag ko sa kanya. "What? They still there?" gulat na tanong niya sa akin.
"Sino Neon? Yung limang lalaki?" balik na tanong ko sa kanya. "Yeah." sagot nito.
"Oo! Kilala mo ba sila?" hindi niya na sinagot pa ang tanong ko at naglakad na palabas ng kwarto kaya naman sumunod lang ako sa kanya. Hindi kaya tauhan ng pusa yung limang lalaki at nilason nila ang utak ni Neon?
Hindi pa man kami tuluyan na nakaba-baba ng hagdan ay sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin ni Neon
"Go to your room and lock it!" pagkasabi 'non ni Neon ay agad na akong tumakbo papunta sa kwarto ko kahit na hindi ko alam kung bakit at kung ano ang nangyayari, pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay may humigit na sa akin pa lapit sa kanya.
"Kuyang semento?" gulat na tawag ko kay kuyang semento na nasa harapan ko ngayon.
Humaydhad! Siya ba ang lider ng mga pusa!?
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband
ActionNeon Pendleton, the king of mafia organization. Kaya niyang pumatay ng tao ng hindi nagdadalawang isip. May sarili din siyang grupo, The Castellum, binubuo ng pitong lalaki na may pinaka mataas na ranggo sa mundo ng mafia. Paano kung mapangasawa niy...