Era's Pov
Sinamahan ako ni Cyruz sa isang sementeryo. Sabi ko kasi na gusto kong pumunta sa burol ni Neon pero nailibing na daw ito at dito nga 'yon.
Sila Clement kaya? Kumusta sila? Sana walang nangyaring masama sa kanila.
"Wahhhhhhhh! Neon! Bakit mo ako iniwan!" Iyak ko kasabay ng pagluhod ko sa lupa.
Clement's Pov
"Nasaan na ba sila?" Tanong sa akin ni Dustin. Hindi ko na ito pinansin dahil kanina pa ito nagrereklamo, nakakairita na.
"Huwag kang maingay! Nandyan na sila." Bulong ni Kace dito.
Nandito kaming anim sa sementeryo kung saan pupunta sila Cyruz. Sasabihin nito na patay na si Neon para maging sa kanya na si Era. Naglakad sila palapit sa isang lapida na may pangalan ni Neon.
"Gagawin talaga lahat para pabagsakin si Pendleton." Saad ni Darius habang pinagmamasdan ang ginagawa ng dalawa.
"Don't worry, hindi 'yon babagsak." Paninigurado ni Ryker dito.
Nagsimulang umiyak si Era at lumuhod sa lupa, inalalayan naman ito ni Cyruz at binigyan ng panyo.
Tinignan ko ang humahagikhik na si Kace sa tabi, kahit kailan sira talaga ulo nito. Buti na lang at nasa loob kami van at pinapakinggan lang namin sila gamit ang voice recorder na nilagay namin kanina sa gilid ng bato katabi ang lapida.
Neon's Pov
"Wife..." Bulong ko dito habang ginigising siya. "Hmm?" Iminulat nito ang mata at umayos ng higa.
"Wahhhhhh! Hubby! Nasaan tayo?" Tanong niya ng mapansin na nasa ibang kwarto kami.
Alam kong kukuhanin siya ni Cyruz pagkatapos ko siyang iwan kahapon sa auction at dadalhin dito.
"Huwag kang maingay. We're here at Cyruz's house." Paalala ko dito. "Ha? Anong ginagawa natin dito? Wala na ba tayong bahay?" She asked. "We have a lot of house. You're just here for acting." Paliwanag ko.
"Hubby, hindi pag-acting ang kinuha kong trabaho-
I cut her bago pa humaba ang sermon niya.
"You need to act like you don't know anything-
"Eh hindi ko naman talaga alam ang nangyayari eh! Niloloko mo ba ako?" Sabi nito.
"No! What I mean is, huwag mong sabihin kahit kanino na nag-usap tayo. Hindi ko na alam kung ano pa ang binabalak niya but I'm sure that he will use you to kill me, so he can have my throne and own you." Pagpapaliwanag ko dito.
"Tapos?" Tanong nito bago nagpatuloy sa pakikinig.
"Kunwari ay maniniwala ka sa lahat ng sasabihin niya. Pero hindi niya alam na siya na pala ang niloloko natin. We will trap him. Naglagay ako ng tracker sa likod ng ngipin mo para ma trace kita. Don't remove that, okay? Also here..." Sabi ko bago iabot sa kanya ang maliit na ear piece. "Put that in your ear, so you can hear us when we say something."
"Kailangan ba talaga ganito?" She asked.
"Kahit ako ayaw ko gamitin ka para dito, pero ito yung pinaka madaling paraan. I'm sorry."
"Hindi ba pwede na si Clement na lang? O kaya si Kace! Si Ryker! Si Ashton-
"They're not you..." Sagot ko dito. "Sige na nga!" Pagsuko niya.
"Wife, I need to go." Paalam ko at tumayo na.
"Hubby! Bakit 'dyan ka dadaan sa bintana? May pinto kaya! Nagiging tanga ata tayo, Neon ah."
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband
ActionNeon Pendleton, the king of mafia organization. Kaya niyang pumatay ng tao ng hindi nagdadalawang isip. May sarili din siyang grupo, The Castellum, binubuo ng pitong lalaki na may pinaka mataas na ranggo sa mundo ng mafia. Paano kung mapangasawa niy...