ATS - 52

2.5K 48 4
                                    

"Who did this to you?! Kilala mo ba? Bakit mo hinayaang mabuntis ka!" Naghihisteryong sigaw ni Mama sa'kin, nakatulala lamang ako sa kaniya, pinagmamasdan siya habang pinipigilan siya ni Kuya Dylan.

"Ella, sit down, please. You look pale, are you alright?" Tanong ni Kuya na agad namang pinatungan ni Mama ng masasakit na salita.

"No, she's not alright because a pest is living inside of her! Kanino ka lumandi?! Ang kapal ng mukha mo, hindi kita pinalaking ganiyan!"

Mariin kong pinikit ang mga mata kopara pakalmahin ang sarili at ayusin ang mga nagka buhol buhol na iniisip. Si Papa ang sumagasa kila Bryan noon? Bakit sabi ni Grace na iyun ang totoong rason kung bakit ako iniwan ni Papa? Akala ko ba'y nambabae siya?

Nakawala sa hawak ni Kuya si Mama kaya mabilis siyang lumapit sa'kin at tinulak ako. Hinawakan ko agad ang aking tiyan upang protektahan ito.

"What will your grandparents say to us after they've learned what happened to you? Oh my god, Mama will be angry! Hindi ka ba nag-iisip, Ella, bago ka magpatira kung kani-kanino?!"

"Ma, huminahon ka nga. Can't we just ask a nurse to check on Ella! She's so pale for fuck's sake."

Kuya bursted. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko, dinilat ko ang mga mata ko at nagtama ang aming mga paningin. Kalamado siya ngunit bakas ang pag-aalala habang si Mama naman ay halos mahimatay na dahil sa sobrang galit.

"Sinong nakabuntis sayo?! Sino ang putang ina lalakeng iyun?!" Sigaw ni Mama.

"Si Bryan. Bryan na inaanak niyo po ang nakabuntis sa'kin. Siya ang ama ng anak ko."

Hindi ko alam kung bakit na-estatwa at nanlalamig ang katawan ni Kuya. Umiwas siya ng tingin sa'kin habang si Mama naman ay mas lalong nagliyab. Their reactions made me confused and so tired. Hindi ito ang inaasahan kong magiging ekspresyon nila.

"That useless Trevino? Hindi ba't namumuhay na iyun bilang Lucas Alvarez? Hinabol mo pa din?"

Nanlisik ang mga mata ko nang tumingin kay Mama. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Kuya at lumapit sa kaniya.

"Y-you knew? You all knew where he was all this time tapos hindi niyo man lang sinabi sa'kin, bakit?" My voice almost cracked. Mama rolled her eyes and Kuya tried to reach my shoulders but iniwas ko iyun. I took a deep breath.

"Did you know that Papa's the one who hit him?"

The silence invaded our space that's my cue to cover my mouth and cried so hard. Silence means yes, silence means fucking yes! They freaking know it! Wala akong ka-alam alam na sariling pamilya ko pa ang nagtago ng katotohanan sa'kin.

"Why?! Why did you do that?!" I shouted at them.

"Because he's the reason why you're father left me! He's the reason why I suffered in the hands of alcohol and depression kaya hindi ko puwedeng sabihin sa'yo ang tungkol sa kaniya dahil ayoko! Ayoko sa batang sumira ng pamilya na'tin!"

"You're crazy! It's just an accident! Walang may kasalanan sa nangyari, siya na nga itong nasagasaan, nawalan ng buhay, siya pa ang sinisi mo sa pag-alis ni Papa! That's not the reason, Papa cheated on you! Huwag mong ilabas ang galit mo kay Bryan!"

Lalapit sana si Mama sa'kin ngunit pinigilan siya ni Kuya. Unting-unting bumuhos ang luha ni Mama and it pains me to see her cry, her cries made me shiver and brought me back to my deepest darkest memories where she'll always whimpers while drowning in alcohol.

"Kung hindi siya tumakbo ng biglaan, hindi siya masasagasaan. Hindi sana ma-gu-guilty ang Papa mo't hindi sana niya tayo iiwan." Nanalilisik na sambit niya sa'kin.

Above The Sky [Kismet Series One | Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon