ATS - 54

2.4K 49 5
                                    

"Ella, push! Push, Ella, kaya mo iyan!" Sigaw ni Ate Alicia sa'kin.

"AAAAHHHH!" My voice thundered in the four corner room.

The hard cramping in my abdomen to my back make my soul and my whole body taste the true torture of childbirth. Hindi ko na halos magalaw ang buong katawan ko at tanging ulo na lamang at paghinga ko ang aking na-co-control. These contractions made me want to die and just live in fantasy.

Bryan. I need Bryan. Hindi ko kaya ito. This is a mistake. Hindi ko dapat siya tinulak palayo. Hindi ko kaya ito, wala na akong lakas, please, Bryan, dumating ka.

"H-hindi ko na kaya-a.. Pa-pa.. A-Ate.." hingal na hingal kong sigaw sa aking ama na nagpapaanak sa'kin at sa asawa ng aking kapatid na sinasamahan ako ngayon.

"You can do it, Tequila needs you, okay? You can't give up, Ella! PUSH!" Ani Ate Alicia.

"Sweetie, kaya mo iyan. Matapang ka, lumaban ka." Sambit ni Papa and that's my cue to fight again and push.

I can't give up. I need to push. Kailangan kong ilabas si Tequila dito dahil unti na lamang ang panahon na maaaring makatakas kami. My two older brother and Papa planned that in the day of my labor is the best day to escape.

Wala si Lola ngayon, nasa Germany para kausapin muli ang mapapangasawa ko, she left us here clueless about what's happening, ang sinabi ko sa kanilang dalawa ni Mama na sa susunod na buwan pa ang panganganak ko at naniwala naman sila. Hindi ko alam kung nasaan si Mama.

Lahat ng guards sa bahay ay wala dahil pinaalis ito ni Kuya Dylan. He has the control over them as he gain Lola's trust these past two months kaya hinayaan siya ni Lola na kontrolin ang security.

Kaya pala hindi niya ako tinatakas agad noon ay dahil may plano siya. If Kuya Dylan tried to help me before, alone, kaming dalawa ang mapapahamak at mas mahihirapan siyang itakas ako sa susunod na subok niya.

He called Dad to gave birth to me and Kuya Darren as my driver, siya ang magtatakas sa'ming dalawa ni Tequila patungo sa isang bungalow malapit sa airport. Siya daw ang bahala kay Lola once na makaalis kami. He said that I should leave the company matters in his hands. He's the current Chairman of El Ensueño Hotels and The president in the HEDEZ Inc, Lola is just a useless loud woman at the corner.

Asawa siya ng dating may-ari ng hotel kaya tinitingala pa din siya ngayo ngunit Kuya Dylan said thay it's her time to know her place. Hindi ko alam kung anong gagawin nila ni Kuya Darren sa kaniya.

Bawat tulak ko sa aking anak palabas sa'kin ay ang pagtulo ng luha, pawis at dugo ko. Parang hinahatak lahat ng laman loob ko palabas ng aking katawan, pilit tinatanggal sa posisyon kung nasaan sila. Gusto ko nang sumuko at matulog ngunit pilit kong nilalaban ang pagod at antok.

Bryan's smile and my Tequila invaded my vision. I need to fight for them. I need to fight for myself! Gusto kong makita ang anak ko, samahan siyang lumaki at ibuhos ang pagmamahal ko sa kaniya.

"PUSH!" Ate Alicia once said and using my all strength, I use my final blow at sa pagitan ng isang hininga naming lahat. A crying baby came out from womb into this world. Bumagsak ang katawan ko sa kama at unting-unting umayos ang aking paghinga.

"It's a boy.." Papa's soft voice gives the sign to my tears to fall down. I saw Ate Alicia covered her mouth before looking at me.

"You did it, Ella. You're such a brave woman. Oh my god, Congratulations!"

Hindi ako nakapagsalita at tanging ngiti lamang ang naibigay ko sa kaniya. Lumunok ako para basain ang natutuyong lalamunan ko, the flickering pain in my lower body has been overpowered with joy as papa walks towards me with my baby in his hands covered with white cloth.

Above The Sky [Kismet Series One | Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon