CHAPTER 7
"Sword" Wika ko
Parang isang excited na bata na kinuha ni Kaizer ang kulay pulang Bracelet at sinuot. Kinuha rin ni Elaine at Jessica ang dalawa pang natitirang bracelet. Tulad ng kay Yoona mga espada na rin ang hawak nila ngayon.
"This must be for you" Wika ni Kaizer at kinuha ang singsing at iniitay na ibigay ko ang kamay ko.
Nakangiting inabot ko sakanya ang kamay ko at isinuot nya sakin ang singsing.
"Bakit walang nangyayari?" Tanong ni Jessica habang nakatitig sa daliri ko
Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko din naman alam kung bakit
"Mukang naiintindihan ko na ang ibang bagay" Wika ko
"Simula ng buksan ko ang librong 'to maraming mga bagay ang bigla na lang pumasok sa isip ko,Bawat pagbuklat ko sa pahina ng libro,May mga bagay ang pumasok sa isip ko. Hindi ko lang pinansin ang mga ito dahil baka kung ano lang,Pero ngayon,Naiintindihan ko na ang bawat detalye sa isang bagay..."
Simula nang buksan ko 'to. Isang pamilyar na pakiramdam ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay nabubuo ako sa hawat detalyeng napasok sa isip ko.
Muli kong binuksan ang libro kung saan nakalarawan ang Tatto ni Yoona
"Release" Bigkas ko
Lumutang ang imahe ng Tattoo na iyon sa pagkakataong ito hindi ito lumapit kay Yoona,Pumasok ito sa isip ko,
Nakakahilo man,Pinilit ko pa ring intindihin ang mga kasagutan sa mga tanong ni Yoona.
"Yoona,Hawak mo ang Elemento ng tubig. Sinlinaw ng tubig ang paningin mo,Singlawak ng karagatan ang Isip mo,Hayaan mong gisingin ko ang Elemento mo" Wika ko at inilahad ko ang kamay nya ibinigay nya naman ito sakin.
Ilang sandali lang bigla na lang syang napahiga. Napatayo ang magulang nya.
"Okay lang sya" Wika ko at inilipat sa kasunod na pahina. Tulad kanina pumasok din sa Isipan ko ang ilang mga bagay.
"Jessica,Hawak mo ang Elemento ng hangin,Singgaan ng hangin ang katawan mo,Haninga mo'y kakaiba,Maaring magpalipad sa ibang bagay o tao" Wika ko at inilahad din ang kamay ko,Tulad nang nangyari kay Yoona ay nawalan din sya ng malay.
"Elaine,Hawak mo ang elemento ng lupa,O ng kapaligiran,Kaya mong paghilumin ang sugat sa katawan mo pati na rin sa ibang tao,Malakas ang pandinig mo at nakakabas ka ng isip ng tao" Wika ko at hinawakan ang kamay nyang nakalahad na sakin.
"Kaizer,Hawak mo ang elemento ng apoy,Ha---"Naputol ang pagsasalita ko ng maisip ko kung ano ang kaya nyang gawin.
"Kizer,Hawak mo ang elemento ng apoy,Halik mo'y nakakabuhay,May kakaibang lakas,Mainit mong katawan ay kayang magpalit ng wangis" Halos mamula mula ang muka ko dahil sa sinabi ko. Nakita ko syang nakangisi at kinuha nya ang kamay ko kasabay non ang pagkawala nya ng malay.
Tapos na,Nakaramdam ako ng matinding sakit sa ulo. Bigla na lang akong natumba sa sahig at nawalan din ng malay knowing that the time I open my eyes,The new beginning of my life will start.
***
"Magigising din sya,Napagod lang talaga sya"
"Haiyy!!"
Dahan dahan kong minulat ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Valet.
"Gising na sya" Napatingin ako sa nagsalita,Si Yoona.
"Ayos na ba ang pakirdam mo?" Tanong sakin ni Nanay Lourdes na nasa tabi ko pala.
"Opo" Sagot ko at naupo sa gilid ng kama ko.
"Aalis na ba tayo?" Tanong ko kay Valet
"Kung ayos na ang pakiramdam mo" Wika nya
"Ayos na ako" Wika ko
"Kung gayon magpaalam na kayo,Iintayin ko kayo sa baba"Wika nya
Agad kong niyakap si Nanay Lourdes ng mahigpit.
"Nanay Lourdes salamat sa lahat,Sa lahat nang nagawa nyo para sakin" Naiiyak na wika ko
"Yvonne,Nagpapasalamat din ako at naalagaan ko ang napakabait at napakagandang si Yvonne Claire Guadicile" Nakangiting wika nya sakin at marahang hinaplos ang buhok ko.
"Thank You talaga nay Lourdes. Pangako babalik ako" Wika ko
"Halika na sa baba" Wika nya at inalalayan ako palabas ng kwarto hanggang sa makababa kami sa hagdan. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakahanay sa likuran ni Valet at ako na lang ang kulang.
Mahinang tinulak ako ni Nanay Lourdes para sabihing sumama na ako.
Sa kahuli hulihang pagkakataon ay nginitian ko si Nanay Lourdes bago kami tuluyang lamunin ng liwanag na nangagaling kay Valet.
Sa isang kisap mata ay nandidito na kami sa gitna ng kagubatan.
"Nasan na tayo?" Tanong ni Jessica
"Sa aking tirahan" Wika nya at naglakad papunta sa dalawang magkasandal na puno. Pagkalpas nya ay bigla na lang sya naglaho.
Nakita kong nagkibit balikat si Jessica at sumunod sa pinuntahan ni Valet at naglaho din. Wala na kaming nagawa kung hindi ang pumasok din 'don. Bumungad samin ang napaka gandang hardin at may kama sa gilid nito .
"Valet?Ano ka ba talaga?" Tanong ko
"I'm a fairy" Wika nya at kasabay non ang pagiba ng kanyang kasuotan at napaltan ito ng mahabang dress na Violet pa rin.
"Diwata? Pero ayon sa aklat nakatira ang mga Diwata sa gitna ng apat na kaharian?" Takang tanong ni Yoona.
"Dalaga pa lang ako umalis na ako sa tirahan na iyon dahil sa kasalang nagawa ko" Wika nya sa malungkot na tinig.
"Kasalanan? Anong kasalanan?" Tanong ko
"Naiwala ko ang sanggol na isinilang sa Flower of Life" Wika nya habang nakatalikod.
"Ang Elemetal Princess?" Tanong ni Elaine
"Oo" Wika nya
"Nakita mo na ba sya?" Tanong ko
"Oo,Lagi ko syang binabantayan sa Malayo,Tinutulungan sa kapahamakan" Wika nya
"Nakita mo na pala sya eh,Bakit hindi mo sya ibalik sa mga kapwa mo diwata?" Wika ni Kaizer
"Ang totoo nyan,Ibabalik ko na sya sa mga diwata" Nakangiting wika nya
"Pero matatagalan" Dugsong nya
"Bakit?" Tanong ni Jessica
"Hindi ko alam kung kaya pa ba nila akong tanggapin muli sa Fairies Colony matapos ang kasalanan na nagawa ko noon"Malungkot na saad nya
"Hindi porket nakagawa ka nang kasalan ay wala ka nang karapatan na bumalik sa pinanggalingan mo. Nagkusa kang umalis sa tirahan nyo at hindi ka nila pinaalis" Wika ni Yoona
"Pero alam kong galit sila sakin ngayon-"
"Paano mo nagagawang paniwalain ang sarili mo na galit sila sayo gayong wala ka namang ibidensya na nagpapatunay na ayaw ka na nilang bumalik"
Natahimik silang pareho. Nagkatinginan naman kami dahil sa sinabi ni Yoona. Madalas kasing tahimik yan at sinasarili ang ibang bagay.
"Sandali lang,Nasan nga pala sya?" Curious na tanong ko at para na rin putulin ang katahimikan kaya napatingin din sila kay Valet at nagiintay ng sagot
"Ikaw?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
What the heck!?
"Me? Elemental Princess?"
_________________________________________________
[Edited]
Vote and Comment are highly appreciated.
Follow me on Wattpad and read my other works.
![](https://img.wattpad.com/cover/111407330-288-k483938.jpg)
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasyIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...