Yvonne POV
"Sigurado ba kayo na dito ang daan?" Tanong ko dahil kanina pa kami natakbo
"Sigurado ako doon dahil dito ako dumaan noon upang makatakas sakanila" Wika pa ni Fuchsia kaya napakunot ang noo ko
"Dinakip nila ako noon nang bata pa ako upang gawing tagapagsilbi ngunit hindi iyon natuloy dahil tumakas ako at tanda kong dito ako dumaan papalabas sa Bulwagan nila kung nasaan ang trono. Sigurado akong binabantayan nila si Blood doon." Paliwanag nya. Hindi na ako nagtanong pa dahil baka mahuli kami. Napatigil lang kami ng makita namin si Machie at Rheidor. Mukang tapos na sila sa iniutos ko
"Machie,Rheidor pumunta kayo ngayon sa kanilang piitan at itakas nyo ang lahat ng nandodoon" Paliwanag ko. Aalis na sana sila ng pigilan ko.
"At ipangako nyong dalawa sakin na kahit anong mangyari ay maiilabas nyo ang nakakulong sa pinakadulong selda ng ligtas" Dugsong ko pa. Bigla nanamang pumasok sa isipan ko ang mga pangalang binaggit ng matanda.
"Pangako" Sabay nilang wika at umalis na.
"Tara na malapit na tayo" Nagpatuloy kami sa pagtakbo at hindi namin inasahan na wala kaming maaabutan sa loob.
"Sh*t!" Mahinang mura ko dahil sa inis
"Mukang matunugan nila tayo" Bulong ni Kaizer
"Hindi lang tayo ang nandidito" Mahinang bulong ko sakanila. Napatingin sila sakin. Kanina ko pa ito nararamdaman at malakas ang kutob ko na siya iyon.
"Ilag!" Sigaw ni Fuchsia dahilan upang umilag kami sa bumubulusok na apoy na alam kong galing sakanya.
"Yale" Bigkas ko sa pangalan nya nang makita ko syang prenteng nakatayo sa harap—malapit sa trono.
"Kilala mo na pala ako" Nakangising wika nya. Lumapit sakin yung dalawa.
"Hanapin nyo na si Blood,Ako na ang bahala dito" Wika ni Kaizer
"No!" Mariin na wika ni Fuchsia. Lihim na napangiti ako. Hindi na maiitanggi pa na mahal nila ang isa't isa. Halata naman sakanilang pagsasalita.
"Samahan mo na lang si Yvonne,Fuchsia" Wika ulit ni Kaizer at hinarap si Fuchsia.
"Tutul---" Pinutol ko na ang sasabihin ni Fuchsia at nagsalita na ako. Baka ito pa ang pagawayan nila.
"Ayos lang ako. Ako na lang ang maghahap kay Blood" Nakangiting wika ko sakanila.
"Sigurado ka?" Tanong sakin ni Kaizer at halata mo dito ang pagaalala sa boses
"Wag kg magalala kaya ko ang sarili ko" Nakangiting wika ko at tumakbo na palabas. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita kong nasa likuran ng kastilyo halos ang lahat na nakikipag laban. Tanaw ko mula dito si Salix at Janix na may kalaban at sa tingin ko si Ziane iyon. Nakikita ko din mula dito si Thunder na kalaban si Hunter. Parehong kuryente kaya hindi ko alam kung mananalo si Thunder. Akmang tatakbo na ulit ako ng kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Parang may masamang nangyari na hindi ko maintindihan. Iwinaksi ko ang naiisip ko. Imoosibleng may mangyari sa mga kaibigan ko dahil malakas sila. Tama.
Ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo ko ngunit muli akong napatigil ng biglang may malakas na enerhiya ang nadama ng katawan ko. Sa tingin ko ay nagmumula ito sa loob ng kwarto na nasa kaliwa ko.
Di ko alam pero may naguudyok saking pumasok sa loob. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na binubuksan ang pinto ng silis sa harap ko. Hindi nga ako nagkamali. Sigurado akong sya ito.
"Blood" bigkas ko sa pangalan nya. Ngumiti lang sya ng nakakatakot.
"Kanina pa kita iniintay,Yvonne" Wika nya suot pa rin ang nakakatakot nyang ngiti.
"Simulan na natin ito" Matapang na wika ko kahit na may parte sakin na natatakot.
"Masyado kang nagmamadali, Huwag kang magalala. Dadating din tayo jan" Wika nya at umupo sa upuan sa harap nya at inabot ang kopita na may lamang pulang likido.
"Magkwentuhan muna tayo. Tutal maya maya lang ay mawawala ka na rin" Hahagikhik na wika nya. Napataas naman ang kilay ko.
"Masyado naman yatang mataas ang expectation mo alam mo bang unti unti nang nauubos ang---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit sya
"Mga kaibigan mo..." Wika nya at tumawa ng malakas. Nasisiraan na sya ng bait
Hindi mangyayari iyon sa mga kaibigan ko. Itinapat ko sakanya ang kamay ko at nagpalabas ng isang nakasisilaw na ilaw sa pagaakalang masusunog sya o masasaktan man lang. Pero nagkamali ako tahimik na tumawa lang sya at hinarap ang ilaw sa mga kamay ko.
"Nice try" Bulong nya at pinagtawanan ako. Habang patuloy sya sa pagtawa ay sinubukan kong basahin ang iniisip nya sa mga oras na ito ngunit wala. Wala syang iniisip sa oras na ito.
"Tsk. Tama nga ang sinabi ng lalaking iyon. Hindi mo kami basta basta matatalo" Nakangising wika nya. Kahit hindi nya bangitin ang pangalan ng taong iyon ay alam kong si Josh ang tinutukoy nya.
Dahil sa inis ko ay pinalabas ko ang espada ko at walang alinlangang sinugod sya. Wala syang nagawa kundi ang ilagan ito.
Gamit ang staff na hawak nya ay sinalag nya ang mga tira ko. Parang wala lang sakanya ang mga tira ko at panay lang ang salag nya. Nang mapagod ako ay lumayo ako sakanya at hinihingal na tumayo lamang doon.
"Pagod ka na?" Hindi pa man ako nakapagre-react sa sinabi nya ay nakaramdam na lang ako ng hapdi sa kaliwang binti at pisngi ko. Mabilis itong naghilom ng gamutin ko ang sarili ko.
"What a boring battle,Kayang kaya kitang patayin sa isang segundo lang" Nakangising wika nya.
"But I will not let it happen" Nakangising wika ko. At nagpakawala ng napakalakas na sigaw na halos ikasira ng pader sa likod nya. Napaluhod na lamang sya sa sahig habang hawak hawak ang magkabilang tenga nya na dumudugo sa sobrang sakit
"Stop!" Napalingon ako aa taong sumigaw. Rushanya.
Galit na galit syang tumingin sakin. She hold her temple. Kasabay noon ang pagpasok ng taong napakatagal ko nang hindi nakikita.
The next thing I know. I run toward that man and start to fight the man I love.
She's controlling me
*****
#934 in Fantasy
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasiIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...