Chapter 45:Fake

6K 134 0
                                    

Yvonne POV

Alam kong iniiwasan ako ni Elaine at may bagay syang itinatago sakin. Simula nung araw na nailigtas ko sya nagbago sya. Hindi ko na mabasa ang isip nya tulad ng dati. Lumalayo sya.

Kasalukuyan ko syang sinusundan ngayon upang malaman ang totoo. Mag isa lang sya ngayon at naglalakad lang sya ng walang direksyon. Gusto kong makumpirma kung tama ba ang lahat ng hinala ko sakaya.

Mula ng araw na iyon naglalabas masok sya sa tirahan ng mga diwata.Kadalasan ay hindi namin sya kasabay kumain o sa mga meeting.Hindi sya napayag na maligo sa ilog o kaya ay uminom. Minsan napapaisip ako kung may allergy ba sya sa tubig pero alam kong wala.Madalas din syang tumambay sa Flower of life at nakatitig lang don.Pagminsan syang na attend sa training ay ako lagi ang kalaban nya at kadalasan ay nasusugatan na nya ako.Kaya ko namang gamutin pero sya...Hindi sya nagaabalang gamutin ang sarili nya kaya kadalasan ako ang nagamot sa sugat nya kaya minsan tinatanong ko sa sarili ko.

Si Elaine nga ba ang iniligtas ko?

"Kamusta mahal ko?" Napalingon ako sa direksyon ni Elaine at pilit kong itinago ang sarili ko

"Ayos naman ako Yale,Eh yung bruhang may ari ng pangit na itsurang 'to?"

'Yale?'

"Sya si Yale,Ang taong may kakayanang manggaya ng kapangyarihan ng ibang nilalang at kung walang kahit anong kapangyarihan sa paligid nya ay wala syang kwenta"

"Nahinga pa naman sya mahal kong cheska"

"Ito si Cheska,Isa syang fire user at kasintahan nya si Yale.Kaya nyang magiba ng wangis ng isang tao kung sino man ang gusto nyang gayahin"

Hindi ako nagaksaya ng oras at itinago ko ang sarili ko para hindi nila ako maramdaman.

Tama nga ang hinala ko,Hindi sya si Elaine,Kilala ko si Elaine at di nya kayang tiisin na hindi ako papansinin sa isang araw.

"Pahirapan nyo lang ang babaeng yun hanggang hindi sya na amin kung paano mapapatay ang Elemental Princess"

Ako?

"Ginagawa namin iyan mahal ko,Huwag kang mainip dahil nararamdaman ko na malapit na umamin ang babaeng iyon. Sa iyo,May nabubuo na ring plano si Lord Blood kaya maghanda ka na din.May nalaman ka ba kung ano ang plano nila?"

"Sa ngayon wala pa,Ang bobo lang nung Elemental Princess dahil wala syang ginagawang plano.Hahaha"

"*cough*"

Agad kong natakpan ang bibig ko ng bigla na lang akong napaubo.

"Cheska may kasama ka ba?" Nanlaki ang mata ko at dali daling naglaho upang makabalik ako sa tirahan ng mga diwata.

"Oh anong nangyari sayo?"Tanong sakin ni Kaizer na sa harap pala nya ako lumitaw. Nakakunot ang noo nya akong tiningnan

"W-Wala" Dali dali akong pumunta sa falls at pumasok sa loob kung nasaan ang silid ni Alice

Safe ang lugar na ito dahil walang makakakita samin dahol nababalutan ito ng kapangyarihan ng Dyosa Shiranya

"Oh Yvonne may problema ka ba?" Tanong nya sakin

"Bukod kay Elaine may iba pa bang nasa labas" Tanong ko

Saglit syang tumigil para magisip "Wala na" Sagot nya

"Good. I sara mo ang buong tirahan ng mga diwata at huwag mong ipaalam na kapangyarihan mo ang ginamit mo.Kaya mo ba?"

Kahit nagtataka ay tumango lang sya "Do it" Diretsong wika ko

"Hah?"

"Just do it!" Di ko mapigilang sumigaw. Hindi ko kayang walang gawin dahil pinahihirapan nila ang kaibigan ko sa kaharian nila

Natataranta syang sumunod.Nakaramdam na lang ako ng malakas na enerhiya na pinalabas ni Alice.

"Sigurado ka bang hindi nila agad malalaman na saiyo yan galing?" Pigil hiningang tanong ko

"Oo" Sagot nya "Sumama ka sakin Alice at sakyan mo lang ang gagawin ko"

Hindi ko na inantay ang sagot nya ar hinawakan ko agad ang kamay nya at dinala malapit ko sya malapit sa may lagusan ng tirahan nila at tama nga ako,Hindi makapasok si Elaine

"Yvonne anong nangyayari?Bakit hindi ako makapasok?" Bungad na tanong samin ni Elaine or mas tamang sabihin na pekeng Elaine

"Pasensya na Elaine,Hindi namin alam ang nangyari.Bigla na lang may kung anong Barrier ang nagkulong samin dito.Hayaan mo gagawa kami ng paraan para matanggal ito at makapasok ka" Pilit kong pinagalala ang muka at boses ko para convincing

"F*ck!"Rinig kong bulong nya at lihim lang akong napangiti

"Dito ka lang muna Elaine,Gagawa kami ng paraan" Wika ni Alice na sumakay sa plano ko

Tumango lang si Pekeng Elaine at kita ko sa mata nya na naiinis sya

Umalis na kami sa lugar na iyon.

"Yvonne ipaliwanag mo ang lahat sa akin"Wika ni Alice na seryosong nakatingin sakin

Bumuntong hininga ako. "Sasabihin ko ang lahat.Sa ngayon magpatawag ka muna ng pagpupulong.Isa pa hayaan mo akong makalabas babalik din ako agad" Tumango sya at hinawakan ako

"Bumalik ka kaagad.At kung ano man ang plano mo may tiwala ako" Ngumiti ako sakanya at naglaho na ako sa liwanag

May ilang kaibigan lang akong kailangang sunduin.

---

"Pinatawag ko ang lahat dahil dahil sa isang bagay na nalaman ko" Panimula ko habang nakaharap ako sa mga taong sinundo ko at mga kaibigan ko

Sunundo ko mula sa labas ang lahat ng prinsesa at prinsepe ng apat na na kaharian.Sinam ko din dito ang buong stars maliban na lamang kay Ice-Na wala pa rin kaming balita sa kanilang tatlo

"Ahm..Yvonne?Itatanong ko lang sana kung bakit wala si Elaine?" Tanong ni Jessica at nakataas pa ang isang kamay

"About that..." Saglit na tumigil ako at huminga ng malalim "..peke ang Elaine na kasama natin dito. At iyan din ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag.Nagsisimula na silang gumawa ng hakbang laban sa atin. At pinahihirapan nila si Elaine para umamin kung paano nila ako mapapaslang.Si Cheska o ang pekeng Elaine ang naging mata nila satin.Kaya hanggang hindi pa nila tayo nilulusob ay gagawa na tayo ng plano para maging handa,Walang kahit na ano ang pwedeng salita ang lumabas sa kwartong ito" Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila

Ngumisi ako ng malapd bago magsalita

"Here is the plan"

---------

The end is near. Bwahahaha!!^_^

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon