CHAPTER 4
Pagkatapos nun ay namayani ang katahimikan saming lima. Nakatitig lang ako sa libro at ramdam ko ang titig nila sa aking apat.
"Bakit nga pala hanggang dun lang?" Napatingin ako kay Elaine na syang bumasag sa katahimikan.
"B-Baka may kadugsong pa sa likod?" Wika ni Kaizer. Tiningnan ko yung likod ng pahina ngunit pilas ito.
"Wala yung kasunod,May pilas" Wika ko. Maybe dahil sa kalumaan kaya napilas na ito. Pero ano nga ba ang totoo tungkol dito.
Namayani muli samin ang katahimikan. Di ko alam kung ano ba dapat ang ireact ko gayong halatang malungkot na ang Aura ng lahat
"Hayaan mo muna yung History,Basahin mo pa yung iba" Wika ni Yoona.
Muli kong inilipat sa kasunod na pahina ng libro. Nakita ko ang isang litrato nung Tattoo sa kamay ni Jessica,Agad kong kinuha ang kamay ni Jessica at inilapit sa libro,
"Magkapareho" Bulong ko. Napaisip naman ako. Ano ba talaga ang purpose najg mga bagay na 'to sakanila. Binitawan ko na ang kamay nya.
"Anong nakasulat?" Tanong nya sakin dahil nakatitig lang ako sa libro. Pero bakit may something akong hindi mapoint out sa kanila at sa librong 'to.
"Wala" Sagot ko
Muli kong nilipat ang pahina at nakita ko naman ang litrato ng Tattoo ni Kaizer,Sa kasunod na pahina ay kay Elaine at sa kasunod ay kay Yoona.Ngunit nakita ko na last na page na ito.
Makapal pa yung sa ilalim kaya meron pa. Pilit kong inililipat yung pahina ngunit hindi ko magawa. Napatingin na lang ako sa apat na box na nasa taas. Sinarado ko ang libro at tumingin sa likuran nito
"Sila ang susi,Kaya ingatan ang mg pinili ng lahi?" Patanong na basa ko. Malakas ang instict ko na sila din ang magiging daan para malaman namin ang totoo.
"Susi kami?" Tanong ni Elaine at nakaturo pa sa sarili nya.
"Why us?" Tanong naman ni Yoona. Hindi ko sinagot ang tanong nya dahil hindi ko alam kung tama ba ako.
Nanlaki ang mata ko at muli kong binuksan sa pinakahuling pahina ng libro. Pinilit kong intindihin ang nakadrawing sa box na iyon.
0_0
Nanlaki ang mata ko ng makita kong kapareha ng mga tattoo yung naka drawing sa maliit na box. Kinuha ko ang kamay ni Yoona at ipinatong ko yung daliri nya sa kahulihang box.
"Aaahhh!!" Tili nya at biglang binawi ang kamay nya,Bigla kasing naging kulay green ang mga litid nya sa kamay at nagliwanag kaya kita ko yung pattern ng litid o ugat nya.
"Wag kang matakot Yoona" Wika ko at pinapakalma sya.
"Wag matakot? Hindi kasi ikaw ang nasakalagayan namin ngayon!" Sumbat nya sakin na ikinagulat ko.
Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Mababaw ako? Oo inaamin ko yun lalo na kung kaibigan ko ang dahilan.
"Wag kang magalit Yoona" Wika ni Jessica at nilapitan si Yoona.
"G-Gusto ko lang n-naman makatulong" Wika ko at ramdam ko na ang pagcrack ng boses ko ngayon. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang paghikbi. Ramdam ko ang paglandas ng luha sa mga mata ko.
"Muka lang akong matapang at palaban,Pero ang totoo. Takot na takot na ako sa nangyayari ngayon. Ni hindi nga natin alam kung saan nanggaling at ano yan eh" Wika nya pa. Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin. Si Kaizer
"Shhh. It's okay Yvonne" Wika nya. Mga ilang minuto lang akong nakayuko at tahimik na umiiyak bago ko maisipang,Tumayo dala ang libro.
"M-Magpahinga muna kayo,K-Kung gusto nyo dun kayo sa G-Guestroom" Malungkot na wika ko at umakyat na sa taas sa kwarto ko. Alam kong sa Guestroom sila tutulog dahil narinig ko ang yabag nila paakyat sa kabilang hagdan. Inilagay ko sa Drawer yung libro at inilock.
Huminga muna ako ng malalim at humiga. Inalala ko ang lahat ng nangyari sa buong araw ko ngayon.
Teka? Yung babae kanina? Sino kaya sya?
Natatakpan kasi nung subrero ng hood nya yung half face nya kaya bibig lang ang kita.
Tsaka yung lalaki kanina? Sino yun? Bakit bigla na lang sumulpot yung babaeng nakahood na Violet? Bakit nawala din bigla yung lalaki?
Urghh!!?
"Anong kailangan mo?" Agad akong napabangon ng may marinig akong boses sa paanan ko.
"S-Sino ka?"Tanong ko at agad kong kinapa yung remote ng ilaw. Nanlaki ang mata ko nang makita ko yung babae kanina.
"I-Ikaw yung babae kanina?" Gulat na tanong ko.
How did she-? How did-?
Si Violet hood nandidito sa kwarto ko at walang nakataklob sa mata nya. Nakakatomboy ang ganda nya.
"Anong kailangan mo?"Tanong nya ulit.
"Hah? Wala naman akong kailangan sayo ah? At tsaka pano ka nakapasok dito?" Takang tanong ko.
"Tsk! You summoned me" Wika nya.
"Hindi kaya! Tsaka hindi kita kilala!" Wika ko
"Stupid! Stop thinking about me para di mo ko matawag,Ang hirap mong hanapin kaya tawagin mo lang ako pag emergency" Wika nya
"Tek--"Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang syang naglaho na parang bula.
Sino ba kasi sya?
Nagising ako ng maaga dahil naalala ko na nandidito nga pala ang mga kaibigan ko. Naalala ko rin yung kagabi na si Violet Hood-
Nooo! Stop thinking about her!?
Naligo na ako at nagbihis ng dress na white.NaO-Op ako eh..
Bago ako bumaba sinilip ko sila sa kabilang hagdan patungong guestroom pero wala na sila. Baka nasa baba na.
Habang nababa ako sa hagdan naamoy ko ang mabangong niluluto,Sigurado akong adobo 'yun
Nakita ko si Kaizer,Elaine at Jessica na nakaupo sa upuan at nagkwekwentuhan silang tatlo.
"G-Good Morning" Bati ko sakanila,Napatingin naman sila sakin at binati rin ako.
"B-Bakit wala si Yoona?G-Galit pa rin ba sya sakin?" Tanong ko sakanila
"Oh gising ka na pala Yvonne,Upo ka muna jan" Napalingon naman ako sa nagsalita si Yoona. Ngumiti lang ako sakanya at umupo na sa upuan,Napatingin ako sa gilid ko ng makita ko si Yoona na nakatayo.
"Yung tungkol nga pal---"
"Ah hindi,Naiintindihan kita" Putol ko agad sa sasabihin nya.
"Hindi,Gusto ko lang magsorry sa nasabi ko. Na stress lang talaga ako sa mga nangyari. Sorry ulit" Wika nya at medyo yumuko
"Okay lang yun Yoona" Masayang wika ko
"Sandali lang" Wika nya at umalis ulit dito sa may lamesa.
Napatingin na lang ako sa bowl ng biglang ibaba ito ni Yoona at nakita kong adobo ito.
"Peace offering ko yan" Nakangiting wika nya kaya hindi ko mapigilan ang mapaluha at niyakap sya ng mahigpit
"Yoonaaa!!" Iyak ko sa balikat nya
"Okay lang yan..Kumain na tayong lahat...whoo!!"Sigaw ni Kaizer
"Kainan na!!"
__________________________________________________
[Edited]
Vote and Comment are highly appreciated.
Follow me on Wattpad and read my other works.
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasyIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...
