Chapter 8:

12.1K 316 1
                                        

Yvonne POV

"Me? Elemental Princess?"Gulat na tanong ko

"Hahahaha! Nice Joke Valet. Hahaha!"Napatigil lang ako ng makita kong seryoso ang muka ng apat pati na si Valet. Pinagdikit ko ang mga labi ko dahil don

"Ehem!Seryoso ka ba?"Nagpipigil ng tawa na tanong ko. Napakagat labi na ko dahil sa biro nila.

Ang totoo nyan hindi lang talaga ako makapaniwala sa narinig ko kay Valet,Ganito talaga ako pag hindi ako naniniwala!Dinadaan ko sa tawa.Parang ewan lang yung itsura nung tatlo habang nakatingin sakin. Ganon na ba ko kaweird?

"Yes" Wika nya.

"Pano mo naman nasabi yan?" Wika ko at nagcross arms pa with matching taas kilay pa

"Sa tingin mo pano mo nabubuhat yung libro?"Seryosong tanong nya. Napabunghalit nanaman ako ng tawa dahil doon

"Pfftt!!Ang gaan lang kaya ng libro!Hahaha!"Naweweirdohan na rin ako sa sarili ko dahil kanina pa ako tawa ng tawa

"Hindi magaan yung libro Yvonne"Wika nya na nakapagpatigil sakin

"Ibigay mo yung libro kay Yoona" Wika nya ulit.

Hawak hawak ko nga pala yung libro kanina pa,Nalimutan ko lang na dala ko pala

"Oh"Inabot ko kay Yoona yung libro

"Huh?Bakit?"Takang tanong nya kaya nangunot ang noo ko.Pero kinuha nya pa rin ito sa mga kamay ko.

"Aaahhh!!"Sigaw nya at naiipit ng libro yung kamay nya sa lupa kaya agad ko itong kinuha sakanya.

"Bakit ang bigat nyan?!"Inis na wika nya

Nagtatakang napatingin ako kay Valet ng magsalita ulit sya.

"Try mo kay Kaizer ibigay" muling wika nya

"Oh bakit sakin mo naman yan ibibigay?"Tanong nya kaya tinaasan ko lang sya ng kilay

"Pag ako niipit nyan yari ka sakin"Wika nya at dahan dahang kinuha sakin ang libro at nabuhat nya.

"Kayo lang ni Kaizer ang nakakagawa nyan,Next is sa tingin mo ba naririnig tayo ni Yoona,Kaizer at Jessica?"Tanong nya

"Oo naman kanina pa kaya tayo naguusap"Wika ko

"You're wrong,Kanina pa ako nabulong dito sa tuwing tinatanong kita at hindi mo binubuka ang bibig mo sa tuwing nagsasalita ka,At sa tuwing tumatawa ka,Nawi-wirdohan sayo yung tatlo,Tama ba ako Elaine?"Litanya nya na ikinagulat ko naman

"Yes"Sagot ni Elaine na walang halong pagaalinlangan

"Kayo lang ni Elaine ang nakakagawa nyan,Next paano mo nakita na may 10 sniper sa labas ng bahay nyo?"

At saka ko lang narealize na tama sya.Paano ko iyon lahat nagawa?

"Naniniwala na ako,Oo na"Sumusukong wika ko at sinigurado kong binuka ko na ang bibig ko

"Paano si Yoona?"Tanong ko kaya napalingon silang lahat kay yoona

"Ako?Anong meron?"Takang tanong nya

"Choice mo kung gagawin mo yun"Wika nya at tumalikod na ulit

"Ang alin?"Tanong sakin ni Yoona

Lumapit ako kay Yoona at kinuha ang palad nya at pinagdikit ko ang palad namin

"Itulak mo"Wika nya at tinulak naman nya yung palad ko hanggang sa lumapat ito sa braso ko

"Yaahh!!Tama na yan!"Sigaw ni Elaine kaya tinigil na namin

"Maghanda na kayo,Magtutungo na tayo sa Flower of life o tirahan ng mga diwata"

"Ahm? Valet may tanong lang ako?"Wika ni Kaizer

"Ano yun?"

"Talaga bang hindi ako pedeng magdamit?"Tanong nya

"Bakit kasi hindi ka nagsuot nung nasa bahay pa tayo?"Tanong ni Jessica

"Eh nasusunog nga yung mga sinusuot ko eh"Wika nya

"A-Ano nasusunog?"Gulat na tanong ni Valet kaya nagtaka kami

"Bakit may problema ba dun?"Takang tanong ni Kaizer kay Valet

"Kung nasusunog ang mga damit mo ibig sabihin isa kang Equipers"Wika ni Valet

"Equipers?"Tanong ni Kaizer

"Oo,Noong unang digmaan dito sa mundo namin laban sa mga Ashkano pinatay nila ang lahat ng mga Equipers,Dalawa kayong Equipers na kilala ko yung isa nasa tirahan namin si Fuchia.Kaya ang ipinagtaka ko ko lang bakit buhay ka?"Wika ni Valet kaya natahimik kami

"H-Hindi ko alam"Sagot nya

"Mabuti pa ibabalik na kita sainyo.Mas magiging ligtas ka don"

"No!"Matigas na wika ni Kaizer

"Fine,Pero isekreto mo ang pagiging Equipers mo dahil pag nalaman yan ni Blood, ang hari ng Vamparious Kingdom,Paniguradong papatayin ka nila"Litanya nya.

Lumapit si Valet kay Kaizer at pinindot yung bungo na kwintas.

May lumabas na screen na transaparent at may mga box box na nakalagay.

"Iisa lang ang damit mo"Wika nya at kung may ano anong pinindot

"Mag equip ka na"Wika ni Valet at medyo umtras

"Equip?"Wika nya at lumiwanag na lang ang katawan nya at napaltan ng damit nya bago mangyari ang lahat ng ito.

"Pwede na"Wika nya at nagkibit balikat

"Maghanda na kayo"Wika ni Valet

"Lagay mo muna 'tong libro sa compartment mo"Natatawang wika ko at ibingay sakanya yung libro

"Paano?"Tanong nya at inabot na ang libro

Bigla na lang itong naglaho sa kamay nya

"Astig!"Wika nya

Napailing na lang ako at tumalikod na ako.Bigla na lang akong napaatras ng biglang may muntik ng tumama sa mata ko.Nakita ko si Jessica na hawak hawak ang espada.

"Sorry"Wika nya at sinangga ang espada na tatama sa kaniya.

Si Yoona,Pareho nilang hawak ang espada nila at naglalaban.Napatawa na lang ako ng tumalsik sa malayo yung espada ni Yoona

Napalingon na lang din ako sa likod ko ng may marinig din akong tunog ng Espada.Nakita ko si Kaizer at Elaine na naglalaban na din.Napalingon ako sa likod ko ng may biglang tumawag sakin

"Yvonne"Bigkas ni Valet sa pangalan ko

"Bakit?"Tanong ko

Sinenyasan nya akong sumunod sakanya kaya iniwan ko muna don yung apat.

"Akala ko ba aalis na tayo?"Takang tanong ko

"Hayaan mo muna sila don"Natatawang wika ni Valet

Naglakad lang kami sa parang may red carpet na daan dahil sa mga petals ng rose na nakakalat sa sahig

Napatigil lang ako ng tumigil na rin sya sa harap ng mataas na puno.Hindi lang basta mataas napakalaki din.Inilahad nya sakin ang kamay nya at inabot ko naman.Napatingin na lang ako sa baba ng bigla akong lumutang.Nang nasa may gitna na kami kita ko na rito yung apat na nageenjoy sa paggamit sa espada nila.

Ibinaba nya ako sa patag na sanga nitong puno.

"Anong lugar to?"Tanong ko.

"Dito kita binabantayan"Wika nya

"Dito ko rin tinitingan ang lagay ng kapatid ko"Wika nya

"Anong pangalan?"Tanong ko

"Lorna.."

--
Don't forget to vote and comment
@princeinvain

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon