Chapter 56:The War [8] End?

5.3K 102 1
                                    

Third Person's POV

Pagod na pagod na hinarap ni Rheidor si Cell na ngayon ay puro galos na din ang katawan. Hindi madaling kalaban si Cell sa isip ni Rheidor.

Muli syang humugot ng espada at nagpalabas na apoy doon. Muli syang sumugod kay Cell na nakatayo na din. Sinalag muli ito ni Cell gamit ang matigas nyang braso at sinuntok ng malakas si Rheidor sa muka dahilan upang tumalsik ito. Wala na syang sapat na lakas upang lumaban pa pero ramdam na niya na malapit na matapos si Cell. Nagpalit sya ng wangis at ginaya ang itsura ni Cell. Lalong nagalit si Cell dahil ayaw nya sa lahat ay may gumagaya sa wangis nya. Sumugod sya kay Rheidor at sunod sunod na sumuntok si Cell umiwas lang si Rheidor ng umiwas at napangisi sya. Dadali ang pakikipaglaban nya kung manghihina agad si Cell. Patagong ngumisi si Rheidor.

Hingal na hingal na tumigil si Cell at kinuha ni Rheidor ang oportunidad na iyon upang masipa si Cell ng malakas pataas. Bago pa bumagsak sa lupa si Cell ay agad syang tumalon at sinuntok ng malakas si Cell sa tyan dahilan upang magkahukay ang lupa. Sunod sunod na nagpakawala sya ng apoy sa binagsakan ni Cell. Napangiti sya ng palihim ng makitang lasog lasog na ang katawan ni Cell atay berdeng dugo ang lumalabas sa katawan nya. Tama nga si Rheidor. Hindi tao si Cell.

Naagaw ang atensyon nya nang may bumubulusok na katawan ng tao ang papunta sakanya. Sinalo nya ito ng mamukaan na si Cara ito.

"Salamat" Pasasalamat ni Cara kay Rheidor. Sabay nilang tiningnan ang taong iyon. Si Hunter ang may taglay din na kidlat sa katawan.

"Mahihirapan tayo jan" Bulong ni Rheidor at sumangayon naman si Cara.

"Napuruhan ko na ang kaliwang binti at kanang braso nya pati na din ang kanang mata at likod nya pero hanggang ngayon hindi parin sya nasuko at kaya nya pa ring maglabas ng kapangyarihan" Paliwanag ni Cara

Umayos ng tayo si Cara at nagpalabas ng apoy sa kamay nya deretso kay Hunter agad na nagpalabas din ng kidlat si Hunter at sinalo ang apoy ni Cara.

Sa isang iglap ay naging isang pahabang apoy si Rheidor at ginamit nya ang apoy ni Cara para makadaan. Dirediretso lang si Rheidor hanggang sa kidlat na ni Hunter ang dinadaanan nya. Nagulat si Hunter ngunit nahuli na sya.

Muling naging tao si Rheidor at gamit ang kanang kamay ay nagawa sya ng bolang apoy at sinuntok si Hunter gamit iyon dahilan upang tumalsik ito ng malayo at mawalan ng buhay.

Sa kabilang banda muling nagpalabas ng usok si Devor at ganon pa din ang ginawa ni Yoona. Patuloy lang syang umiilag at inaatake si Devor sa ibang direksyon.

"Nakakainis ka na hah!" Inis na sigaw ni Yoona kaya Devor at nagpalabas ulit ng tubig sa kamay nito at hindi tumigil hanggang hindi namamatay si Devor. Napangisi sya ng malunod nga nya si Devor. Nakahandusay na ito ngayon at walang buhay.

"Iyan lang pala ang paraan para matalo kita s---" Hindi na naituloy pa ni Yoona ang sasabihin ny ng biglang may mainit na bagay ang tumutulo sa leeg nya hanggang sa makaramdam sya ng sakit at unti unti ay nawalan na ng buhay.

Napangisi si Blink sa nangyari. "Ang daldal mo kasi.Haha" Natatawa tawang wika ni Blink.

Agad syang tumakbo ng mabilis sa dalawang tao ng magkayakap ngayon. Sina Kaizer at Fuchsia.

"Ouch!" Daing ni Fuchsia at hinawakan ang likod ng kanan nyang hita ng may tumusok doon.

"Bakit?" Nagaalalang tanong ni Kaizer

"May humiwa sakin" Wika ni Fuchsia

"Wala na---" Hindi natapos ni Kaizer ang kaniyang sasabihin ng biglang may sumaksak sa likod nya ng dalawang beses

Naluluhang tiningnan ni Fuchsia si Kaizer na ngayon ay umuubo na ng dugo sa lupa. Tiningnan ni Fuchsia ng masama si Blink.

"Equ--" hindi na rin naituloy ni Fuchsia ang sasabihin nya ng may sumaksak sa dibdib nya

"Thanks to me dahil makakasama mo na sya,-Haha" Muli nyang sinaksak si Fuchsia at Kaizer sa kanilang puso at doon binawian ng buhay ang dalawa.

"Now?Who's.next?"

Dumako ang tingin nya kay Cara na sinaksak si Josh sa dibdib nito. Tumakvo ng mabilis si Blink at sinaksak ang likod ni Rheidor na hindi na nakapalag. Nagpalabas ng apoy si Cara at pinatama ito kay Josh na naging sanhi ng pagkamatay niya.

"Tsk"

Lilingon pa lang sana si Cara ng bigla syang saksakin sa likod at tumagos hanggang sa puso nya. Nanlaki ang mata ni Rheidor at gamit ang natitira nyang lakas ay nagpalabas sya ng malakas na apoy at pinatama kay Blink na wala na ding nagawa kundi ang mamatay.

-------

Ice POV

Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay mauubos ang lahat ng kaanib namin. F*ck! Sa isang iglap namatay ang lahat!? What the F*cking sh*t is happening?!!

Tila walang pakialam si Blood aa nangyari. He doesn't even care kahit ubos na rin ang alagad na nya. Nanunuod lang silang dalawa sa laban naminni Yvonne. Napakarami kong sugat na natamo dahil kay Yvonne at nasusugatan ko rin sya minsan

"Yvonne?" Tawag ko ulit sakanya na hingal na hingal

"Die" Iyan lang ang pulit ulit na sinasabi nya sakin sa tuwing kinakausap ko sya.

Bumuntong hininga ako "Is that what you want?" Tanong ko. Dahil sa totoo lang hindi ko na kaya pa. Ako na lang ang natitirang lumalaban. Pakiramdam ko ako na lang magisa sa mundong 'to

"Die"

Lumayo muna ako sakanya ng kaunti. "Then kill me" matapang nasagot ko at inihagis sa malayo ang espada ko. Saglit na napatigil sya at parang lumambot ang muka. Ngunit saglit lang iyon dahil galit na naman na tumingin sya sakin.

Nakita ko syang tumakbo sakin habang naktutuk ang espada sakin. Sinara ko ang mata ko at inintay ang kasunod na mangyayari until I felt a sharp thing sink in into my stomach

Is this the End?

****

Author's Note

How's my story? Patay na sya.My goodness.

Leave a comment and vote.thnx!

Follow me on Wattpad and read my other works.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon