Ice POV
"Sh*t!" I silently curse ng bigla nya akong atakihin. Wala akong nagawa kundi ang umilag sa bawat tira nya. I don't want to hurt her.
Galit syang nakatingin sakin. "Hey! What's happening? Yvonne" Pilit ko syang kinakausap ngunit hindi nya ako sinasagot. I summoned my Ice Sword at sinalag ang tira nya. Napaluhod ako ng lumakas ang tira nya sakin.
"Yvonne it's me,Ice don't you miss me?" Napakagat na lang ako ng labi ng hindi pa rin sya sumagot. Nalipat ang tingin ko sa taong dinadaluhan si Blood na ngayon ay nawalan ng malay.
She's controlling her. I need to punish her for controlling the woman I love.
Buong lakas kong tinulak si Yvonne kahit ayaw ko. Akmang tatakbo ako kay Rushanya ng may bumubulusok na apoy ang papunta sakin. Agad akong lumuhod at gumawa ng Ice Sheild. Pagkatanggal ko ng sheild na iyon ay nawala sa paningin ko si Blood at Rushanya.
Tatayo na sana ako ng may malakas na pwersa ang tumama sakin dahilan upang tumalsik ako sa pader at naging dahilan ng pagkawasak ng pader sa likod ko.
The next thing I knew. I've been lying at the ground. My back! Naging dahilan ang pagtalsik ko para maagaw ang atensyon ng mga estudyante na lumaban.
"I-Ice" Gulat na tanong ng isa. I can't remember the owner of that voice dahil sa lakas ng impact ko sa lupa.
May pailan-ilang lumapit sakin at nagtanong pero sinabi kong ayos lang ako. Tumayo ako na parang walang nangyari sakin. Tinanaw ko mula dito ang pinangalingan ko pero wala na doon si Yvonne.
"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Thunder na kaibigan ni Yvonne
"Yeah" Sagot ko
"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ng isang kaibigan ni Yvonne na si Elaine. Tiningnan ko sya at halata ang pagkaputla ng mga labi nya,Ganon din si Yoona. Buhat sya ni Kaizer ngayon.
"Hindi mahalaga iyon ngayon,Ang mahalaga ay mawala ang pagkontrol kay Yvonne" Seryosong wika ko sakanila
"Si Yvonne?Kinokontrol?By any chance-Si Rushanya ba ang may gawa nito?" Kunot noong tanong ni Elaine
"Yeah" Sagot ko
"May plano si Yvonne,Sakyan na lang natin sya" Nakangising wika nya at tumalikod na.
"All the students. Umalis na kayo,Habang tumatagal ay pumapanganib na sa lugar na ito,Kunin nyo na ang mga sugatan at walang buhay" Anunsyo ni Violeta sa mga estudyante
"Aahhh!"
"Yaahh!!"
Sunod sunod na sigawan ang narinig namin matapos ang isang pagsabog sa gitna ng mga tao. Naging alerto ang lahat. Hanggang sa isang tinig ang narinig namin.
"No one can leave this place..Hahaha!!"
Nakaramdam ako ng napakalakas na kapangyarihan na halos ngayon ko lang naramdaman.
The whole place covered with a black smoke-a barrier. They are making sure that no one can leave this place. They are really desperate to defeat us.
"No one can defeat me!Haha!I'm the most powerful King in this world.Hahaha!"
Nasisiraan na sya ng bait.
"Protect the students!" Sigaw ni Valet sa mga Stars pati na rin sa mga kaibigan ni Yvonne
"Nothing can save you!Haha!"
Bigla na lang tumahimik ang paligid.
"Such a coward" Bulong ko pero alam kong sapat iyon para marinig ni Blood ang sinabi ko kahit nasaan man sya.
Napadaing ako sa sakit ng may biglang sumuntok sakin mula sa kung saan.
"Who are you to insult me!?" Galit na wika nya habang nakatitig ng masama sakin.
Naglitawan sa likuran nya si Rushanya at ang iba pa nitong mga tauhan. What the!I thought they were dead!
I heard a gasp from the crowd.
"I already told you I have an Eternal Power" Nakangising wika nya. Who the hell is Blood to have an eternal power!?
Inalalayan akong tumayo ng mga kaibigan ni Yvonne. Tahimik na nagpasalamat ako
"Akala nyo ba jan na matatapos ang laban na ito.." Nakangising wika ni Ziane. Ang babaeng kayang kumintrol sa tao.
"...nagkakamali kayo,Dahil ang totoong laban ay magsisimula pa lang ngayon" Nakangising wika nya
Tulad ng iniisip ko. Hindi sila madaling matalo. Kung baga,Sinubukan nila ang lakas ng bawat isa at nung natalo sila,Blood bring them back to life. At alam ko sa mga oras na ito,Nakahanda na sila sa pagatake ng kahit sino saming lahat.
-----
Yvonne POV
Pinaikot ko ang mata ko ng maramdaman ko na tinatawag na ako ng pesteng Rushanya na yan.Pshh.Its hard to pretend.
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago maglaho sa hangin. I removed my thoughts for safety purpose.
Lumitaw na lang ako na katabi si Blood at nasa likod ko ang iba pa. Sabi ko na nga ba. Malakas talaga ang pakiramdam ko na may binabalak ang lahat ng ito. Muli akong humarap sa unahan at nakita kong nakatitig sakin si Ice.
Gusto ko sana syang yakapin agad pero alam kong hindi pwede. Kailangan kong maisagawa ang nabuong plano sa isipan ko. May oras pa siguro kami pag natapos na ang lahat ng ito.
Naramdaman ko ang pagkontrol ni Rushanya sakin. Inilabas ko ang espada ko dahil iyon ang gusto nya.
"Sya ba ang hinahanap mo?" Kahit di ko nakikita ang itsura ni Blood alam ko na nakangisi sya ngayon. Naramdaman ko ang paghawak ni Blood sa balikat ko. Pinigilang kong saksakin sya dahil sa oras na gawin ko iyon ay masisira ang plano ko
"Don't.touch.her" Mariing wika ni Ice. Napakagat labi ako dahil sa naiisip ko. Pakiramdam ko ay hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito. Hindi masama ang mag assume diba??
"Blood" Mahinhin na wika ni Rushanya at ramdam ko ang masamang titig nya saki. Selosa.
Sa wakas ay lumayo na sya sakin. Pakiramdam ko tuloy ay napakalagkit ko.
Napadako ang tingin ko sa mga kaibigan ko at halos manlaki ang mata ko ng makita kong namumutla si Elaine at si Yoona. Nangingitim din ang ibang parte ng katawan nila. What the hell is happened?! Si Jessica naman ay may ilang sugat sa katawan at sa nakikita kong lagay nya ay pagod na sya. Si Kaizer lang ang halos walang tinatamong sakit sa katawan. Si Amea naman ay walang malay at nakahiga sa lupa habang nakaunan kay Rheidor. Wait! Nasan na sila?
"What do you want to do Rushanya?" Tanong ni Blood sa asawa nya
"Kill them"
*****
Author's Note
Hi guys. Please support my story until the last part. Please don't be a silent reader
Vote ang leave a comment.
Follow me on Wattpad and read my other work
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasíaIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...
