Chapter 38:Monster

6.8K 135 2
                                    

Yvonne POV

"Anong tinitingnan mo jan?"

Napalingon ako kay Yoona ng bigla syang magsalita

"A-Ahh wala naman"Tanggi ko

Ayoko silang pagalalahanin dahil sa isang bagay na hindi ko nasisigurado.

Mukang nasatisfied naman sya sa sagot ko at ipinagpatuloy nila ang paggawa at pagsira sa kanilang mga sand Castle

"Gutom na ako!"Reklamo ko dahil kumalam na ang sikmura ko

"Ako din!Tara na may Korean Restaurant akong nakita jan sa may Hotel,Dun na lang tayo kumain"Suhestyon ni Elaine

"Masarap ba dun?"Tanong ni KK

"Oo!"Inis na wika ni Elaine,Nagkibit balikat na lang sya at tumayo na

"Then tara na!"

----

'Wala ka ba talagang balak sabihin sakanya?'Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama ng marinig ko nanaman ang inner voice ni Elaine

Tiningnan ko sya ng masama at nakita kong nagbabasa sya ng libro habang prenteng nakaupo sa sofa ng kwarto ko sa hotel na tinutuluyan namin malapit sa beach

'Wala nga'

Actually kanina pa nya ako kinukulit kung sasabihin ko daw ba kay KK na minahal ko sya

'Eh di ako na lang'

Nanlaki ang mata ko ng bigla syang maglaho sa kinauupuan nya at nagiwan ng kaunting buhangin sa kinauupuan nya

Pumikit ako at inisip ko kung saan maaaring pumunta si Elaine at sa isang iglap lang ay napunta ako sa gilid ng dagat at tanaw ko sa kabilang parte si Elaine na natakbo papalapit kila KK na nagvo-volleyball kasama ang ibang lalaki na ngayon ko lang nakita

"Elaine!"Malakas na sigaw ko sakanya dahilan upang mapatingin sakin ang ibang tao kasama sila

Nagtatakang tiningnan ako nila Jessica,Yoona at KK-Nginitian ko lang sila at nagpatuloy sa pagtakbo,Nakita kong mas nauuna ako sa kanya kaya nang madaanan ko si KK ay dumerecho lang ako hanggang sa magkasalubong kami ni Elaine

Hinawakan ko ang braso nya dahilan upang matumba kami at magpagilong gilong sa buhanginan

"Hahaha!"Tawa naming dalawa ng makahiga kami ng ayos

"You know Yvonne,Im just kidding about that"Natatawa pa ring wika nya

"I know,Tsaka kung gagawin mo yun dudurugin talaga kita jan"Wika ko

Napatigil lang ako sa pagtawa ng may maramdaman akong bigla,Napabangon ako ng wala sa oras ng lumakas ang nararamdaman ko

Tinitigan ko ang parte sa gitnang dagat ngunit hindi ko makita,Pumikit ako at muling minulat ang mga mata

Ginagamit ko ngayon ang kakayanan kong makakita sa malayo,At nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang higanteng halimaw na babae na nakatayo sa gitna ng dagat

"Nakita mo din?"Tanong ko kay Yoona ng makita kong nakatitig sya sa kawalan

"Oo"

Sabay sabay kaming tumakbo at nagtungo sa tagong parte ng beach

'Someone summoned it'

Narinig ko ang tinig ni Valet sa utak ko

'Summoned it?From?'

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon