Jessica POV
Kinakabahan ako habang tumatakbo kami ni Cara. Sa tingin ko ay may hindi magandang mangyayari.
"Aahhh!!" Sigaw namin ni Cara ng biglang gumalaw ang pader at iniluwa ang isang lalaki na kulay puti ang buhok.
Hinawakan nya ang sahig at kasabay noon ang pag galaw ng inaapakan namin. Sh*t! Kaya nyang pagalasin ang kahit na anong bagay.
"Ako na ang bahala dito. Mauna ka na susunod ako" Tumango lamang ako at tumakbo sa kaliwang pasilyo.
Muntik ko nang patalsikin ang taong makakasalubong ko kung hindi ko ito namukaan agad
"Amea?"
"Where are you going?" Tanong nya sakin
"Hinahanap ko si Elaine" Sagot ko sakanya. Nagtaka sya sa sinabi ko
"Mali ang dinadaanan mo. Nakita ko sila kanina pababa sa kastilyo" Paliwanag nya
Hinawakan ko ang kanyang pulso. "Samahan mo ako" Wika ko at sinira ang pader sa tabi ko. Sumilip ako sa baba at nakita ko ang isang lalaki na hila hila si Elaine.
"Pwedeng ikaw na lan--" Hindi ko na sya pinatapos at hinigit ko agad sya at tumalon kami pababa
Nakita kong pinaikot nya ang kanyang mata at inihanda kng sarili sa pagbagsak. Wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari ang gusto ko lang ay mailigtas ko si Elaine sa lalaking iyon.
Wala akong naramdamdaman na kahit ano ng dumikit ang paa ko sa lupa.
"Nice landing" Komento ng kasama ko. Hindi ko alam na madaldal din ang isang ito kahit nakakatakot ang itsura nya.
Binalik ko ang konsentrasyon ko sa taong may hawak kay Elaine.
"It's Devor. May poisonous na usok ang lumalabas sa katawan nya kung gugustuhin nya kaya mapanganib syang lapitan" Paliwanag nito
Malapit na sila sa dead end nitong kastilyo kaya wala na silang kawala pa---
"Sh*t!" Mahinang mura ko ng makita kong nagkakaroon ng daan ang tinatakbuhan nilang dalawa. Mas binilisan ko pa ang takbo ko at halos ilang dipa na lang ang layo ko sakanila
"Elaine!" Sigaw ko. Nakita kong lumingon sakin si Elaine ng may bakas ng pagkagulat
Nagalpas sakanya si Elaine ngunit hindi nya nagawa. Tumigil sa pagtakbo ang lalaking nagngangalang devor at hinarap kami ni Amea.
Itinapat nya ang palad nya samin kasunod ng paglabas ng isang itim na usok. "Jessica!" Sigaw sakin ni Elaine. Bahagya ako sakanyang umiling at ibinalik ko kay Devor ang sarili nyang usok. Bahagya syang nagulat ngunit nakabawi din agad sya. Naglaho ang itim na usok.
Bahagya akong ngumis. "Ibigay mo samin si Elaine" Matapang na wika ko. Bahagya syang umiling.
"Hindi sya nakakapagsalita" Bulong ng katabi ko. Lumabas ang usok sa katawan nya at lumurang sa ere.
Hindi pwede
Iyan ang nabasa ko sa usok ng ginawa nyang word.
"Masasaktan ka lang Devor. Ibigay mo na lang sya samin"
Muling umiling si Devor. Tinulak nya sa likod nya si Elaine at pinalibutan nya ng usok nya na naging buhawi
Laban
Basa ko ulit sa usok nya. Naghahamon sya ng laban. "Ako na ang bahala kay Elaine. Patayin mo na lang yan" Wika ni Amea at bahagyang lumayo sakin.
Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang salitang 'patayin' na hindi ako sanay gawin.
Iwinaksi ko na lang ito sa isip ko. Maaari ko naman syang saktan hanggang sa manghina sya at sumuko-pero patayin? Hindi ko yata kakayanin.
Inilabas ko na ang espada ko at iniharap sakanya. May usok naman na bumalot sa katawan nya at halos ulo na lang nya ang kita ko. Balak ba nyang gawing shield ang usok nya? Tsk. Useless.
Itinapat ko ang palad ko sakanya upang tanggalin ang usok ngunit napansin ko na nasalikod nya si Amea at sinusubukang sirain ang usok nya. Umiling ako. Sa halip ay nagpalabas ako ng sunod sunod na Air blaze patungo sa kinalalagyan nya at halos malaglag ang panga ko ng mahati lang ang katawan nya sa gitna at hindi man lang ito nasugatan. Mukang mahihirapan ako sa isang ito.
Ngumisi sya at pinorma ang braso nya na parang ahas at ganon din ang ginawa ng itim na usok sa likuran nya. Pumorma ito ng malaking ahas at nakislap pa ang mga mata habang nakatingin sakin at inilalabas ang dila nya.
Pinasugod nya sakin ang ahas nya kaya napatalon ako bigla. Kahit usok lang ito napakalakas parin ng impak nito. Pumunta ako sa may likod ng ulo nya at itinusok ko ang espada ko doon ngunit para lang akong nakipag saksakan sa hangin. Nginisian nya ako na parang sinasabi na hindi ko sya matatalo
Ngumisi din ako sakanya. Sandaling ibinaba ko ang braso ko na may hawak sa espada . Ini-atras ko ng isang hakbang ang kaliwa kong paa at seryoso syang tinitigan. Nagpokus ako sa gagawin ko. Ipinikat ko ang mata ko at naramdaman ko ang kakaibang kapangyarihan sa katawan ko. Minulat ko ang mata ko at kasabay noon ang pag liwanag ng inaapakan ko na pumorma na hugis bilog. Napangiti ako ng makita ko ang usok na lumalabas sa bilog na ilaw na inaapakan ko. Natutunan ko ito noong nasa akademya ako. Hindi porket hangin ako ay hindi ko na kayang gumawa ng ibang bagay. Gamit ang hangin na kumokontrol sa usok ay gumawa ako ng sarili kong armas. Isang napakalaking agila ang lumitaw sa uluhan ko. Imbis na usok ang mangyari ay hindi. Naging isang totoong agila ito na nakalutang sa itaas ko. Bahagya syang nagulat sa nangyari. Hindi nya marahil alam na kaya kong gawin ang ginawa nya.
Sinulyapan ko si Amea ngunit ganon pa rin. Hindi nya masira ang nakabalot kay Elaine.
Inutusan ko ang agila ko na kumilos. Ipinagaspas nya ang malaki at malapad nyang pakpak . Nagpakawala ito ng napakalakas na hangin dahilan upang tumalsik ang ahas. Mabilis na gumapang ito sa hangin at nagpakawala ng lason sa bibig nito. Umiwas ang agila ko. Tiningnan ko kung saan bumagsak ang lason at nakita kong bahagya itong nalusaw. Nakaramdam ako ng kilabot dahil baka tumama sakin ang venom nya. Tiningnan ko ang dalawang hayop na nagaaway sa taas.
Eagle vs Snake? Not bad.
*****
#454 in fantasy...Hooray!!
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasíaIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...