Third Person's POV
Hindi maiwasan ni Blood pati ni Rushanya ang mamangha dahil unti unting nauubos ang kanyang kalaban.
Sinulyapan nya saglit ang katawan ni Ziane na puno ng dugo at may nakaipit na malaking bato.
"Paumanhin Ziane,Hindi na kita pwedeng buhayin dahil naibigay ko na ang ikalawang buhay mo. Tsk"
Muli nyang inilipat ang tingin nya sa dalawang magkaibigan na walang malay. Sinenyasan nya si Josh na tapusin na ang paghihirap ni Elaine at Jessica. Agad naman itong tumango at tumungo sa dalawa.
Nagdadalawang isip sya kung tutuluyan nya ba si Elaine at ang kaibigan nito.
Sa huli ay wala syang nagawa kundi tuluyang paslangin ang dalawa kahit na labag sa kaniyang loob. Sumugod na din si Cell at Aaron dahil bawas na sila
Sa kabilang banda sa laban naman ni Fuchsia at Kaizer ay nawawalan na sila ng pagasa dahil nakamamatay ang pagdikit kay Agatha.
Maingat naman silang dalawa upang hindi mapadikit kay Agatha. Marami na ring galos si Agatha. At pagod na din sila Fuchsia at Kaizer sa pag equip ng mga armor na gagamitin nila. Paminsan minsan ay ginagamit din ni Kaizer ang kapangyarihan nya kay Agatha ngunit namamatay lang ang apoy nya sa tuwing nasasangga ito ni Agatha.
"Im sronger than you bitch" Wika ni Agatha at sumugpd kay Fuchsia na hindi naging handa. Nanlaki ang mata ni Kaizer. Hindi sya papayag na mamatay si Fuchsia. Agad syang naglaho at lumitaw sa harap ni Agatha. Nanlaki ang mata ni Agatha at napahawak na lamang sya sa kanyang tyan kung saan nakabaon ang espada ni Kaizer. Akmang hahawakan ni Agatha si Kaizer pero inunahan na ito ni Fuchsia. Pinalabas nya ang Isang daang(100) maliliit na patalim at hindi nagalinlangang pinatama nya ang lahat kay Agatha dahilan upang mapaatras ito at mawalan ng buhay habang nakahiga sa lupa.
Galit na galit na sumugod sa kanila ang kakambal ni Agatha na si Aaron ngunit hindi pa ito nakakalapit ay tumalsik si Aaron sa kabilang banda galit na tiningnan nya ang kambal na si Janix at Salix na ngayon ay magkahawak ang kamay. Napatigil si Aaron at nakaramdam ng inggit ang mabilisang pangungulila sa kakambal nya.
Galit na hinawakan nya ang lupa at kasabay noon ang paggalaw ng lupa na inaapakan nila Janix at Salix nagkaroon ng muka ang lupa at nagkaroon ng malaking butas sa kanilang inaapakan. Nahulog ang dalawa sa butas ngunit agad na nakagawa ng paraan si Salix hinawakan nya ang kakambal nya at sabay silang lumutang pataas.sa butas bago pa lang ito magsara.
Nagulat si Aaron at nabuo ang mga buhangin at naging isang halimaw na mas malaki pa pag sila ay pinagdugsong. Nagkatinginan ang dalawa at magkasabay na tumango.
Pinagdklit nila ang kanilang palad at nagliwanag na kulay Berde pati na din ang isa nilang kamay ma magkahawak ay nagliwanag na kulay Asul at sabay nilang binigkas ang salitang.
"Fusion"
Nagliwanag ang buo nilang katawan at naging isa. Si Janix ang unang naging pisikal nitong itsura.
Sumugod sya sa halimaw na lupang iyon at sinugatan sa ibat ibang parte ng katawan nito ngunit agad lang itong naghilom.
Nagpalabas sya ng tubig mula sa lupa at iyon ang ginamit nyang sandata unti unti ay nababawasan ang katawan nito dahil sumasama ito sa tubig nya. Sa kabilang kamay nya ay nagpalabas din sya ng hangin na kapangyarihan ni Salix. Napangisi siya ng malapad ng unti unting nawawala ang halimaw na iyon.
Agad na humiwalay si Salix kay Janix at sinugod ni Salix si Aaron na nasa likodan nito at tulala
"Mabuti pang magsama na kayo ng kakambal mo para hindi ka na malungkot" Wika ni Salix at hinawakan si Aaron sa balikat at inalis ang hangin sa katawan. Unti unti ay nawalan ng buhay si Aaron at sa wakas. Hindi na sya mangungulila sa kakambal nya.
Nakangiting nagkatinginan si Salix at Janix. Sa isip nila ay pinupuri nila ang isa't isa.
Nawala ang ngiti nila sa labi ng makita nila si Yale na naglalakad papalapit sakanila. Alam na nila ang kapangyarihan nito kaya hindi nila alam ang dapat gawin.
Nagpalabas ng tubig si Janix sa kamay nito ngunit nagpalabas din ng tubig si Yale sa kanyang kamay. Nagpalabas din si Salix ng malakas na hangin sa kamay nito at ganon din ang ginawa ni Yale kinopya nya ang kapangyarihan ni Salix. Sabay na tumalon pataas si Salix at Janix ng hindi na nila kaya si Yale. Lumikha ng malakas ng pagsabog ang kapangyarihan ni Yale na kinopya sa kambal.
Huminga ng malalim si Janix at nagsimulang kumanta at pinatama ang boses nya kay Yale na hindi mapakali sa paghawak sa tenga nito. Nginitian ni Janix si Salix na pawang sinasabi na ayos lang ito. Habang nakatitig si Salix kay Janix ay hindi nya napansin na nagpapakawala ng kapangyarihan si Yale sa kung saan saan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasugatan si Salix ng malalim sa tagiliran.
Akmang titigil si Janix ng sumenyas si Salix na wag tumigil. Tumigil saglit si Janix upang huminga dahil nanghihina sya sa pagkanta. Muli syang nagpatuloy sa pagkanta ngunit humina ito dahil pagod na sya. Hindi nya inasahang may sumabay sakanya sa pagkanta at nakita nyang si Demi ito. Nabuhayan sya ng loob at dahan dahan silang naglakad palapit kay Yale na sigaw ng sigaw.
Nang tuluyan silang makalapit kay Yale ay tumigil na sya kaya tumigil na din yung dalawa aa paglamta. Dahil sa pagkakatong ito alam nilang patay na si Yale. Marahang sinipa ni Janix si Yale dahilan upang mapahiga sya sa lupa.
Mulat ang mata nya kasabay noon ang pagtulo ng dugo sa tenga nya,Pati na din sa ilong at mata nya.
"Salamat demi" Pasasalamat ni Janix kay Demi. Nginitian lang sya ni Demi at nilingon ni Janix si Salix,
Natulala saglit si Janix bago nagtuluan ang mga luha nya. Lumuluhang tumakbo sya sa karoroonan ni Salix at hinawakan ang kamay nito.
"S-Salix!!"Sigaw nito sa pangalan ng kapatid nya. Ilang minuto ang lumipas ng tumigil sya sa pagiyak. Akmang tatayo na si Janix ng may maamoy sya. Unti unti ay sumikip ang dibdib nya hanggang sa tuluyan ng mawalan ng hangin ang katawan nya.
Nanlaki ang mata ni Demi at tumingin sa may ari ng usok na iyon.
Nagsimula muli syang kumanta ngunit hindi iyon natuloy ng may gumapang na usok sa katawan nya.
Napahawak sya sa leeg nya ng maramdaman nyang parang sinasakal sya ng usok na iyon. Hanggang sa magdilim ang piningin nya.
*****
Author's Note
Kung napapansin nyo may mga Note na ako sa lada chapter diba? Wala lang trip. Hahaha.
By the way Lalaki si Salix at Air User sya,Si Janix naman babae at Water User. Kambal sila pero magkaiba ang tatay nila. Hahaha. Gets? Hayaan nyo na "Nothing is impossible in a Fantasy"
Follow me on Wattpad and read my other works.
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasiaIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...