CHAPTER 1
'Good Morning world'
Agad na akong bumangon dahil napakaraming projects and activities ang kailangan ipasa ngayong araw.
"Morning nanay Lourdes" Bati ko kay Nanay Lourdes na naghahanda ng breakfast sa mesa.
Hindi ko sya nanay sya lang ang nagalaga sa akin ng mamatay yung parents ko. Hindi ko rin sila totoong parents dahil ampon lang ako, and thats fine.
"Good morning nak" Bati nya rin sakin pabalik.
Kumain na ako ng inihanda nya sakin. Kakaunti lang ang hinanda nya dahil ako lang naman ang kakain. Sinabi ko na rin sakanya na sabayan ako sa pagkain, but nanay Lourdes will always be her, kaya tinanggihan nya ako.
"Mamalengke lang ako nak" Paalam nya at tumango lang ako sakanya at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos ako kumain ay umakyat na ako sa taas para kunin yung mga projects na ginawa ko sa loob ng isang buwan. Kung bibilangin mahigit 10 na projects ang nagawa ko at di ko alam kung magkano ang nagastos ko para dito. Kung nagtataka kayo kung saan nangagaling ang pera namin, sa bank account nila Mom and Dad iyon galing at sigurado akong sakto lang yung pera hanggang makagraduate ako ng collage.
Agad kong pinara ang unang taxi na dumaan sa harap ng bahay namin.
"Huxley University po" Wika ko rito.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na agad ako sa school. Nakita kong nagaabang sa labas ng University si Elaine, Jess at Yuna.
"Bakit ngayon ka lang?" Taas kilay na tanong ni Jess. Sa una aakalain mong mataray sya, pero kung makikilala mo sya nang lubusan, malalaman mo na isa sya sa mga nagsisimula ng kabaliwan sa school namin.
"Traffic" Simpleng sagot ko at inabutan ko sila nang iba kong dala.
"Aba! Ano ka Yvonne sinuswerte? Dalin mo yan" Wika ni Yuna. Si Yuna, Mataray talaga yan, pinagsasabihan nya kami sa tuwing may mali kaming ginagawa at hindi nya gusto. At kung may gusto man syang sabihin, tatahimik lang yan hanggang sa kalmado na ang lahat.
Alam ko namang dadalhin nya yun pabebe lang. Ganyan din yan, kunyari magtataray sya pero tutulong din naman.
"Ang ganda mo ngayon Yuna! May number nga pala ako ni Josh. Gusto mo makuha?" Nakangiting sagot ko. Si Josh lang naman ang kahinaan nya, Dahil simula nang tumapak kami sa College, Si Josh ang kaunahang nakakuha ng pansin nya.
"Fine dadalhin ko 'to" Wika nya at napatawa na lang kaming tatlo nila Elaine.
"Elaine kamusta nga pala si Kaizer?" Tanong ko sakanya. Malapit lang kasi ang bahay nila sa isat isa. Kaya kung may kailangan kami sakanya, si Elaine agad ang nilalapitan namin.
Si Kaizer kaibigan naming lalaki. Actually napaka gwapo nya, maputi, hindi katangkaran,Mapula ang labi. Kaya nga naging crush ko sya nang makilala ko sya.
"Okay lang naman sya,tulad nang dati, humihinga pa din sya, kumukurap-"
"Joke ba yan?" Pinaikot ko pa ang mata ko dahil sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasyIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...
