Chapter 49:The War [1] Controlled?

6K 132 5
                                    

Yvonne POV

Hinati ko sa apat ang star,Si Thunder sa East,Si Amea at Janix sa West,Si Rheidor at Salix sa Earth Kingdom at susunod sila pagnatapos na ang lahat doon,Si Machie at Demi na ang bahala sa harap at ako si Kaizer,si Jessica, si Yoona,at si Cara na nagpapanggap na Elaine ang sa loob si Fuchsia na ang bahala sa mga haimaw na mukang hayop na tao na panget. Basta.

Hinati din namin sa apat ang lahat ng lalaban para sa mundong 'to.

"Kinakabahan ako Yvonne" Wika ni Jessica sa tabi ko

"Don't worry alam kong pagkatapos nito babalik na sa dati ang lahat." Nakangiting wika ko na kahit ako ay kinakabahan din.

"Ready?" Panimula ni Kaizer at inilahad ang kamay nya sa gitna namin. Napangiti ako ng maalala ko kung kailan namin ito huling ginawa.

"Ready" Wika ni Yonna at ipinatong ang kamay nya kay Kaizer

"Ready" Halos pabulong na wika ni Jessica at ganoon din ang ginawa

"Always Ready"

Inantay namin si Elaine or Cara na gumaya samin

"Err,Ready"

"Go Team Elements!" Sigaw namin at hinarap ang malaking kastilyo na tanaw na namin mula dito

Pagkababa namin sa kastilyo ay sinalubong kami ng ilang mga kawal sa kahariang ito. Hinanda namin ang sarili namin sa maaaring gawin ng mga ito samin

"Kalaban!" Sigaw ng isa mula sa likod kaya sumugod sila samin

Kaniya kaniya kaming kuha ng sandata namin at lumaban. Tumakbo papalapit sakin yung may maskarang itim na nakita ko kahapon dito.

Sinangga ko ang espada nya na tatama sakin. Sinipa ko sya at agad akong sumugod ngunit nakaiwas sya sa ginawa ko. Masyado syang mabilis kumilos pero masabilis ako sakanya. Hinila ko ang braso nya na may hawak na espada at sinaksak ko sya sa sikmura nya.

That was easy.

Sunod na sumugod sakin ang tatlong kawal na walang maskara umilag ako ng sabay na sumugod yung dalawa sakin,Sinipa ko yung isa at pumunta ako sa likuran nung isa pa bago ko ito sinaksak. Tinulak ko ang hawak ko sa papalapit sakin at pareho silang natumba. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang mailayo ang sandata nya sakanya

"Where is your king?" Tanong ko habang nakatutok ang talim ng espada ko sa kawal na iyon.

Nanatiling tikom ang bibig nya. "Inuulit ko nasan ang hari nyo?" Tanong ko muli sakanya

"Kanina ko pa kayo hinihinatay" Napatingin kami sa taong nagsalita.

Si Ziane kasama si Rushia at si Cell. "Hindi ko alam na mapapaaga ang pagsugod nyo dito" Natatawang wika ni Rushia

"Ziane,Hindu matutuwa si Lord Blood kung li-lima lang sila. Mabuti pa ay tapusin mo na lang silang lima." Wika ni Cell habang nakatingin sakin

"Aw. Nakakalungkot. Pero ayaw kong madungisan ang mga kamay ko eh." Maarteng wika ni Ziane

"Pwede bang ikaw na lang Elaine ang gumawa para samin?" Wika nya at tiningnan si Cara or Elaine

Ngumisi si Cara. Kumunot ang noo ko. Hindi ito kasama sa plano!

Hindi namin inasahan ang bigla nyang pagsugod samin. Mabilis syang kumilos kaya nasugatan nya agad si Yoona

"Elaine" Tawag ko sakanya. Pero hindi sya natigil. Hindi ko sya pwedeng tawagin sa pangalan nya dahil malalaman nila

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko at sinangga ko ang espada nya. Isang ngisi lamang ang ibinigay nya sakin at lumipat naman kay Kaizer.

Tiningnan ko ng masama si Ziane dahil baka sya ang may kagagawan kung bakit ganon si Cara.

Susugod sana ako sakanya nang biglang may nagpaulan ng mga bolang apoy mula sa langit.

Nandidito na sila.

"Sh*t!" Dinig kong mura ni Ziane. Masyadong napaaga pero ayos na din ito.

Naglitawan sa kung saan saan ang mga kasama namin at napalaraming kawal ang sumalubong samin.

"Guys tara na sa loob" Dinig kong sigaw ni Cara o Elaine. Sabi ko na nga ba.

"Mauna na kayo jan" Wika ni Kaizer at nagiba ng daan

"Kinabahan ako don Cara" Wika ni Jessica habang natakbo kami

"Sorry sa sugat Jessica at Yoona" Hingi nya ng paumanhin

"Ayos lang maliit lang naman eh" Wika ni Jessica at tumango lang si Yoona

"Jessica,Cara hanapin nyo si Elaine. Kami na ni Yoona ang hahanap kay Blood"

Tumango lamang sila at lumiko na ng daan. Hindi pa kami nakakalayo sa nilikuan nila Cara ay may humarang sakin na ikinagulat lo at alam kong mas ikinagulat ni Yoona

"J-Josh?" Tawag ni Yoona sakanya sa mababang tono

"It's nice to see you again Yvonne" Wika nya at tumingin sakin

Lumingon sakin si Yoona na nagtatanong ang mga mata. Umiling lang ako sakanya

"Josh sinasabi ko na sayo. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" Banta ko dahil baka sakaling magbago ang isip nya

"Hindi mo din magugustuhan ang gagawin ko Yvonne" Wika nya

Itinaas ko ang kamay ko at itinapat ko kay Yoona. Nakita ko ang pagkabigla sa mata ni Yoona at kumuyom ang kamay ni Josh

Sumusukong umatras sya at tumakbo palayo. "Mamaya ko na ipapaliwanag sayo" Wika ko at hinigit na sya para makatakbo kami. Hindi na sya nagtanong pa at sumabay na din.

Hindi pa kami nakakalayo ay may humarang nanaman samin. Si Agatha.

"Ako na ang bahala dito,Hanapin mo na lang si Blood" Wika nya

"Pero--" Tutul pa sana ako pero pinutol nya ang sasabihin ko "Go" Wika nya

"Fine. Magiingat ka. Huwag kang magpapahawak sakanya dahil baka ikamatay mo" Paalala ko bago lumiko sa kabilang dereksyon.

Inihampas ko sa pader ang mga kawal na haharang sana sakin. Muli akong napatigil dahil sa pagsabog na naganap sa harapan ko. Napangiti ako.

Nakita ko si Kaizer na kasama si Fuchsia. Napangiti ako. Magkahawig ang armor na suot nilang dalawa at pareho pa ang buhok nila.

"Were here to help" Wika ni Fuchsia. Lumawak ang ngisi sa labi ko

Perfect Couple

***

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon