Yvonne POV
Tinanong namin kay Arden kung bakit kulay Violet lahat ng suot nya at sinabi nya lang na mahalaga sakanya ang kulay Violet kaya ganon.
Kahapon namin nakaharap ni Ice si Rocktus at kasalukuyan naming hinahanap ang kuneho ni Arden na nakawala sa suot nyang sumbrero kanina.Yeah right,Sumbrero na kulay violet
"Pinky!"Sigaw namin sa bawat butas na madaanan namin dito sa gubat
"Pinky dali ka na!Uwi na tayo!"Sigaw ni Jessica
"Fuchsia hindi mo ba kayang hanapin?"Tanong ni Elaine
"Nope,Kaya ko lang silang kausapin hindi hanapin"Wika nito
Sandaling lumuhod ako sa lupa at itinuon ko ang palad ko sa lupa,Baka sakaling mahanap ko sya sa pamamagitan nito.
"No use,Hindi ko alam kung tumatalon ba sya sa lupa ngayon o lumilipad,Maaari rin syang maglangoy kung gusto nya"
Muntik na akong mapasubsub ng sabihin iyon ni Arden
"Hindi ba kuneho iyon?Bakit naman yun lilipad o lalangoy?"Tanong ko habang tumatayo
"Isa si Pinky sa may kakaibang kakayanan na natatagpuan lamang sa 'Animal land' meron ding ibang hayop na kayang gawin ang kakayanan nya sa totoo nyang tigigisang uri ng hayop ang may kakayanang ganyan kaya inaalagaan ko si Pinky ng mabuti para hindi sya mamatay,Naghahanap lang ako ng tanging oras para ibalik sya sa Animal Land"Paliwanag nya kaya tumango lamang ako
"Pinky!"Sigaw ni Yoona
"Pinky pala ang pangalan ng kunehong ito"
Napalingon kaming lahat ng may magsalita sa likuran namin
"Valet"Bigkas ko sa pangalan nya
Nakita kong napaatras si Arden ng makita nya si Valet,Marahil ay nagulat sya dahil sa suot ni Valet
Nakasuot si Valet ng Violet na dress above the knee,May suot syang heels na may tali at nakapalibot ito sa binti nya hangang sa ilalim ng tuhod nya,May kulay n Violet din ang dulo ng buhok nya may suot din syang gwantes na hanggang siko nya,Sino ba namang di magugulat?
"Nice to meet you again...Arden"
Tumalon si Pinky pababa sa bisig ni Valet at tumakbo sya hanggang sa may gilid
Nagulat kami sa sunod na nangyari,Nagpalabas si Valet ng kapangyarihan sa kamay nya at ganon din si Arden,Parehong nakatingin sila sa mata ng isa't isa
Hanggang sa biglang sumabog ang nagtama nilang kapangyarihan,Naging mabilis ang pagkilos ko at binalutan ko sila ng Kapangyarihan ko upang hindi kumalat ang pagsabog
Nang mawala ang usok ay tinanggal ko na rin ang nakabalot sakanilang dalawa
Parehi silang hinihingal at nakatayo pa rin.Hanggang sa napunta ang atensyon namin sa kuneho na nagbago ng anyo at naging isang...
...
...
...
...
...
...tao?
"Hindi na kayo nagbagong dalawa"Wika ng kuneho na naging tao
"Isa pa Violeta ang pangalan ko hindi Pinky"Dugsong nito
Palipat lipat lang ang tingin naming lahat dun sa tatlo
Makinis ang balat nung babae at kulay Violet ang lahat ng buhok nya,Kakaiba ang kaniyang kasuotan,Pawang mga bakal ang kanyang boots na hangang tuhod may malapad din siyang pulseras na kulay violet,May suot syang maikling short na Violet at sa tingin ko ay tela ito,Nakasuot lang din sya ng sando na maiksi at kita ang kanyang pusod
"Isang taon ka nang hindi lumalabas kaya pinky na ang itinawag ko sa iyo upang asarin ka"Wika ni Arden
"Tulad namin ay hindi ka pa rin nagbabago,Nagaantay ka pa rin ng labanan upang magenjoy ka"Wika naman ni Valet
"Masyadong boring kung walang labanan at dahil nandidito ka na ulit ay mananatili muna ako sa ganitong anyo"Paliwanag nung babae
Ibig nyang sabihin ay laging magkaaway sina Arden at Valet kaya hindi sya muna babalik sa dati nyang anyo.
Napatango na lang ako sa naisip ko
"Nandito pa kami!"Singit ni Jessica sa usapan nung tatlo
Isa isa kaming tiningnan nung violeta at pawang kinikilala kami
"Bakit hindi na lang natin bisitahin ang ibang kaharian?"Out of the blue na sugestyon ni Fuchsia
"Tama ka,tutal dalawang araw na lang at bibisita pa sila sa mundong kinalakihan nila"Sangayon ni Thunder
"Buti naman at nahalata nyo,Umuwi na tayo dahil buong araw tayong naghanap sa kunehong iyan na tao pala na nagngangalang pinky"Wika ni Yoona at naglakad na palayo
"It's Violeta,Not Pinky!"Sigaw ni Violeta
"Whatever,Pinky will always be pinky"Pahabol nya pa bago sya mawala sa paningin namin
"That kid!"Galit na wika ni Violeta
"Teka,Arden sabi mo sakin na taga Animal Land sya,Pero isa pala syang tao?"Takang tanong ko
Napatingin na lamang ako kay Valet ng bigla itong tumawa,Yung totoo?
"Violeta has been cursed by her ancestor,Di kasi sya marunong makinig,Hahaha"Tuloy na tawa no Valet
Kung gayon pala ay seryoso yun,Bakit sya natawa?
"Cursed?Bakit?"Takang tanong ni Elaine
"She's from the tribe of Unassertive,And it's obvious that she need to act a girl,Bawal silang gumamit ng kahit anong sandata maliban sa mga lalaki,One time sinugod sila ng Tribo ng Ashkano at dahil malapit ng matalo ang tribo nila ay humawak sya ng espada,Natalo ang Ashkano in the end pinalayas sya sa tribo at naisumpa na maging lalaki at upang maiwasan ang sumpa basta na lang sya kumuha ng hayop sa tabi tabi tabi at nagtago sa katawan ng kuneho,Nakalimutan nyang dalhin ang plauta nya kaya hindi na sya ulit makakalabas sa katawan ng kunehong iyon..Unless..."
"Unless..."
"Arden"Banta ni Violeta
"Unless someone kiss herrr!!"Sigaw ni Arden at tumakbo ng mabilis
"Arden!!"Sigaw ni Violeta at nagpalabas ng espada sa kamay nya bago tumakbo sa direksyon na dinaanan ni Arden
Nagsimula na silang maglakad hanggang sa kami na lang ni Elaine ang natira
"Ang bilis ng araw noh?"Wika ni Elaine sa gilid ko na kasabay ko na pala
"Tama ka,Parang kahapon lang nangyari ang lahat,Hindi ka ba nagsisi sa nangyari satin?"Tanong ko sakanya
"No,Hindi ako nagsisi dahil ito ang dahilan para mas makilala ko kayo at ang sarili ko,Tsaka dahil din dito kaya dumami ang kaibigan ko"Nakangiting wika ko
"Ako din,Dito ko nahanap ang sarili ko,This world is where do I really belong"
"Pero may iba sa pakiramdam ko,Feels like my other half is missing"Dugsong ko
"Siguro ay dahil sa naiwan mo sa Normal World,Kay Nanay Lourdes mo"
"Siguro nga,Namimiss din siguro ako ni Nanay Lourdes,Siguro iniisip nya rin ang kalagayan ko ngayon"Wika ko
"Parang gusto ko na tuloy agad dumalaw sa Normal World"
Dahil yata sa sinabi nya dahil bigla akong kinabahan,Pero bakit?May mangyayari kayang masama?Sana wala?Sana.
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasiaIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...
