Yvonne POV
Tuwang tuwa silang apat nang ibalita ko na pumayag si Valet na bumisita kami sa normal world bukas pero tatlong araw lang daw kami pwedeng manatili doon,Hindi na ako nagtanong pa kung bakit,Basta ang mahalaga ay makita namin ang mahal namin sa buhay sa Normal World,Kahit na hindi nila sila tunay na magulang ay nagpapasalamat pa rin sila dito
Sa unang araw at sa susunod ay baba kami sa bayan upang maglibot at sa mga kaharian ng Elemental World,
"Im so excited na!!"Tili ni Jessica sa sofa
"Low your voice"Wika ni Yoona na nakahiga nanaman sa kama ko at natutulog
"Sorry"Paumanhin ni Jessica at lumabas ng Terrace at doon nagtatalon
Napailing na lang ako at ibinaling ko ang tingin kay Thunder at Kaizer na naglalaro nang isang board game,Si Elaine naman ay binabasa yung libro na nakuha ko sa normal world.Samantalang si Fuchsia ay may hawak na ahas at pinapaamo.So ako naman nakatunganga nanaman dito at walang ginagawa
'Meet me at the falls,now'
Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ko ang boses nya sa ulo ko.
"Ahm..Guys labas muna ako"Paalam ko sakanila
"San ka?"Tanong ni Elaine
"Jan lang"Sagot ko at lumabas na ng dorm ko
--
Pagkarating ko sa Falls ay wala akong naabutan na Ice sa halip ay kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman na tila may nagbabadyang panganib sa paligid
Naging alerto ako ng may kaluskos akong narinig sa may malagong halaman,At tama ng ang hinala ko-may bumubulusok na palaso ang papunta sa direksyon ko„Agad akong tumalon ng mataas upang mailagan ang palasong tatama sakin
Ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari sunod sunod ang bumubulusok na palaso ang papunta sa direksyon ko-Walang duda,Kay Ice galing ang lahat ng ito dahil gawa sa yelo ang dulo ng bawat palaso
Nagpalabas ako ng espada gamit ang elemento ng hangin at sinalag ang bawat palaso na tatama sakin,Ngunit hindi ko maiwasan ang mapadaing sa tuwing natatamaan ako sa braso o di kaya ay sa aking mga binti.
Saktong pag lapat ng mga paa ko sa lupa ay ang pagtigil ng mga palaso na umaatake sakin,Buong akala ko ay tapos na ngunit nagkamali lang ako bigla na lang may halimaw na lumabas sa Falls at sumugod sakin,The monster is made of Ice no wonder na sya nga ang may gawa nito
Akala ko ay magiging madali lang na matalo ko sya ngunit nagkamali ako,Tumalsik ako sa isang puno at halos matumba na ng salagin ko ang tira ng ahas na halimaw na ito.Hindi man lang nasira ang parteng tinamaan ko.
Ice is crazy.Ngayon lang nya ako binigyan ng kalaban dahil kadalasan sya ang nagiging kalaban ko.Ni wala man lang syang sinabi na maghanda ako
Aishh!Muli akong tumayo at inilagan ang mga atake nya,Naglalabas sya ng matutulis ng yelo mula sa kanyang bibig at sumasabog pag tumatama sa lupa.I wonder kung nakikita nila na may kaguluhan dito.
Wala akong nagawa kung hindi ang sumugod kahit hindi sakanya tumatalab ang bawat tira ko.
"Aww!"Daing ko ng madaplisan ako nung yelo na binabato nya
Napaikot ang aking mga mata ng mabitawan ko ang espada ko na gamit ko kanina
Tumayo muna ako sa isang gilid upang magpahinga at magisip ng gagawin
Anong pwede?Ice monster.Water.Shoot!Oo nga noh?!Bakit ngayon ko lang naisip
Apoy
Agad akong nagpalabas ng apoy sa kamay ko at itinapat sa nagwawalang halimaw na yelo.
Isa ito aa tinuro sakin ni Ice,Kung paano maglabas ng apoy mula sa aking mga kamay.
Gotcha
Nagtalsikan sa paligid ang bawat piraso ng yelong halimaw na iyon.
Napatingin ako sa taas ng falls ng may marinig akong marahang pumapalakapak at nakita ko doon si Ice na cold pa rin na nakatingin sakin,Tumalon sya pababa sa harap ko
"Now learn to heal yourself"Wika nya sakin at tila naghihintay ng gagawin ko
"Do you think kayang kong gawin nang walang nagaasist sakin?"Taas kilaay na tanong ko
Bumuntong hininga sya bago kuhain ang kamay ko at ipinatong sa isang galos sa braso ko
Parang nag slow motion ang paligid habang hinahawakan nya ang bruise ko sa aking braso,Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat pagdampi ng daliri nya sa balat ko,Pinanuod ko ang pagtaas baba ng adams apple nya sa tuwing nagsasalita sya,Napahawak ako sa puso ng halos sumabog na ito sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko
'Sh*t!Ano 'tong nararamdaman ko?'
"Hey are you listening?"Napakurap lang ako ng magsalita sya
"H-Hah?ah Oo"Wala sa sariling sagot ko
"Then do it"Wika nya
"H-Hah?A-Ano nga ulit?"Tanong ko at napatango na lamang ako
"Try to focus your self in your hands and try to imagine what you want to do"Wika nya at tumango lamang ako
Ginawa ko ang sinabi nya at unti unti ay umilaw ang bruise sa aking braso at unti unti ay naglaho ang sugat ko.
"Now heal yourself"Wika nya at binitawan na ang kamay ko at tumalikod
"Bilisan mo.Ihahatid na kita"Wika nya at naglakad na
Dis oras na nga pala ng gabi at nasa labas pa king dalawa
Sinundan ko si Ice sakanyang paglalakad habang patuloy ko pa ring ginagamit ang sarili ko,Hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng building namin
"Sya nga pala,Ako bukas ang makakasama nyo sa bayan"Natigilan ako sa sinabi nya at napansin nya rin iyon
"Utos ni Valet"Wika nya bago sya umalis sa harap ko
'Haist!Yung dibdib ko nanaman!!'
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasyIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...
