Elaine POV
Pinikit ko ang mata ko at pilit iniintindi ang kaguluhan sa labas. Kasama ko sa kwartong ito ang lalaking nagngangalang Devor. Hindi ko sya makausap dahil wala syang dila. Kagabi pa nya ako binabantayan at hindi sya umaalis.
Medyo nawawala na ang sakit at galos sa aking katawan. Suot ko pa rin ang malaking kadena na hindi ko magawang masira.
Napatingin na lang kami nang biglang may isang kawal ang daliang pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Pinapaabot ni Heneral Cell na itakas nyo na daw po ang bihag at magtungo sa itim na kastilyo!" Nangangatog na wika nung kawal. Tumango lang si Devor. Tiningnan nya ako bago sumenyas sa kawal na umalis na. Lumapit sya sakin at pumitik lang sya sa hangin at gumapang ang itim na usok sa kadena at sinira ito. Naglaho naman agad ang usok.
Dahan dahan akong tumayo. Tatakbo na sana ako pero may biglang kumapit sa paa ko dahilan upang mapatigil ako.
'You can't escape to me'
Di man ako sigurado kung kaninong boses iyon ay tiningnan ko pa din ng masama si Devor na walang emosyong nakatingin sakin.
'Your an Earth user but you did not try to read my mind? Such an idiot'
Pinigilan ko ang sarili ko na sapakin sya sa mga oras na ito. Alam kong may oras para dito.
'I don't care' sagot ko pa dito
Hinawakan nya ng mahigpit ang wrist ko at mahina akong napadaing sa sakit. Bigla na lang nya akong hinigit palabas at nakita ko ang dalawang kawal na naghihintay samin. Nauna syang maglakad at hila pa din ako. Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil pinipigilan ito ng mga kamay nya.
Ilang pagsabog pa ang naganap at ilang liko din ang ginawa namin upang iwasan ito. Liliko sana ulit kami pero nanlaki ang mata ko ng makita ko si Amea. Hinarang sya ng dalawang kawal at naistatwa lang ang dalawang kawal sa harap nya. Tumingin naman sya samin. Nagpakawala si Devor ng usok at hinigit ako palayo. Nakita ko na din ang iba pang mga kasamahan namin kaya mas lalong binilisan ni devor ang takbo nya. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang labas marami na ang nagkalat na katawan ng mga kawal at wala pa naman sigurong napapaslang sa mga kakampi.
Tuloy lang sya sa pagtakbo at ilang sandali lang ay nasa tabi na kami ng dead end pero takbo pa rin sya ng takbo.
"Elaine!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Jessica kasama si Amea na tumatakbo. Tiningnan ko ang kamay ni Devor at pilit ko g inalis pero hindi ko nagawa.
Biglang tumigil sa pagtakbo si Devor at hinarap silang dalawa. Itinapat nya ang palad nya sa kanilang dalawa at nagpakawala ng usok. Bigla na lamang bumalik samin ang usok. Ang akal ko ay mapupunta samin ngunit naglaho ito.
"Ibigay mo samin si Elaine" Wika nya ngunit wala syang ginawa at nagsulat lang gamit ang usok nya.
"Masasaktan ka lang Devor. Ibigay mo na lang sya samin" Wika ulit nya
Bigla nya akong inilagay sa likod nya at napalibutan ako ng usok nya dahilan upang hindi ko masyadong makita ang nangyayari. Wala rin akong marinig at tanging pagikot lang ng usok ang naririnig ko.
Maya maya ay nakita ko ang pigura ng isang tao-isang babae ang papalapit sakin ngayon-si Amea
Ilang beses na nyang sinusubukan sirain pero walang nangyayari. Nagkakagasgas lamang ako sa tuwing dumidikit ako.
Bigla na lang akong may naamoy na hindi ko maipaliwanag.
Sumisikip ang dibdib ko. Nauubusan ako ng hangin. Pakiramdam ko ay nawawalan ng hangin dito sa loob. Napakapit na lamang ako sa dibdib ko. Parang...parang bumabagal ang tibok ng puso ko.
-----
Ps.Baka nalilito kayo. Sabay sabay nangyayari ang mga Pov nila.
-----
Yoona POV
Napaikot na lang ang aking mata ng bigla nanaman syang sumugod at pilit akong hinahawakan. Sa tingin ko ay kahit nakakamatay sya,ako pa din ang mananalo.
"You know what,Hindi ka talaga mananalo sakin. Kung gugustuhin ko man na patayin ka agad ay hindi ko kaya dahil hindi ko kayang pumatay. Pero kung mapilit ka ay pwede naman" Taas kilay na wika ko
Muka nang nainis sya dahil namumula na sya sa galit.
"Akala mo kung sino ka! Isa ka lang namang protector na itatapon na lang ng Elemental Princess sa oras na magkaroon ng kapayapaan dito" Wika nya kaya napatigil ako. Hindi iyon magagawa ni Yvonne dahil kaibigan nya kami.
"Isa pa, Kung gusto nyo pwede namang umanib kayo samin upang hindi manalo ang kabilang panig at pag nangyari iyon mananatili parin kayo sa Elemental Princess!" Sumbat nya
Bigla naman parang ulo ko ang naginit. "Hindi iyon magagawa ni Yvonne dahil kaibigan nya kami!" Sigaw ko pa dahilan upang mapangisi sya
"Sigurado ka? Hindi ba at siya din ang dahilan kung bakit nakuha namin si Elaine. Sya din ang dahilan upang mapunta kayo dito" Nakangisi nyang wika
"Kahit anong sabihin mo hindi mo ako mapapaanib sainyo. Isa pa,Dito sa mundong ito ako tunay na nabibilang,Sa mundong 'to nabuo ang totoong ako. At sa hindi ko na sya sinisisi sa pagkakuha nyo kay Elaine. Dahil tulad ng sabi ni Kaizer. 'Walang sino man ang dapat sisihin kundi kayo' " Mariin kong pagkakasabi
Lumawak ang ngisi nya. "Kung ganon wala na akong iba pang pwedeng imungkahi saiyo--Sandali! Meron pa pala" Saglit syang tumigil. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang sasabihin nya
"Hindi ba't mahal mo si Josh" Saglit akong napatigil "Maaari kayong magsamang dalawa kung aanib ka samin"
Inaamin ko. Sya pa din talaga ang mahal ko. Pero hindi ko lang matanggap kung bakit kaaway namin sya ngayon.
"Sinasabi ng iyong mga mata na mahal mo sya. May naalala pala ako!" Nakangising wika nya
"Hindi na pala kayo pwedeng magsama dahil sa pagkakaalam ko,Mahal ako ni Josh at ganon din ako. Isa pa...buntis ako"
Parang tumigil ang pagikot ng oras nang marining ko ang sinabi nya. Hindi maaari. Hindi pwede. Batid kong kasinungalingan lamang ito,Ngunit tila walang nalabas sa bibig ko para sabihin na kasinungalingan lamang iyon.
Tila tumigil naman ang pagtibok ng puso ko ng maramdaman ko ang isang kamay ang nakahawak sa balikat ko.
Hindi nga ako nagkamali. Nilinlang ako ng nasa harapan ko.
*****
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasyIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...
