Chapter 32:First Encounter

8.2K 166 6
                                        

Yvonne POV

Marami ang nakaabang sa muling pagbubukas ng gate sa akademya,Marami ang nagtatawanan at nakangiti nang makita ng lahat ang pagbukas ng higanteng gate ng akademya.

"Sino pa bang inaantay natin?"Tanong ni Jessica

Bakit kasi napakatagal ni Ice,Kainis alam naman nyang maaga kami aalis

"Lets go"Napalingon kaming lahat nang may magsalita sa likodan namin

"Thank god at dumating ka na!"Inis na wika ko at sumunod na sakanya pero napatigil ako ng makita kong hindi sila naglalakad

Nagtatanong na tumingin ako sakanila

"Bakit kasama yan?"Takang tanong ni Elaine

Nagkibit balikat ako bago sumagot

"Sabi ni Valet"Wika ko at naglakad na ulit,mukang nakuntento naman sila sa sagot ko at naglakad na rin sila

"Wait pano tayo baba?"Takang tanong ni Yoona

Mukang napatigil na rin ang iba pa

"Bilisan nyo na,Mawawala na ang daan pababa"Wika ni Ice sa unahan

Napansin kong kami na nga lang ang natitira dito sa academy kaya naglakad na kami

May lumulutang na malapad na dahon sa tabi.Sumakay na kaming lahat doon at dahan dahan itong bumaba

Gamit ang kakayanan kong makakita sa malayo,Pinagmasdan ko ang bawat kaharian ng Elemental World makukulay ang bawat kaharian at mahahalata mo rito ang payapa nilang pamumuhay sa kanikanilang kaharian ngunit nakita ko na ang tatlong kaharian maliban sa isa,Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid ngunit hindi ko talaga makita

"Fire Kingdom is inductile,Hindi mo ito makikita ng basta basta dahil kadalasan silang nakakubli sa mga ulap o bundok,Minsan ay mapagpanggap din sila"Paliwanag ni Ice habang nakatingin sa kanlurang bahagi ng Elemental World

Hindi na lamang ako sumagot,Marahil ay nasa kanlurang bahagi ng Elemental World nakatayo ang Fire Kingdom.

--

"Wow!"Namamanghang wika ni Jessica habang nakatingin sa mga tindahan na nadadaanan namin.Nandito kami sa bayan ng Kyazzi na nasa pagitan ng kaharian ng Air Kingdom at Water Kingdom samantalang ang akademya ay nakatayo sa pagitan ng Air Kingdom at Earth Kingdom

Dito namin na isipang puntahan muna bago ang iba pang lugar,

"Dun tayo!"Sigaw ni Jessica at hinigit si Yoona papasok sa isang tindahan na may pangalang Mjects Store samantalang kami ay nagpatuloy sa paglalakad,May usapan naman kaming magkita kita sa bukana ng bayan bago lumubog ang araw.

Kanina pa humiwalay sa amin si KK at Fuchsia,Sinamahan ni KK si Fuchsia sa isang Carnival na nadaanan namin papasok sa bayan.At kami na lang ang magkakasama nila Thunder,Elaine,Ice at ako.

"May bibilin lang ako saglit"Wika ni Thunder at lumihis ng daan

"Bibili l---"Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinigit ako ni Ice papunta sa may mapunong parte

"I have something to tell you"Wika nya lamang

Nakatayo lang si Elaine sa gitna habang pinagmamasdan kaming dalawa

'Kita na lang tayo mamaya'Wika ni Elaine sa aking isipan

Tumango lang ako sakanya bago ako tuluyang kaladlarin ni Ice papasok sa gubat

"Aray ha"Sarkastik na pagkakasabi ko ng bitawan nya ang kamay ko na halos mapula na

"Wala ka namang galit sakin diba?"Tanong ko habang hinahawakan ang namumulang wrist ko

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon