CHAPTER 2
"Hi Ate Lorna" Masayang bati ko sakanya. Sya ang pinakamabait na Librarian na kilala ko dito sa lugar namin. Wala sa school ang Library na ito. Kung baga isa syang Private Library na may sariling Building,Hanggang 5th floor ang Library dito
Sa 1st Floor,Mga libro ng kids,Ganyan
Sa 2st Floor,Don nakalagay yung mga Romance na Genre ganern
Sa 3nd Floor,Mga History ng bayani,Lugar,Mundo etc.
Sa 4rd Floor,Jan nakalagay yung mg Science book,Math book mga educational book ba.Basta.At sa favorite floor ko ang 5th Floor,Mga Fantasy stories ang nandidito pero jusko,Ayaw ba nila ng mga Fantasy stories dahil napaka unti lagi dito ng tao.
"May bago ba?"Tanong ko kay ate Lorna. Halos nabasa ko na kasi lahat nang story ditong luma.
"Ah oo jan sa dulo,Kaso mga lumang libro ang dinala dito ni Madame eh" Wika nya. Napatango naman ako. Yung 'Madame' na tinutukoy nya ay yung may ari nitong Library.
"O sige salamat" Wika ko at nagtungo na sa pinakadulo. Halos mapairap ako sa baho ng amoy ng mga libro dito sa dulo. Luma lang yung kulay nung papel pero ayos naman yung Cover nang mga libro.
Naglakad ako ng marahan habang tinitingnan yung mga libro dito. Napatigil lang ako sa paglalakad ng may makita akong makapal na libro. Di ko sana kukunin ang kaso parang tinatawag ako. You know,parang tinitingnan ka nya,Something like that.
Kinuha ko na ito at inilapag sa pinakamalapit na table na nakita ko.
"Elemental World?"Basa ko sa title ng libro. May ganon ba? Well bakit pa ako nagtaka eh fantasy 'to. Tsk.
Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ko yung libro at inilapag sa table ni Ate Lorna.
"Hihiramin ko to"Paalam ko sakanya.
"Sigurado ka? Mukang mabigat yan ah?"
"Hindi naman,Magaan lang naman eh"
Kumuha naman sya ng papel at binigay nya sakin pinapirma nya rin ako dun sa log book para malaman na ako yung nanghiram.
"Salamat" Wika ko at lumabas na sa library na iyon
Malapit lang sa Village namin itong Library kaya nilakad ko na lang. Medyo padilim na rin kaya mas binilisan ko ang lakad. Ayokong gabihin sa daan wala pa naman si Nanay Lourdes sa Bahay dahil umuwi sya sa kanila.
Saturday kasi ngayon at tuwing Saturday at Sunday wala sya sa bahay dahil umuuwi sya sa kanila at sa lunes pa ang balik nya dito samin.
Habang naglalakad ako di ko maiwasang kabahan dahil parang may nasunod sakin. Iba lang kasi yung feeling ko dahil parang may kung ano na gustong kumawala sakin.
Nilingon ko yung likuran ko at wala naman akong nakitang kahit na sino.
Weird,Pero baka paranoid lang naman ako.
Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad ko. May naririnig nanaman akong kaluskos sa likuran ko. And this time alam kong may nakasunod na talaga sakin. Hindi naman pwedeng multo yun.
Lumingon muli ako sa likuran ko at may nakita akong lalaki na nakablack hood.
"Sino ka?" Matapang na tanong ko sakanya kahit na parang hihimatayin na ako dito.
BINABASA MO ANG
The Elemental Princess
FantasyIn a world were power does not exist, Five children were born and grew in the human world. They were living a simple life believing that the world they are in are their home. Enjoying the life they had. Not until they found a book that will complete...