Chapter 3

14.2K 347 5
                                        

CHAPTER 3

"Release" Basa ko sa nakasulat. Everything was fast. Nagulat na lang ako ng magtilian at magsigawan yung apat.

"Aaaaahhhh!!" Sigaw nila.

Napaatras naman ako nang makita kong nagliliwanag yung tatoo sa picture. Halos mapatayo ako ng biglang nawala sa picture yung tatoo at lumutang sa Ere. Hindi ako makasigaw man lang dahil sa gulat,Hindi ko alam kung anong gagawin ko, samantalang yung apat halos mapatiran na ng litid sa leeg sa kakasigaw.

Nagpaikot ikot sa ere yung apat na Tatoo at biglang lumapit yung asul na Tatoo kay Jessica kaya napatakbo sya palayo kasunod nya yung Tatoo na kulay asul. Nakatitig lang ako sa tatlo pang ilaw na lumulutang sa ere.

Sunod na lumapit ang pulang Tatoo kay Kaizer kaya napatakbo lang sya papunta sa kusina at hinahabol rin sya ng Tatoo,Di na rin kinaya ni Elaine at Yoona ang nangyayari kaya napatayo nalang si Elaine at tumakbo na din.

Lumapit kay Yoona ang natitirang Tatoo na berde. Nabigla na lang ako ng makita kong lumapit sa likuran ng palad ni Yoona ang Berdeng Tatoo. Nasaksihan ko kung paano ito dumikit sa balat ni Yoona at kung paano magliwanag ang buo nyang katawan.

Napakurap ako ng maraming beses kung totoo bang nawawalan ng damit si Yoona.

Napatingin ako sa paa ko ng may makita akong tubig na gumagapang papalapit kay Yoona. I must be dreaming

Bumalot ang tubig na iyon sa katawan ni Yoona at naging...

What the heck!

Dress?!

Pinagsasampal ko ang sarili ko at pumikit. Sana magising na ako sa bangungot na ito,Ang hilig ko kasi sa Fantasy kaya nanaginip na ako ng ganito...!

Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Yoona na nakatayo na sa harap ko ngayon at nakasuot ng dress na Green.

Totoo nga??

Napalingon ako sa may backdoor ng bumukas yun at pumasok si Elaine na naka dress ng brown. Nakarinig naman ako ng yabag mula sa hagdan at nakita ko si Jessica na naka dress na blue.

What's happening?!

Napalingon ako sa kusina at nakita ko si Kaizer na nasusunog ang buhok kaya nanlaki ang mata ko. Bigla rin naman itong nawala.

Napakagat labi na lang ako ng makita ko ang katawan nya. Naka shorts sya hanggang ilalim ng tuhod na kulay pula at may kwintas LANG na bungo,It means wala syang damit kaya kita ang abs nya

Urghhh!!Tama na muna ang kalandian Yvonne intindihin mo muna ang nangyayari ngayon.

Lumapit silang lahat sakin

"A-Anong nangyayari?" Frustrated na tanong ko at napasuklay na lang ako sa buhok ko.

"B-Bakit walang nangyari sayo?" Tanong ni Yoona

"I-I don't know" Sagot ko. Nanginginig pa ang mga daliri ko habang nakatingin sa kanilang tatlo.

"Mabuti pa at maupo muna tayo,We need to know what happening to us" Wika ni Jessica. Sumangayon naman ako.

"Paano natin maayos 'to?" Tanong ni Jessica.

"Actually,I really don't know what to do,But I think maayos natin 'to." Si Kaizer naman ang nagsalita.

"H-How?" Tanong ni Elaine na tunigil na sa pagiyak.

"By that book" Wika ni Kaizer at tinuro ang libro sa lapag. Umupo kaming lahat sa lapag at kinuha ko muli ang libro.

"Aww/Ouch!!"

Napatingin ako kila Kaizer at Yoona na magkalapit ngayon.

"Apoy..."Wika ko at tinuro si Kaizer

"Tubig.."Dugsong ko pa at tinuro si Yoona

"...Hindi kailan man nagkakasundo" Dugsong ni Elaine.

"...Kaya maglayo kayo" Dugsong naman ni Jessica

Nagkatinginan kaming tatlo dahil pareho lang kami ng iniisip. Lumipat si Kaizer sa tabi ni Elaine sa kabilang dulo.

Muli kong binuksan ang pahina na may nakasulat na Release at nilagpasan papuntang kasunod na pahina

"Air Tattoo, Fire Tattoo, Earth Tatto, Water Tattoo?" Patanong na basa ko sa nakasulat.

"It must be this" Wika ni Jessica at iniharap sakin yung likod na palad nya na may Tattoo,Pati na din yung tatlo ay iniharap sakin yung likod ng palad nila. Muka lang simpleng tattoo ang mga nasa likod nang palad nila pero alam naming hindi.

"And what's with that?" Turo ko sa mga tattoo nila.

"We don't know,Basahin mo na lang yung libro baka may sagot jan" Wika ni Jessica. Tiningnan ko pa sila at hinihintay nila ang sasahihin ko.

"Ang apat na pinili may iba't ibang lahi,Bawat lahi may kahati,Hindi apat kundi isa,Isa ang makikihati sa apat na lahi.." Naputol ang pagbabasa ko ng magsalita si Yoona.

"L-Lahi namin 'to?"Takang tanong ni Yoona. Napaisip din ako. Kung lahi yun,Anong klaseng lahi yun.

"Maybe,Pero anong ubig sahihin na tayo ang pinili ng lahi?" Tanong ulit ni Kaizer

"Ngunit sino ang makikihati?" Takang tanong ko. Nagtinginan naman silang lahat sakin.

"You must kidding guys,Okay na ko sa ganito" Ngumiti ako ng pilit sakanila. Sa tingin ko pa lang alam kong iyon na ang iniisip nilang lahat.

"Isa pa walang sinabi na ako" Dugsong ko pa at umiwas nang tingin. Napabuntong hininga na lang ako at muling inilagay sa libro ang aking mga mata.

"...Lumalakas ang humati sa oras na mahati ang isang lahi,Nanghihina ang isang lahi sa oras na may humati na hindi karapatdapat na humati." Pinutol ko muna ang pagbabasa ko at inilipat sa kasunod na pahina

"So it means,Pag may nakihati samin na hindi dapat,Manghihina kami?" Wika naman ni Jessica.

"Siguro?"

Tiningnan ko lang sila at tumango lang sila na parang pinatutuloy ang pagbabasa ko.

"Sa mundo ng mahika may 4 na kaharian Una ang Air Kingdom,Sila ang namamahala sa kalinisan at kapayapaan sa himpapawid.Ikalawa ang Water Kingdom sila naman ang namahala sa lahat ng tubig na dumadaloy sa mundo ng mahika.Ikatlo ang Earth Kindom sila ang namamahala sa kalinisan ng kapaligiran,Nang mga halaman at ng mga puno at ang Ikaapat ang Fire Kingdom sila ang namamahala sa lahat ng mga halimaw na nakakalaban ng lahat na kaharian,Sila ang nagpaparusa sa lahat ng halimaw o kaaway na sumusugod sa mundo nila. Kilala rin sila bilang pinakamailap ng kaharian sa lahat. Madalang lang silang makita ng sino man dahil madalas ay nagpapalit ng wangis ang kanilang kaharian bilsng isang bundok,Burol o kagubatan" Huminga muna ako nang malalim at sinulyapan sila. "Ang lugar na ito na puno ng mahika ay tinatawag na ELEMENTAL world,Isa sa pinaka mahigpit na kaaway ng mga kaharian ay ang Vampirious Kingdom,Ang Vamparious Kingdom ay hindi nabibilang sa ELEMENTAL world,Hindi nakasaad sa mapa ang kinalalagyan ng Vamparious Kingdom dahil hindi ito nabibilang dito. Ang Vamparious Kindom ay itinayo ni Blood sa tulong ng kanyang asawa na si Rushanya na tumaliwas sa pagiging isang Diwata,Diwata ang nagbuo sa Elemental World,Mga Diwata na ang hangad ay mamuhay ng tahimik. Hindi nila alam na sa sobrang pagmamahal ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian ay nabuo ang isang sanggol,Sanggol na hindi galing sa dugo ng sino man.Kundi sanggol galing sa tiwala,Pagmamahal at pagiintindihan ng lahat ng kaharian. Nabuo ang sanggol sa isang bulaklak ng buhay na pinangangalagaan ng mg diwata sa kanilang tirahan sa gitna ng mga kaharian.At tinawag nila itong ELEMENTAL Princess"

"So what was that?" Di makapaniwalang tanong ni Kaizer.

"Ahm,Hindi kaya may sa mangkukulam yan at plano tayong kainin"

"Jessica!" Sigaw namin dahil halos lahat yata kami takot sa mangkukulam. They are creepy.

"Okay,Just kidding" Tatawa tawa pa nyang sagot.

Kahit na hindi namin naiintindihan ang mga nangyayari,We still believe na maayos din 'to.

__________________________________________________

[Edited]

Vote and Comment are highly appreciated.

Follow me on Wattpad and read my other works.

The Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon